Disclaimer: I'm not an Andreau Cortez fangirl.
Hindi ako tulad ng ibang teenage girls na titili pag nakakita ng gwapong artista. I rarely watch TV, so hindi ako makarelate sa kinaadikan ng karamihan. Si Kesh lang naman ang nagsasabi sa'kin ng mga chismis. Madalas kong nagpapalit ang mga pangalan ng artista, so kailangan niyang ipakilala sa'kin lahat bago siya magkwento ng chismis. I'm not that ignorant. Showbizness isn't really my thing.
But he is Andreau Cortez. Kilala ko siya kahit hindi ako nanonood ng TV,
Well, kung sino man ang hindi nakakakilala sa kanya ngayon, malamang nagtatago yun sa ilalim ng bato.
He is everywhere. TV, magazines, billboards, radio ads, pati sa likuran ng mga bus nandun ang mukha ni Andreau. Makikita siya sa TV mula madaling-araw (I saw their TV station's music video for Lupang Hinirang, he's there) hanggang sa sign off part ng station (I don't have any idea kung bakit isa pa siya sa nasa video na yun). Halos maumay na ako sa kabi-kabila niyang endorsements!
Saying that Andreau Cortez is the best actor of his generation is quite an understatement for me. Compared naman sa batchmates niya na puro pagpapacute ang alam, seryoso si Andreau sa trabaho niya. Pwede bang bestest? As in, level sa veterans ang acting skills niya! He's that good.
Four years ago lang siya naging mainstream actor. Nadiscover siya sa isang fast food commercial. Sabi nga ni Kesh, never niyang inakalang mapapakain siya ng shanghai dun sa ineendorse na fast food chain dahil kay Andreau. To quote her, "He made eating lumpiang shanghai more appetizing for me." Coming from a vegetarian.. that's something.
As a newcomer, many people believed that he's just a pretty face. I was one of them. Ganun naman talaga ang first impression sa teen actors and actresses, right? Pa-tweetums, ila-loveteam sa girly na teen actress tapos gagawan ng magkakasunod na teleserye. Tapos pag naging successful ang show, igu-guest sa noontime variety show every Sunday para lang maglipsynch. Isa yan sa reasons kung bakit ayaw kong manood ng TV. Ang pathetic lang kasi!
Of course, Andreau is different. Although siya ang pinakagwapo sa batch nila sa home network niya, hindi siya nabigyan agad ng teleserye. According to Kesh, hindi pa raw magaling umarte si Andreau nun. Paextra-extra lang siya sa teleseryes, kapatid ni ganito, schoolmate ni ganun..
Until mabigyan siya ng isang role para sa isang indie film.
Waiting Shed was his first film, and doon ko rin siya unang nakita na umarte. Pinapanood ng Values Ed teacher namin yung film sa klase namin. He played the role of Dino, a teenager na may isang degenerative disease. Tinatago sa family and parents ang condition niya kasi gusto niyang makagraduate ng high school with honors. Lagi niyang hinihintay sa may waiting shed si Mrs. Evasco, isang elementary teacher, para sa meds niya. Nagkakilala silang dalawa sa ospital; may cancer din kasi ang asawa ni Mrs. Evasco at siya ang dumamay kay Dino nung lumabas ang lab results nito.
I don't really watch movies, lalo na ang indie kasi.. wala lang. I prefer books, mas malawak kasi ang imagination sa ganun eh. Pero yung Waiting Shed.. shit talaga. Nakakadala ng emosyon! Hindi ako iyakin pero naluha talaga ako. Ang galing ni Andreau dun. Maling-mali ang first impression ko sa kanya! Ang yabang niya kasing tinginan eh, at mapapaisip ka kung kaya ba niyang dalhin ang role. He delivered so well! Tsaka bumilib ako sa kanya, nagawa niya yung kissing scene with Mrs. Evasco sa film. The actress is old enough to be his grandmother!! Wala lang, naamaze talaga ako sa kanya.
Nanalo siya ng best actor sa isang indie film festival, besting other veteran mainstream actors. He gained my respect ever since. Minsan nga naluluha ako pag natatandaan ko yung last scene sa movie. That was my favorite part ever.
After Waiting Shed, dun lang siya binigyan ng big projects ng network niya. First was a supporting role in this primetime teleserye where he played as the son of a business tycoon. Doon siya unang napartner kay Jillian Cabrera, ang sort-of loveteam niya. Nang medyo nagclick ang loveteam nila, nagkaron sila ng sarilli nilang teleserye. I caught some of the episodes and it was.. okay. Hindi ko trip yung acting nung Jillian, medyo may pagkapilit eh. Si Andreau lang naman ang nagdala sa show nila!
Lumaki ang fanbase ni Andreau in a span of four years. As in. Just last December, naabutan namin ang mall tour niya sa SM North.. my god. Parang may rabies yung mga babaeng fans niya sa sobrang wild! Kung makatili wagas! Thank god at pagod na si Kesh nun, kundi baka nakisali na siya sa Andreau Cortez craze that day. Mapa-bata (I think yung ilan dun wala pa sa puberty stage. Wild, huh?) o mapa-matanda (May ilang lola sa event. Di namin sure kung binabantayan ba nila ang mga apo nila o nanonood talaga sila) ang fans ni Andreau. Lahat sila nahuhumaling sa Cortez Charm Smile.
