抖阴社区

Luna Ville Series 3: Playful...

By LKsolacola

87.9K 3.3K 129

"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLI... More

Welcome to Luna Ville 3
1st Chapter: Painful Encounter
2nd Chapter: Teasing Stein
3rd Chapter: Revenge
4th Chapter: Unwelcomed
5th Chapter: Accident
6th Chapter: Amnesiac Girl
7th Chapter: Beauty
8th Chapter: Luna Queen
9th Chapter: Roses
10th Chapter: Inner Stein
11th Chapter: Wedding Ring
12th Chapter: Conflict
13th Chapter: Playful Fairy Trick
14th Chapter: Assurance
15th Chapter: Seigo Alicantre's Comeback
17th Chapter: Memories
18th Chapter: Engagement
19th Chapter: Untimely Proposal
20th Chapter: Stubborn
21st Chapter: In Denial
22nd Chapter: Decisions
23rd Chapter: Runaway
Final Chapter: Because Eura Needs Stein
Luna Ville 4: Beautiful Velaroso Curse

16th Chapter: Unexpected Guest

2.6K 120 1
By LKsolacola

KopeeBook, first floor

MABILIS ang pagtipa ni Eura sa laptop. Napu-frustrate kasi siya sa nilalaro niyang online game. It was a game created by Moon Ring Corporation—Stein's company. "Magic Violin" ang tawag sa larong iyon kung saan musical instruments ang weapons ng characters. Mag-uunahan ang magkalaban sa pag-unlock ng magic violin.

Napatili siya nang ma-knock out niya ang character ni Stein at ma-unlock ang crystal case kung saan naka-seal ang magic violin. "Nanalo ako!"

Ngumiti si Stein. "Congratulations."

Eksaherado siyang sumimangot. "Nagpatalo ka lang, Stein. Ikaw ang gumawa ng game na 'to kaya imposibleng matalo kita."

Ngumiti lang uli ang binata at nagkamot ng kilay.

Humalukipkip siya at lumabi upang ipakita ang pagtatampo niya. Pero hindi iyon totoong tampo. Gusto lang niyang lambingin siya ni Stein dahil tatlong araw itong naging sobrang busy sa pagtatrabaho dahil sa launching ng bagong game ng kompanya.

"Eura..." Iniisod ni Stein ang kinauupuan palapit sa kanya, saka siya niyakap at ipinatong ang baba sa kanyang balikat. "Sorry na."

"Bakit ka nagpatalo? Minamaliit mo ba ang gaming skills ko?"

Natawa ito nang marahan. "Of course not. It's just that... I'd rather lose a game than lose you."

Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Kinikilig na naman siya sa mga simpleng hirit ni Stein!

Eksaheradong tumikhim ang mga ka-village nila na nasa KopeeBook din nang mga oras na iyon.

"Sley, lambingin mo nga rin ako."

"Moa, baby, 'wag dito."

"Sira!"

Natawa si Eura nang maglambingan na rin ang magkasintahang Sley at Moana. Nilingon niya si Stein at dahil nakapatong ang baba nito sa kanyang balikat, gadangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. "Stein, bakit hindi mo na ako tinatawag na 'baby'?"

Namula ang mukha ng binata. "That's so... cheesy."

"Hmp! Si Inner Stein, 'yon ang tawag sa 'kin. Ang sweet kaya ng endearment na 'baby.'"

"Hindi ka naman na baby."

Pabiro niya itong kinarate sa ulo. "Bumabalik na naman ang kasungitan mo."

"Ah. How sweet!"

Napansin ni Eura na natahimik ang lahat ng customer sa KopeeBook. Sabay nilang nilingon ni Stein ang bagong dating—si Seigo! Nakangisi si Seigo habang nakahalukipkip. Agad napatayo sina Stein, Sley, Umi, Alaude, at Charly.

"Kumusta na?" nakangiting tanong ni Seigo.

Alaude snarled. "Damn you, Seigo! Pagkatapos mong tulungan si Alfonso, ang lakas ng loob mong magpakita rito!"

Hinawakan ni Umi si Alaude sa braso para pakalmahin.

"I've missed you, too, Alaude," nakangising bati ni Seigo, inilibot ang tingin sa paligid hanggang sa dumako iyon kay Stein. "Hello, Stein, Eura."

Tumayo si Eura at nagtago sa likuran ni Stein. Bigla kasi siyang kinabahan nang makita ang kakaibang kislap sa mga mata ni Seigo.

"What do you want?" angil ni Stein.

"Stein, calm down," sabi ni Primo na kapapasok lang sa coffee shop. "May dapat kayong makilala." May kung sino itong sinenyasan.

Mayamaya lang ay pumasok ang isang babaeng nakaitim na Amerikana at may blangkong ekspresyon sa mukha, tulak-tulak ang wheelchair kung saan may isang guwapong binata.

Eura froze. The handsome young man in the wheelchair was the same man with her in the picture! Nakatitig ang lalaki sa kanya na para bang gulat na gulat na makita siya.

"Ramir Fernandez?" parang hindi makapaniwalang sambit ni Stein. "The musical genius."

"Yes, that's me," parang bale-walang sagot ni Ramir dahil kay Eura nakatutok ang atensiyon. "Eura... what are you doing here?"

Nakaramdam ng takot si Eura na maaaring malantad na ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao nang mga sandaling iyon. Hinawakan niya ang kamay ni Stein. He squeezed her hand tightly. "S-sino ka? Bakit mo ako kilala?"

Dumako ang tingin ni Ramir sa magkahawak na kamay nila ni Stein bago nag-angat ng tingin sa kanya. He had a pained look in his eyes. "I'm your fiancé, Eura."

Continue Reading

You'll Also Like

57.4K 1.2K 10
College buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dah...
81.2K 1.5K 13
"If this is really what they call destiny, I won't question it anymore. I'm willing to accept it with all my heart, knowing the fact that it is you w...
40.9K 2.1K 42
Mahal na mahal nina Hector at Gemma ang isa't isa. Iyon nga lang, hadlang ang mama ni Gemma. Ayaw nito sa kanya dahil ang gusto nito para sa dalaga a...
86.8K 2.4K 15
"Hindi ka marunong magmahal!" Iyon ang sumbat ng isang katrabaho ni Ella sa kaniya. Hindi iyon totoo. She was in love with someone before. She loved...