抖阴社区

Ang Dalawang Anino ni Satanas

By GYJones

229K 14K 1.4K

Nagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--s... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Premiere Night
Chapter 2: Ang Kaso ni Don Villaromano
Chapter 3: Hannah's Date
Chapter 4: Sa Mansyon
Chapter 5: The Exorcist
Chapter 6: The Possessed
Chapter 7: The Private Detective
Chapter 8: To JHS!
Chapter 9: Symbols
Chapter 10: Ang Don
Chapter 11: Merry Satanic Christmas, Joe Mari
Chapter 12: Satan!
Chapter 14: In His Own Image
Chapter 15: Infiltrate!
Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose
Chapter 17: Black Nativity
Chapter 18: Ang Green Room
INTERMISSION
Chapter 19: The Deal
Chapter 20: Madaling Araw
Chapter 21: The Raid
Chapter 22: Caroling
Chapter 23: The Vessel
Chapter 24: The Twin Enigma
Chapter 25: Christmas
Chapter 26: Game Time!
Chapter 27: Pasko sa Mansion
Chapter 28: Ang Bahay na Itim
Chapter 29: The Ritual
Chapter 30: Rescue!
Chapter 31: Reunion
Chapter 32: Double Exorcism
Chapter 33: Hypnotism
Chapter 34: Satanists Attack!
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 13: It Comes And Goes

5.9K 351 36
By GYJones

Third week ng December.

Karamihan sa mga schools and universities sa Metro Manila ay bakasyon na. Ipinaalam ng Doña sa mga professors ni Miguel na patungo ito sa States para magkabasyon at hindi na makaka-attend ng mga Christmas programs. Nagsabi naman si Don Carlos sa kanyang opisina na maaga rin siyang mawawala. Lahat ng ito'y dahil sa paghahanda sa gaganaping exorcism ni Miguel.

"It comes and it goes," sabi ni Don Carlos. "Now, it's a nightmare."

Naaalala ng Don kung kailan nagsimula ang masamang bangungot na ito na bumalot sa kanyang pamamahay. Ang pagbabago ni Miguel ay nagumpisa noong last week ng August. Noong September ay may instance na nagka-memory lapse siya at nawalan ng malay habang nasa school. By October, ayon sa mga doctors na tumingin kay Miguel, ay wala naman siyang problema sa health; ayon sa kanyang psychiatrist, ay maaaring depression ito at nag-prescribe ng antidepressants. Nguni't, pagpatak ng November, doon na lumabas ang masamang asal ni Miguel at naging palamura siya. Ito rin ang time na sabi ng mag-asawa, at ganoon na rin ng mga kasambahay nila, na nakaramdam sila ng "presence" sa mansion.

Ang tinutukoy nila ay ang mga ingay sa gabi. Mabibigat na mga yapak, ingay na para raw may nagbubuhat ng mga furnitures, malalakas na kalabog na parang may naglalakad sa kisame. Ayon sa isang maid na ininterview nina Jules at Hannah, ay nakarinig daw siya ng dalawang taong nag-uusap nang mapadaan sa kuwarto ni Miguel.

"Weird," pag-isip ni Jules.

"Ano pa nga ba. Obvious na may kasama si Miguel na entity," sabi ni Hannah.

"Entity?" pagtataka ng dalagang maid na kausap nila.

Nilakihan ni Hannah ang kanyang mga mata at sinabi, "Isang dimonyo mula sa impiyerno!"

Nagmamadaling tumakbo paalis ang maid sa takot. Gustong matawa ni Jules habang bitbit ang kanyang mga hardcase. Nasa may stairwell sila katabi ng higanteng Christmas Tree nang bumaba ng hagdanan si Don Carlos at kanyang asawa.

"He's sleeping," sabi ng Don ukol kay Miguel.

"Come, we'll show you the basement," aya ng Doña.

Sa gilid ng staircase ay ang pintuan pababa ng basement. Sa laki ng Christmas tree ay natatakpan niya ito. Sinundan nila ang mag-asawa pababa ng hagdanan. Ayon sa usapan nila, ay doon nila ipe-perform ang exorcism. Ayon sa Don, pinagbakasyon na niya ang kanilang household staff, maliban sa kanilang mayordoma, isang maid at ang driver.

