Maka-ilang beses ko pang pinilit na hinatak pababa ang maiksing skirt na suot ko ngayon habang nakaharap sa salamin. Pangalawang araw ko na ngayon sa pagiging secretary ni Sir Freire at sa totoo lang, di ko na talaga alam – di ko alam kung paano ba ako napasok sa ganito.
Hindi ko inaasahan na dahil sa isang di inaasahang pangyayari ay magiging secretary ako ng isang Kinnon Freire Faioli – ang Vice President ng kompanya at isa sa mga nakakataas. Ito ang parusa ko dahil sa nakalimutan kong lagyan ng Wet Floor sign ang hallway kung saan siya nadulas noong nakaraang araw. Oh gosh. Bago pa lang ako pero hindi na maganda ang encounter ko sa mga executives. Kung hindi dahil sa pagiging chismosa ay sa pagiging palpak naman, wala naman ako karapatan mag-reklamo.
Kahapon pinasadya ni Sir Freire na sa loob ng opisina niya ang maging desk ko, kung saan walong oras na nag-init lamang ang pwet ko sa upuan. Lahat pa rin ay inuutos niya sa dati niyang seckretarya na si Myfanwy sa labas. Inutusan niya lang ako na magtimpla ng kape para sa kanya at imasahe ang balikat niya. Bata pa naman itong tignan ngunit hindi ko mapigilang mabastusan sa tuwing sumusulyap ito sa akin gamit nang malalagkit niyang tingin na hindi ko na lamang pinapatulan.
Napabuga na lang ako ng hangin dahil mukhang wala nang ihahaba pa ang mini-skirt na suot ko ngayon na halos wala pa sa kalahati ng hita ko ang kayang takpan. Siguradong sa maling galaw ko ay makikitaan na ako.
Pagdating ko sa kompanya ay para akong bidang highschool girl na pinagbubulungan kapag nali-link sa campus heartthrob. Ang clichè pero hindi ko sila masisisi kung pag-uusapan nila ako, galing sa maintenance department tapos mapapabalita na lang na isang araw ay sekretarya na bigla ng isa sa mga executives. Sobrang nakaka-stress ang issue kahit anong paliwanag ang gawin ko.
Habang tinatahak ko ang daan papunta sa elevator ay nahagip ng mata ko si Bree sa gilid, abala siya sa paglilinis kaya di niya man lang ako napansin. Gusto ko sana itong batiin ngunit base sa itsura niya ngayon ay pangalawa o pangatlo ang pagmo-mop sa lobby sa listahan na binigay sa kanya ni Sir D'lo ngayong araw na mga gagawin niya at alam kong may mga susunod pa.
Dahil inalis na ako sa maintenance department kaya ang kalahati ng mga naka-toka sa akin noon ay kay Bree ngayon binigay. Hindi namin malaman kung bakit ang init ng ulo ni Sir D'lo sa kaibigan ko kaya't sa kaniya madalas ibigay ang mga gawain, ngunit hinala namin ay marahil bakla ito at may gusto kay Chino kaya't may bahid ng pagseselos ang pakikitungo nito kay Bree.
Kung ang kaibigan ko ay purgang-purga na sa araw-araw na daming ginagawa, ako naman ay buong araw na uupo lang malamang sa opisina ni Sir Freire. Which is hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa.
Napabuga na lang ako ng malalim na hangin at hindi na pinansin ang bulungan sa paligid. Pagdating sa elevator at matamang naghihintay sa pagbaba nito ay maingat akong sumakay dahil bawat galaw ko ay tumataas ang maiksing skirt na suot ko na kahapo'y binigay sa akin ni Sir Freire upang suotin ngayon.
Akala ko nung una ay ako lang ang aakyat, ngunit mabilis kong pinindot ang hold button nang mamataan si President Leigh na papasok. Kahit presidente siya ay hindi siya nagpagawa ng sariling presidential elevator, kaya't akala ko nung una ay isa lamang siya sa mga empleyado dito.
Pagkapasok niya ay sa akin agad natuon ang atensyon nito. Pinanuod ko itong isa-isang pinasadahan ng tingin ang suot ko. Hindi ko mabasa ang kaniyang nasa isip kaya't lalo akong nakaramdam ng panliliit, so I consciously pulled down the hem of my mini-skirt.
Naiilang ako sa kaniya sa totoo lang. Matapos nung pag-uusap namin sa opisina niya noong nakaraang linggo ay pilit ko na siyang iniwasan. Baka kasi maka-quota na ako at i-sesante na nang tuluyan.
"Why are you wearing like that?"
Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko nang out-of-the-blue ay magtanong ang presidente. Lalo pa akong na-intimidate dahil may accent ang pagkakasabi niya nun, at hindi ko rin mawari ang gusto nitong ipahiwatig base sa kaniyang tono.
"U-uh eh kasi po, ito po ang gustong ipasuot sa akin ni Sir Freire," nakayuko kong sagot sa mababang tinig.
Her forehead creased upon my answer. "Ni Kinnon?"
Shocks! Bakit ba ako kinakabahan? Pilit kong nilakasan ang loob upang sumagot. "Kinuha po kasi niya ako bilang bagong secretary niya."
Naningkit ang mata nito dahil doon, lalo naman akong napayuko dahil sa tingin nitong pakiwari ko ay hinuhusgahan ako gaya ng iba.
"When did you start?" patuloy nitong usisa.
"Uhm, kahapon lang po.." tugon ko.
Matapos nun ay hindi na nagsalita pa si President Leigh kaya nakayuko na lang akong nagsumiksik sa gilid. Nabalot nang sobrang awkward na katahimikan ang loob ng elevator. Hindi ko tuloy napigilang maalala ang naging una naming pagkikita noon dito rin sa mismong loob ng elevator na ito.
