I clenched my fists and entered the sin city called Jupiter's. Pinagmasdan ko ang paligid, punong puno ng mga lalake. May mga pito hanggang sampu ang mga magkakasama. Lahat sila ay naghahanap ng aliw. May kaniya-kaniyang babae, kaniya-kaniyang lagok ng alak at kaniya-kaniyang tapon ng baraha.
Nagkakatuwaan silang lahat, ang iingay lalo na 'yong mga nagsusugal. Puro bad words at trash talk ang naririnig ko. Nasabi ko na ba kung gaano katindi ang amoy rito? There's a foul smell in the air—amoy sigarilyo at alak. Talaga namang hindi ako makakatagal kung hindi ko tatakpan ang ilong ko.
Naglakad-lakad na ako. Isa lang naman ang hinahanap ko eh, si Jump. Hindi ko pa rin siya makita.
Biglang may lumapit sa'king babae. Naka-costume siya na ang theme ay sexy genie. Puro glitters at sequins, naka-two piece lang siya at may maluwag na pants na medyo transparent, makikita pa rin ang legs niya.
"Excuse me sir, may I help you?" magiliw niya akong sinalubong.
Bigla ko namang tinakpan 'yong mukha ko. Hindi niya dapat mahalata na babae ako kaya nilaliman ko ang boses ko. "W-Wala naman, salamat na lang."
Ngumiti siya sa'kin pero hindi pa rin siya umaalis. "Baka may kailangan po kayong i-table? Libre pa po ako."
"N-No thanks." Ang kulit naman ng isang 'to! Marami naman dyang ibang costumers, ako pa ang dinadali!
"Sige na, sir. Kayo po kasi 'yong type ko eh."
What? Type niya 'ko? Siguro totoo nga 'yong sinabi sa'kin ni Adam, gwapo nga siguro ako!
She suddenly wrapped her arms around mine! Grabe expert na yata 'to. Sinilip ko naman 'yong mukha niya kung ano'ng itsura niya.
No way! Si Ley 'to ah! Si Ley Crisanto na laging nambu-bully sa'kin! Bakit siya narito? Bakit ganiyan ang porma niya?
"Hmph! Ang damot niyo naman! Diyan ka na nga!" Tinulak niya 'ko at lumipat na sa ibang lalake. Grabehan!
Nagpasya na lang akong umupo doon sa isang sulok. Binalik ko 'yong tingin ko kay Ley. No doubt, siya talaga 'yon! Pero bakit siya nagtatrabaho rito?
I suddenly heard a loud crash. Nagulat ako at napatingin sa table na kasunod ko. May isang lalaking galit na galit.
"What the fuck? You are so careless! How can you drop that expensive bottle of liquor, you bitch?"
"S-Sorry sir! I'm very sorry! Hindi na po mauulit!" Panay yuko at hingi ng tawag ng babaeng nakabasag ng alak.
Sinampal ng lalake 'yong babae. Pagsilip ko sa mukha niya, nakita kong naluluha na siya.
Hindi pa rin tapos magalit 'yong lalake. "What a loser! Maganda ka pa naman, pero napakakupad at burara nga lang!"
Biglang may tumakbo at lumapit na dalawang babae doon sa eksena. Si Ley 'yong isa, at 'yong isa naman... familiar din 'yong mukha. Shucks! Si Rona 'yon ah!
"I'm sorry sir, bago pa lang po kasi siya dito eh," ani Ley.
Sinundan siya ni Rona. "Hindi pa po kasi siya sanay na mag-serve sa mga customers. Sorry po talaga."
Napatingin naman ako do'n sa babaeng umiiyak. Umalis na lang siya at nakita kong nagtago sa isang sulok ng bar. Tumayo na rin ako at pinuntahan ko siya.
"Hetong panyo, oh." Inalok ko ang panyo ko sa kaniya.
Tumingin siya doon sa panyong hawak ko at biglang nagulat. Kulay pink at sobrang daming disenyo kasi 'yong panyo.Hindi niya 'yon siguro in-expect sa isang lalaking customer na panay black ang suot. Nilipat niya 'yong tingin niya sa mukha ko.
"S-Sir?" mahina niyang bulong.
Tinanggal ko 'yong shades ko at nginitian siya. "Hindi ka dapat umiiyak, Trisha," malambing kong sabi kaniya.
"Oh my gosh! Fammie?" Nang ma-realize niya na ako pala 'yong kaharap niya, bigla siyang tumalikod.
"Bakit ka tumalikod?" tanong ko sa kaniya.
"Bakit ka narito? Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba sabi mo sa'kin hinding hindi ka pupunta rito?"
Hinawakan ko 'yong magkabilang balikat niya. "I'm sorry, I have my reasons. Kung okay lang sa'yo, puwede ba kitang i-reserve sa'kin? Kahit ilang minutes lang, ako muna ang customer mo, ayos lang?" ngiti ko sa kaniya.
Tumango siya pero nakatalikod pa rin. Lumipat na kami roon sa isang table na bakante.