Ang basement ay may open recreation area kung saan may billiard table, sala na may sofa set, bar area, storage room, at isang guest room. Sa instruction ni Jules ay pina-clear niya ang basement ng mga kasangkapan. Mga bagay na maaaring makasakit tulad ng billiard balls, cue sticks, mga bote ng alak, flower vases, at iba pa. Ang natira lamang ay ang mga mabibigat na furnitures. Sa loob ng guest room ang naiwan ay ang kama. May maliit na bintana ang kuwarto na dikit sa kisame kung saan tanaw ang labas ng bahay sa may hardin.

"Is this satisfactory?" tanong ng Don. "I also changed the lock of the door like you said."

"Yes," tango ni Jules. Sa mungkahi niya, pinapalitan na rin ng Don ang doorknob sa paraan na sa labas iyon nalo-lock. Proteksyon na hindi basta-basta makakalabas si Miguel. Hawak ng Don ang susi.

"I heard you talking to one of the maids," sabi naman ng Doña.

"Yes po, ma'm," sagot ni Hannah. "May mga na-witness daw sila na paranormal."

"You mean, the presence?" sabi ni Don Carlos. "Yes, but again, it comes and goes."

"Kailan dadating si father?" tanong ng Doña.

"Parating na po 'yun," pagbigay assurance ni Hannah. "May kinuha lang siyang kagamitan."

Of course, ang tinutukoy ng psyhic ay walang iba kundi ang rosaryo ni Blessed San Lorenzo Ruiz.

Noong umagang iyon ay bumalik sina Bishop Israel at Father Markus sa opisina ni Archbishop Villasor upang kunin ang sacred artifact habang sina Jules at Hannah ay nauna na sa mansion. Ito ang ikalawang beses pa lamang na gagamitin ang rosaryo laban sa dimonyo. Nakatago ito sa isang hidden chamber sa ilalim ng Manila Cathedral, at hindi nila ito basta-basta ginagamit sa takot na baka mapunta sa kamay ng masasama.

Mula sa Manila Cathedral ay hinatid ng service ng simbahan si Father Markus patungo ng Forbes Park. Dala niya ang simpleng jewelry box na gawa sa kahoy. Sa loob noon ay ang rosaryo na pangkaraniwan din lamang ang hitsura, luma na at mukhang mumurahin, pero ang taglay niyang kapangyarihan ay napakalakas.

Nanumbalik sa ala-ala ni Markus ang exorcism ni Berta at ang pag-cast out niya sa demon na si Berith gamit ang rosaryo. Naalala niya ang pakiramdam nito sa kanyang kamay—ang kapangyarihan na dumaloy sa kanyang katawan.

Sabi ng mga nakasaksi, kasama na sina Jules, Hannah, Karen at Mayor Arteza, na sa sandaling iyon nang hawak ng pari ang rosaryo, ang katauhan daw niya'y nagliwanag, at ang kanyang boses ay nag-e-echo na tila nagsalita raw mismo ang Diyos mula sa kanyang bibig. Ng mga sandaling iyon, naramdaman ni Father Markus na sumanib sa kanya ang Espiritu Santo.

Pagkarating ni Father Markus sa mansion ay naroong nagaantay si Hannah sa labas.

"Father!" tawag ng psychic. Kitang tense na tense siya. "Dali, Father. Sa basement!"

Nagmamadaling sinundan ni Father Markus si Hannah pababa ng basement. Sa may hagdanan ay naroon ang dalawang maid na nanginginig sa takot at hindi alam ang gagawin. Doon pa lang ay dinig na nila ang mga hiyaw. May lagkit ang hangin na para bang dumidikit sa balat. Pagbaba nila'y natigilan si Father Markus sa nakita at siya'y napa-kurus. Sa bukas na kuwarto ng basement naroon si Miguel sa kama at nakatali ang mga kamay sa frame nito. Nagwawala, nagmumura. Ang kama ay yumayanig na halos umangat na ito sa sahig. Naroon sa loob sina Jules, Don Carlos, at ang driver na hirap na pinipigilan ang pagyanig. Wala silang magawa sa lakas ng kapangyarihan ng dimonyo. Ang Doña nama'y nasa isang tabi na umiiyak.