Ugh.
Isa pa sa nagustuhan ko kay Andreau ay ang pagbibigay importansya niya sa studies. Believe it or not, schoolmate ko siya! BA Film, to be exact. Second year pa lang siya, although two batches older siya sa'min ni Kesh. Last year kasi ang busiest year ever niya (two movies, one indie film at isang napakahabang teleserye!) nag-leave of absence siya sa university. Paano kaya niya napagsasabay ang career at studies? Grabe, siya na!
Wala akong clue na dito siya pumapasok sa university up until last June, nung nakasabay ko siyang kumuha ng class cards. Akala ko nga namalik-mata lang ako eh. Artista tapos pipila nang sobrang matagal para kumuha ng class cards? Wow, humble! After that hindi ko na siya masyadong nakita sa campus. Una, sobrang laki nitong university para magkasalubong kami. Pangalawa, naglalakad lang ako tapos siya may Chedeng. Pangatlo, magkaiba kami ng college. Pang-apat.. of course, kahit magkasalubong kami, there's no chance that he would notice me. Hay.
Then three months ago.. something happened. Dahil medyo short ang pinapadala sa'kin ni Mima (tawag ko sa nanay ko, sorry), naghanap ako ng part time job. Buti na lang nai-refer ako ni Kesh sa café na pinagtatrabahuhan niya, itong Café Feliz. November nang magstart ako sa café. Okay naman yung bayad, and I really liked the place. Sakto naman sa class sked ko yung shift.
I can never forget that day. November 13. Patapos na ang shift ko nun, around 8:15PM, nang may pumasok na lalaki sa café namin. Marami kaming customer nun kaya hindi ako ang nakausap niya. Actually wala akong clue kung sino yun, not until minutes later nang makalabas ang lalaki at hinila ako ni Kesh papuntang pantry. She looked so excited, at nagbublush pa.
"Oh my god you saw that!?" kulang na lang ay yugyugin niya ako. Delikado at nakakatakot maexcite si Kesh.
"Sino? Yung pumasok? Hindi eh. Well I saw his back though. Does that count?"
"Baliw. Si Roldan del Rosario yun!" I threw her my I don't know who's that look. "Yung best friend ni Andreau!"
"So?"
Kesh rolled her eyes. "Ugh. Hindi mo ba gets?"
"So what kung pumunta siya dito?"
"God you're so slow sometimes!"
"Pangalan lang naman niya ang sinabi mo eh. What gives?"
Sinabi niya sa'kin yung pakay ni Roldan. It turned out na narinig ni Andreau na masarap daw ang kape sa Café Feliz and he wants to try it. Masyado na kasing pinagkakaguluhan si Andreau dun sa isang café kaya mas gusto sana namin ng place na tahimik. Tinanong niya kung anong daw ang dull hours ng café para dun na lang sila pumunta. Of course, pumayag si Sir TJ. Dakilang famewhore dun yun eh (sorry sir!). Sino ba namang tatanggi dun, di ba? I admit, hindi naman kasing sikat ng Starbucks or CBTL ang Café Feliz pero masarap din naman ang mga pagkain namin dito!
Kaya kami nagkaron ng routine tuwing 3PM, araw-araw. Nakakahiya naman kung tatanga-tanga kami, di ba? Well ako, medyo naging tanga. Yung first order niya ng kape, nilagyan ko ng creamer. I forgot na black coffee with two packets of sugar and no creamer ang preference niya. Todo sorry ako kay Roldan nun!
Laging si Roldan ang kumukuha ng order, habang naghihintay siya sa loob ng Chedeng niya. Ni hindi ko nga siya nakikita e! Once, nabanggit ni Roldan na diretso sa studio si Andreau kaya hindi na siya nakakababa ng sasakyan. Sige, nakalusot na siya. Siya na busy!
Gusto ko siyang mameet in person at magthank you. Halos two years na rin since mapanood ko ang Waiting Shed, and amazed pa rin ako sa galing niya. The movie somehow changed my view in life. Dapat lang akong magthank you! Kaso siyempre ayokong tratuhin niya akong fangirl. Kaya araw-araw kong pinaplano ang magiging reaction ko sa meeting namin: dapat chill lang ako and casual na magcocomment about his movie. Big no no ang pagtaas ng boses, ang mautal at of course, ang sumigaw. Nakakahiya!
Pero.. nilamon ko lahat ng sinabi ko.
Ngayong nasa harapan ko sa si Andreau Cortez.. nawala na lahat ng plano ko.
And he knows my name. My name.
Hindi ko alam kung ano ba ang una kong dapat maramdaman: excitement, kilig o kaba.
AT ANONG SASABIHIN NIYA SA'KIN?
I know I must not expect too much.. but I can't help it.
****