I slowly started to ask her questions. "Ano'ng ginagawa mo at nagtatrabaho ka rito? Pati si Ley at Rona?"
Mahinahon niya akong sinagot. "Wala kaming sapat na puhunan ng pamilya ko. Magda-drop na sana ako ng school, kaso ayoko sanang mangyari 'yon. Gusto ng pamilya ko na magpatuloy ako sa pag-aaral. Alam ko rin sa sarili ko na kapag nagpatuloy ako sa pag-aaral, balang araw ay mabubuhay ko rin ang pamilya ko. Pero... Pero... wala na talaga kaming pambayad, kaya naman..."
"Lumapit sa'yo sila Ley?" tinuloy ko ang sinabi niya.
Tumango siya at sinundan ang kaniyang kuwento. "Sila ang nagpakilala sa'kin dito. Nag-alangan ako noong una, ngunit nagabayan nila ako nang maayos. Pinangako nilang lahat ng gagawin ko ay hindi sapilitan, at pinahahalagahan ang pahintulot naming mga babae. Kaya malaki ang utang na loob ko kina Ley. Kaso lamang, paminsan ay hindi maiiwasan ang mga rude na customer tulad kanina." Tiningnan niya ako at nakita kong malungkot ang kaniyang mga mata. "Kaya pasensya ka na kung hindi kita maipagtanggol laban kina Ley. Sila na rin kasi ang nagsilbing pamilya ko rito. Siguro, paunti-unti . . . ay matutuklasan din nina Ley ang kabaitan mo, tulad ko."
Patuloy kong tinulangan sa pagtahan si Trisha. Ito pala ang kaniyang istorya. Malaki ang paghanga ko sa kaniya dahil sa kaniyang tatag at lakas ng loob.
Nang matapos magkuwento ay ako naman ang tinanong niya. "Ikaw? Ano 'yong dahilan at narito ka? Bakit ganiyan ang suot mo?"
Sasabihin ko ba sa kaniya na tagapagmana ako ng isang napakalaking kompanya at nasa panganib lagi ang buhay ko? Alam kong top secret 'yon, pero kung nagawang ipagkatiwala sa'kin ni Trisha ang sikreto niya, magagawa ko rin siyang pagkatiwalaan. Alam kong kaibigan ko siya.
"Ako ang tagapagmana ng isang kompanya, at maraming gustong pumatay sa'kin para maagaw ang posisyon ko."
May bakas ng gulat at pagtataka sa mukha niya.
Nginitian ko siya at itinuloy ang pagsasaad ng sitwasyon ko. "Meron akong bodyguard. At kilala mo siya. Si Dr. Jump, at the same time, si Coach Jump."
"No way! Bodyguard mo siya? Napakasuwerte mo!"
"Bodyguard ko siya pero dati pala siyang agent ng isang samahan ng mga illegal na leader ng bansa. Lahat na ng klase ng krimen ay nagawa ng samahan na 'yon." Napailing ako bigla sa sinabi ko. "Hindi na pala dati, dahil bumalik na siya ngayon sa samahang 'yon."
"Hindi nga? Akala ko ba bodyguard mo siya?"
Nalungkot at napayuko ako do'n sa sinabi ni Trisha. "'Yon na nga eh. Hindi siya masaya sa pagiging bodyguard ng isang Softy na tulad ko. Mas pinili niya ang dati niyang trabaho."
"Grabe naman siya! Wait, kaya ka ba narito ngayon dahil—"
Tumango ako kay Trisha. "Nagkita kami isang beses at sinabihan niya 'kong mag-uusap kami rito."
"Pero bakit sa lugar na 'to?"
"Hindi ko nga rin alam eh."
"Eh nasa'n na siya?"
Lumingon kami sa likuran at tiningnan namin 'yong paligid. Hinanap namin kung may Jump, pero wala. Nagbuntong-hininga ako at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.
"Uy Fammie, okay lang 'yan." Sinasabi niya 'yon habang hinihimas ang likod ko.
"Mukhang... wala naman akong pinunta rito," mahinang bulong ko.
Suddenly, we heard another loud crash. Lahat ng nasa loob ng bar ay napatingin sa malakas na tunog galing sa entrance. Nakatumba na ngayon ang malaking pintuan dahil may sumipa nang malakas.
Isang grupo ng pitong matatangkad na lalake ang biglang dumating. Lahat sila ay nakakatakot! Puro sila mga naka-leather jacket na itim at may awra na nakakakilabot. Lumakad na sila papasok ng bar, at nakatingin ang lahat sa kanila. Umiiwas ang mga tao sa dadaanan nila. At habang papasok sila, tinutumba nila ang lahat ng mga nakaharang sa daan.
"Sino ang mga 'yan? Nakakatakot sila! Ngayon ko lang sila nakita rito!" nag-aalalang sabi ni Trisha.
Hindi na ako nakasagot sa kaniya. Hindi na ako makapagsalita. At hindi na rin yata ako makahinga, dahil nakita ko sa likod ng mga jacket nila ang isang simbolo.
Simbolo ng Crossed Bones.