"Father...FATHER!" sigaw ni Hannah pagka't tila natulala ang pari.

Agad na binuksan ni Father Markus ang itim niyang bag at kinuha mula roon ang kulay purple na stole na ipinatong niya sa suot na itim na sutana. Pagkatapos ay kinuha niya ang bote ng holy water.

"Dala mo ba ang rosaryo, Father?" tanong ni Hannah.

Tumango ang pari at ipinakita ang kahoy na jewelry box. Pero bago pa niya iyon mabuksan ay narinig nila ang napakalakas na ungol ng dimonyo mula sa bibig ni Miguel. Sobrang lakas na tila binabarena ang kanilang mga tenga. Napaatras sila. Napaluhod ang iba sa kirot. Nagsilabasan sina Jules, Don Carlos, at ang driver mula sa kuwarto at kanilang sinara ang pintuan.

Pagkatapos ay bigla na lamang tumigil ang ungol. Ang pagyanig ng kama.

Katahimikan.

Nagkatinginan sila sa isa't-isa. Nanatili ang katahimikan hanggang sa marinig nila ang nakangingilong tunog habang dahan-dahang bumukas ang pintuan ng kuwarto.

At nakita nila si Miguel na nakaupo sa kama. Ang mukha niya'y nababalutan ng dilim.

At narinig nila ang boses ni Satanas na nag-echo sa loob ng basement.

"Father Markus...kanina pa kita hinihintay...simulan na natin ito..."

***


Matapos ang pangyayari sa basement kung saan nagpakita ng kapangyarihan si Satanas, kung saan ang kamang pinagtatalian ni Miguel ay nayanig nang pagkalakas-lakas na umaangat na ito sa sahig, at nagpawala ng nakaririnding ungol na bumingi sa kanila, ay nagtipon ang lahat sa malaking living room ng mansion upang pagusapan ang susunod nilang gagawin. Sina Father Markus, Jules at Hannah kaharap sina Don Carlos at ang Doña. Naroroon din ang mga natirang household helpers—ang mayordoma, maid, at ang driver.

Pasado alas-dose at walang masyadong nakakain ng pananghalian.

"By now, alam n'yo na ang nangyayari kay Miguel," sabi ni Father Markus. "Na siya ay possessed ni Satanas..."

Nagbago na ngang hitsura ni Miguel. Naglitawan ang maraming sugat sa kanyang mukha, mga braso, binti, at katawan. Ang mga mata niya'y pula, dila niya'y itim. Lumala na ang manifestation ng dimonyo sa kanya na halos hindi na siya ma-recognize.

"Please, help our son," pagmakaawa ng Doña.

"Ipinapangako namin, tatalunin natin si Satanas," sabi ni Jules.

"Can you?" pagtaas ng boses ni Don Carlos at tumayo at nagpalakad-lakad sa sala. "Kayo na nagsabi, it's Satan himself! That he is too powerful! Paano natin siya matatalo?"

"Kailangan lang nating manalig. Have faith," sabi ni Father Markus.

"Faith? Tingin ninyo sapat na ang faith?!" sabi ng Don.

"Carlos..." tawag ng Doña at tumayo para pakalmahin ang asawa.

Nagkatinginan sina Father Markus, Jules, at Hannah. Nagtataka sa inaasal ng Don.

"M...may secret weapon kami..." sabi ni Hannah.

Kinuha ni Father Markus ang jewelry box at binuksan ito, inalis niya ang telang takip at ipinakita ang rosaryo. "Ito ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz, the first Filipino Saint, Protomartyr of the Philippines," aniya. "Ito ang tatalo kay Satanas."

Nagulat ang iba. Ipinaliwanag ni Jules na ang rosaryo ay may tinataglay na kapangyarihan. Na iyon ang tumalo sa first heirarchy demon na si Berith.

"And you believe this will defeat Satan?" tanong ni Don Carlos.

"'Pag gamit ni Father 'yan, walang magagawa si Satan!" pagyayabang ni Hannah. "Si Father pa! Pinakamagaling na exorcist ata 'yan! Sikat pa! Kahit sa ibang bansa! Alam n'yo bang tawag sa kanya sa Rome? La robina delata..."

Napa-roll ng eyes si Jules. "La Rovina della Diavolo," pag-korek niya. "The Devil's Bane."

"Yon!" bulalas ni Hannah.

Kitang namangha ang Don at Doña. Nabawasan ang frustration ni Don Carlos at lumapit para tignang mabuti ang rosaryo. Hahawakan sana niya ito nang pigilan siya ni Father Markus. At sa paghawak, ay parang may naramdaman ang pari na mabigat. Sa isang iglap ay nakita niya ang dilim. Agad niyang binitawan ang kamay ng Don, at saglit na natulala.

"I'm sorry, Don Carlos," sabi ni Jules. "Hindi basta-basta hinahawakan ang rosary. May risk na ma-corrupt ka nito."

Tumango ang Don. Naiintindihan niya. Alam niya ang risk. "What do we do next?" kanyang tanong.

Nahimasmasan na si Father Markus, at sinabi, "Ipe-perform na natin ang full rite of exorcism."

***

Sa paghahanda sa gaganaping exorcism ay binasbasan ng holy water ni Father Markus ang Don at Doña at mga kasambahay nila. Dininig niyang kanilang mga confessions at pinagdasal ng Act of Contrition. Habang ginagawa iyon ng pari ay bumaba ng basement sina Jules at Hannah upang i-check si Miguel. Nadatnan nilang kasalukuyang natutulog ito at kinuha nila'ng pagkakataon para makapag-set up ng videocam na minount nila sa tripod. Ibinaba rin ng driver ang ni-request nilang mga emergency lights—rechargable LED lights na maaaring gamitin sakaling mag-brown out bagama't madalang mawalan talaga ng kuryente sa Forbes Park. Maraming mayaman lang ang magrereklamo.

Nakaupo si Jules sa sofa sa basement, nagpapalit ng battery ng kanyang K2 Meter nang bumaba sina Don Carlos at ang Doña. Si Hannah ay nakapuwesto sa maliit na bar doon at tini-testing naman ang EVP recorder.

"Is Miguel sleeping?" tanong ng Don.

"Yes," sagot ni Jules.

"Wala ang dimonyo ngayon sa kanya," sabi naman ni Hannah.

"I see, well it comes and goes," sabi ng Don.

Hindi iyon ang first time na marinig iyon ni Jules mula sa Don, kaya't hindi na niya napigilang tanungin, "Don Carlos, 'pag sinabi n'yong it comes and goes, what do you mean exactly?"

"The demon comes and goes," sabi ng Don matter-of-factly. "May instances that Miguel is okay, like he's normal. And before you know it, he's somebody else."

"Well, ganon naman kadalasan ang mga napo-possess, hindi palaging present ang dimonyo at kala mo normal sila," paliwanag ni Hannah. "Pero nasa loob lang nila ang dimonyo. Naghihintay lang."

"Nagma-manifest sila kung kailan nila gusto," dagdag ni Jules.

"But you don't understand," diin ng Don. "Halata mo ang nagnonormal-normalan lang. When I say he's normal, it's like there's really nothing wrong with him."

"It's like our Miguel, our real Miguel," malumanay na sabi ng Doña. "And then all of a sudden, he turns into this other person."

"Parang bipolar lang," tugon ni Hannah.

"Well, sana nga ganon lang," may hinanakit na sabi ni Don Carlos. "Mas okay nang bipolar siya and not this! This thing! I'd give anything..."

Hindi natapos ng Don ang sasabihin, napatalikod siya, nagpipigil na maluha. Natahimik sina Jules at Hannah, dama nila'ng hinanakit ng Don. Hinawakan ng Doña sa balikat and asawa upang i-console. "Let's go back upstairs, Carlos," aya niya. Sabay na naglakad ang mag-asawa tungo ng hagdan nguni't huminto ang Don at lumingon pabalik.

"How long will this exorcism take?" kanyang tanong.

Sinabi ni Jules na may mga kaso ng exorcism na tumatagal ng ilang linggo, iba'y umaabot ng maraming buwan. At mayroon namang tumagal lamang ng ilang minuto, tulad ng mga pinerform ng premyado at pinakasikat na exorcist, the late Father Gabriel Amorth, ang chief exorcist ng Vatican, na umano'y nakapag-perform na ng 60,000 cases of exorcism.

"Father Markus...I hope he is who you say he is," sabi ni Don Carlos sa siryosong tono.

In-assure nina Jules at Hannah na kung may exorcist na makakatalo kay Satanas, ay walang iba kundi si Father Markus. Mismong ang Italiyanong si Father Amorth ay malaki ang paghanga sa kanya. Siya na nagbansag sa pari na La Rovina della Diavolo, the Devil's Bane.

"Plus, we have the rosary!" masayang exclaim ni Hannah.

Tumango si Don Carlos, pahiwatig na ibinibigay niyang tiwala at confidence sa JHS.

"But..." may alanganing sabi ni Jules.

"But what?" matalas na tingin ng Don.

"We're talking about Satan here. The archangel Lucifer. The king of hell," pagbabala ni Jules. "We don't know kung anong diabolical plan meron siya, kung anong mischievous trickery meron siya up his sleeves..."

"In that case, our lives are in your hands," sabi ni Don Carlos.

Na-interrupt sila nang bumaba ang Mayordoma. "Tawag na po tayo ni Father," aniya.

Umakyat ng hagdan ang Don kasunod ang asawa. Saglit na nagpahuli sina Jules at Hannah.

"I don't know, Hannah," bulong ni Jules. "May something kay Don Carlos. Parang may tinatago siya. Parang may hindi siya sinasabi sa atin..."

"Fuck...oo nga, 'yun din ang nararamdaman ko sa kanya," sang-ayon ni Hannah. "'Wag lang niyang kalilimutan 'yung bayad."

Napakunot-noo si Jules, nag-iisip.

"Tara na!" sigaw ni Hannah mula sa hagdanan.

Nagtipon muli sila sa malaking living room, nakaupo sa u-shape na sala set, at doon nagbigay ng mga instructions si Father Markus. Ang mga rules to follow sa isang exorcism:

1) Unang-una ay dapat naniniwala ka na ito'y gawa ng dimonyo at hindi isang uri ng sakit.
2) Dapat alisin sa sarili ang anumang bakas ng pagdududa sa makikita.
3) Huwag makinig sa sinasabi ng dimonyo.
4) Magpapakita ang dimonyo ng mga bagay na ilusyon lamang. Huwag itong paniwalaan.
5) Bawal kausapin o magtanong sa dimonyo.
6) Bawal tignan ang dimonyo sa mata.
7) Magdasal at humingi ng patnubay sa Diyos.

Pagkatapos ay binigyan ng pari ang bawat isa ng kanyang personal na proteksyon. Nang mukhang ready na ang lahat ay nagpahayag siya, "Okay, simulan na natin."

***

Alas-tres ng hapon nang kanilang simulan ang exorcism. De Exorcismis et Supplicationibus Quibusdam, Latin word meaning "Of Exorcisms and Certain Supplications" ay ang offical rite of exorcism ng Vatican na in-approve ni Pope John Paul II.

Sa gaganaping ritwal, ang mag-asawang Villaromano ang magsisilbing mga primary witnesses. Sinabihan nila ang mga kasambahay na gampanan lang ang mga karaniwang gawain nila sa bahay. Na kailangan nila ng semblance of normalcy, na kahit paano'y mukhang normal ang lahat in spite of, pero dapat ay alerto din sila, naka-stand by sa kung anong mangyayari. Hindi nila alam kung gaano katagal magaganap ang exorcism.

Ng hapon ding iyon nang magbalik ang dimonyo kay Miguel.

Nguni't this time ay hindi nagwawala o nagmumura si Miguel. Paliwanag ni Father Markus na ganoon na lamang ang pagkabayolente ni Miguel dati pagka't lumalaban pa siya na ma-possess. Ang katahimikan niya ngayo'y nagpapahiwatig na completely na-corrupt na siya ni Satanas. Nanlaking mga mata ng mag-asawang Villaromano nang makita ang hitsura ng kanilang anak at sila'y kapuwa naluha. Ang posssession ay absolute na. Kontrolado na ni Satanas ang katawan ni Miguel. Nang pumasok sila sa kuwarto ay nakaupo ang binata sa kama, nakatali ang magkabilang mga braso sa frame nito.

Suot ni Father Markus ang kanyang itim na sutana, ang purple stole sa kanyang leeg. Pumaligid sa tabi niya ang iba. Nagre-record na ang videocam sa tripod, ganoon din ang EVP recorder. Full-bars ang ilaw ng K2 meter na hawak ni Jules.

"Hello, Father Markus," nakangiting bati ni Miguel. "Ready na ako. Huwag mo akong i-disappoint."

Itinaas ni Father Markus ang bote ng holy water at tinirace ang sign of the cross kay Miguel, na humiyaw nang kanya itong wisikan.

In the name of the Father, of the Son and the Holy Spirit. Amen.
Lord have mercy on us.
Christ Have mercy on us.
God, the Son, Redeemer of the World.
Have mercy on us.

God, the Holy Spirit.
Have mercy on us.

Habang sila'y nagdarasal ay sumisigaw si Miguel ng masasamang mga salita at kanyang minumura ang Diyos. Tuwing i-interrupt niya ang dasal ay wiwisikan siya ni Father Markus ng holy water at siya'y mapapahiyaw sa sakit. Nagpamalas naman si Satanas ng kanyang kapangyarihan nang ang tali sa mga braso ni Miguel ay mag-isang lumuwag at siya'y nakahigang lumutang sa kama. Nagdilim ang kuwarto bagama't kalagitnaan ng hapon at ang temperatura ay bumaba. May usok ng lamig ang kanilang mga hininga.

Nguni't patuloy lamang sila sa pagdarasal. Hindi nagpapaapekto sa ipinapakita ng dimonyo. Nang bumalik si Miguel sa kama ay muli nilang itinali siya sa frame ng kama.

"I cast you out, Satan," sigaw ni Father Markus. "Along with your minions, every spectre from hell and all your fell companions. In the name of our Lord Jesus Christ. Begone and stay far from this creature. For it is He who commands you!"

Sunod-sunod na winisikan ng holy water ni Father Markus si Miguel na namilipit sa sakit. Mahapdi ang banal na tubig sa kanyang balat. Dinig ng mga kasambahay ang hiyaw ng dimonyo mula sa basement at nagtaasan ang kanilang mga balahibo.

Napaka-precise ni Father Markus sa kanyang mga kilos. Sa magandang acoustic ng basement ay buong-buo ang kanyang boses kaya't bawat linya na kanyang binibitawan ay parusa sa pandinig ni Satanas. Hindi rin akalain ng dimonyo na ganoon kalakas ang pari. Simula nang matalo ng pari si Berith ay lalo pa siyang lumakas, lalo na't nasaniban siya ng Espiritu Santo. Ikanga, nag-level up si Father Markus.

Tiniming pa ng pari ang paglabas ng kanyang secret weapon sa importanteng parte ng ritwal. Ipinakita niya ang rosaryo at sinabi:

It is the power of Christ that compels you!

Nagliwanag ang katauhan ni Father Markus. Ang boses niya ay nage-echo sa loob ng basement. Tila nagsalita ang Diyos mula sa kanyang mga bibig. Ganoon na lamang ang pagkamangha ng Don at Doña. Ngayo'y lubos na silang naniniwala sa mga kuwento, sa kakayahan ng pari.

It is the power of Christ that compels you!
It is the power of Christ that compels you!
It is the power of Christ that compels you!

Paulit-ulit nilang sabi.

At si Satanas ay nabihag sa kapangyarihan ng banal na rosaryo at ng salita ng Diyos. At alam ito ni Father Markus, kaya't hindi siya nagpigil. Hinarap niya si Miguel at itinapat ang rosaryo sa noo nito.

"Sa ngalan ng Panginoong Ama, Anak at Espiritu Santo," sigaw niya. "Sabihin mong pangalan mo!"

Naghihiyaw si Miguel.

"Anong pangalan mo!" utos ni Father Markus. "Sabihin mong pangalan mo!"

At nakita nila na nagapi ng kapangyarihan ng rosaryo si Satanas. Pilit siyang lumalaban nguni't hindi niya kinakaya. Sabihin mong pangalan mo! Patuloy na utos ni Father Markus. Nagliwanag ang katauhan ng pari. Nag-echo ang kanyang boses. Sumanib sa kanya ang kapangyarihan ng Espiritu Santo.

At sa kalaunan, ay sumuko din ang dimonyo. Nguni't nang ibubuka na ni Miguel ang kanyang bibig upang sabihin ang pangalan ni Satanas ay biglang nangyari ang hindi nila inaasahan. Sa tagal na ginagawa nina Father Markus, Jules at Hannah ang ritwal ng exorcism, ay ngayon lang nangyari ito:

Basta na lamang naglaho si Satanas sa katawan ni Miguel, at siya'y bumalik sa normal.

"Dad..." mahinang sabi ng binata.

"Miguel?" nagtatakang lapit ni Don Carlos. "Is that you, son?"

"Dad..." naluluhang sabi ni Miguel. Nasa kanyang mga mata, sa ekspresyon sa mukha na nagbalik na siya sa dati.

"He's alright! My son is okay!" masayang sigaw ni Don Carlos habang inalis ang mga tali ni Miguel.

Naluluhang lumapit ang Doña sa mag-ama at kanyang niyakap sila.

"Miguel!"

"Mom..."

Hindi mapapantayan ang saya sa mukha ng mag-asawang Villaromano. "Thank you!" paulit-ulit na sabi ni Don Carlos kina Father Markus, Jules at Hannah, at kanyang kinamayan pa ang mga ito. "That was fast!"

Pero hindi kuntento sina Father Markus, Jules, at Hannah sa katatapos pa lamang na ritwal. Tinatanong nilang mga sarili kung ganoon na lamang ba kadali iyon? Natalo na nga ba talaga nila si Satanas? Pero wala silang nakita itim na usok na lumabas mula sa bibig ni Miguel na nagpapatunay na nilisan na nga siya ng dimonyo.

"Hannah?" sabay na tingin nina Father Markus at Jules sa pyschic.

"W-wala na siya. Wala na si Satanas," nauutal na sabi ni Hannah. Hindi na nga niya maramdaman ang presence ni Satanas sa kuwarto o kay Miguel.

Nang madinig iyon ng mga Villoramano ay lalo pa silang nagdiwang.

"I'll make sure to double your fee!" sabi ng Don sa kanila.

Nguni't, kumbinsido ang tatlo na hindi pa tapos. At hindi sila nagkakamali pagka't bigla na lamang nagbago ang hitsura ni Miguel—ang mga mata niya'y biglang pumula at laking gulat nila nang biglang sakalin niya ang Doña.

"Miguel! NO!" sigaw ng Don at kanyang hinawakan ang mga braso ng anak, at sa tulong nina Jules at Father Markus ay kanilang nahatak ang Doña papalayo.

At biglang tumawa si Miguel sa dimonyong boses. Tawa na nag-echo sa kuwarto, sa buong basement. Muling nagbalik si Satanas kay Miguel.

Napaatras ang lahat habang umupo ng tuwid si Miguel sa kama, ang kanyang mga pulang mata'y nanlilisik, ang bibig niya'y naglalaway, at kanyang pinaikot ang kanyang ulo at nang huminto ay sinabing:

"Ready na uli ako, father," sabi ni Miguel. "Umpisahan na muli natin."

Hindi sila makapaniwala.

Gumapang ang takot sa buong katawan ni Father Markus, at napatingin sa hawak na rosaryo. Mabisa ang artifact pero paano kung basta na lamang kayang lisanin ni Satanas ang katawan ni Miguel bago niya ito ma-cast out? At na kaya rin niyang bumalik nang basta na lamang.

At naalala nina Jules at Hannah ang sinabi ni Don Carlos.

It comes and it goes.

At iyonnga ang ginawa ng dimonyo.


NEXT CHAPTER: "In His Own Image"

Continue Reading

You'll Also Like

651K 26.2K 40
Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na ps...
59.9K 2.6K 50
Ang storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob...
40.3K 1.6K 25
Casa de Jardin, isang lumang mansyon na matatagpuan sa tutok ng bundok sa Isla Katalim. Ang bahay ay pagmamay-ari ng isang byudo at mayamang lalaki n...
10 0 5
(KATAPUSAN MO NA!, DEMONYO!.) Ilang taon o sabihin na nating ilang dekada na ang nakalipas simula nang mangyari ang isang masalimoot na pangyayari. S...