Pasimple akong napasulyap muli sa presidente na tulad noon ay deretso lang na nakatingin sa harap. Parang kapag tinitignan mo siya ay masasabi mo na agad na maraming bagay ang umiikot sa isipan niya at hindi mo basta mahuhuli kung ano iyon. And I'm just wondering if she also remembers that day. Does she?
I mentally chuckled.
What am I thinking, of course not. Why would she bother to remember that day? Pero hindi ba parang ang unfair kung ako ay ginugulo pa rin nung nangyaring iyon samantalang sa kaniya ay parang wala lang iyon.
Naputol ang paglalakbay ng utak ko habang nakatulala kay President Leigh nang tumunog at magbukas ang pintuan ng elevator nang makarating sa fifth floor.
"Ayy sorry po, Miss President. Sige po at mauna na kayo," saad nang isang grupo ng mga office staff na papasok sana ng elevator. Tantya ko ay nasa walo yata sila na halos puro lalaki.
"It's okay, pumasok na rin kayo. Pare-parehas lang rin naman tayong tao na gumagamit ng elevator so there's no room for special treatment," simpleng tugon lamang ng presidente.
Ito ang katangian na kinamamanghaan sa kaniya nang karamihan sobrang humble nito sa mga empleyado niya.
Nagkahiyaan man ay nakangiti na lang silang pumasok dito sa loob, dahil nasa pinaka-gilid ako ay napunta sa harap ko si President Leigh at doon pumwesto pero nakatalikod sa akin para bigyan ng espasyo ang walong lalaki.
Ngayong nadagdagan ng tao dito sa loob ng elevator at lumiit ang espasyo sa pagitan namin ni President Leigh at muli ko na namang nalanghap ang vanilla-ish scent mula sa pabango na gamit niya. I bowed my head as I feel uncomfortable with the sudden closeness yet comfortable with her sweet scent, if that even makes sense.
"Look at the front, boys.." rinig kong sita ni President Leigh.
Saktong pag-angat ko ng tingin ay nahuli ko ang katabi kong lalaki na agad nag-iwas ng tingin mula sa pagkakatitig sa hita ko. Napatingin tuloy ako sa likod ng president dahil doon na seryoso pa rin nakatingin sa harap at lihim akong napangiti.
Pagdating ng elevator sa ninth floor ay nagsibabaan na ang walong lalaki at lumuwag na ang loob ng elevator, ngunit hindi pa rin umaalis si President Leigh sa harapan ko. Pasimple sana akong aalis sa likuran niya nang bigla siyang umikot paharap sa akin para i-corner ako at matamang tinitigan ako.
Mas lalo akong hindi naging komportable sa ganoong posisyon. Hindi ko napigilan ang mapalunok na parang mauubusan ako ng tubig sa katawan.
"Bakit ka pumayag na maging sekretarya niya?" seryosong tanong nito.
"U-uh eh k-kasi, ano po uhm...." Agad na nangapa ang dila ko ng sasabihin.
Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin at ipapaliwanag ang lahat. Nakatingin lang ako ngayon doon sa digital floor detector ng elevator sa bandang taas sa gilid. Hinihintay ang pagdating ng elevator sa 12th floor upang makaiwas lamang sa mga mata ni President Leigh.
"Why?" ulit niya sa tanong nang mainip.
Namamawis na ang kamay ko at may tumutulo na ring malamig na butil ng pawis sa noo ko dahil sa kaba. Wala namang dapat ikakaba ang tanong nito pero ngayong ganito siya kalapit ay parang nagma-malfunction ang utak ko at di makapag-isip nang tama.
Bahagyang lumuwag na lamang ang paghinga ko nang tumuntong na ang elevator nang makatuntong sa 12th floor kung saan ang opisina ni Sir Freire. Lihim akong nagbunyi dahil makakatakas ako sa nang-iintrigang mga mata ng presidente.
Ngunit gan'on na lamang ang pagkahigit ko sa hininga nang hinawakan ako ni President Leigh sa pulsuhan at hinila palabas ng elevator.
"M-Miss Presiden-"
Hindi ko na naitanong kung saan kami pupunta dahil nagulat na lamang ako nang pumasok kami sa opisina ni Sir Freire nang walang katok-katok.
Halos mapatakip ako nang mata dahil sa hindi kaaya-ayang tanawin na naabutan namin. Halos wala na kasi sa pagkakabutones ang polo ni Sir Freire habang naka-upo siya sa kanyang swivel chair at nakakandong sa kanya si Myfanwy na agresibong humahalik sa kaniya kanina.
"Fuck, Leigh. Don't you know how to knock?" Halos nahulog si Myfanwy nang biglang tumayo si Sir Freire.
"Are you cussing at me?" mataray na tanong ng presidente sa aking tabi.
"No, I'm sorry. It just that, you startled me," bigla ay huminahon ang tono ng pananalita ni Sir Freire.
"Let's talk," seryosong tugon ni President Leigh at umupo sa office sofa, "At ang hindi kailangan dito, kung maaari lang ay lumabas," dugtong ni President Leigh na nakatingin kay Myfanwy.
Dahil doon ay madaling lumabas ang sekeretarya kahit hindi pa nakaayos ang kanyang damit.
"G-Good morning, Sir Freire.." bati ko na lang sa mahinhing tinig.
Dahil sa ginawa ko ay napatingin sa akin ito. Mukhang doon pa lang niya ako napansin.
"Looks like, you have already meet my new secretary," panimula ni Sir Freire habang na kay President Leigh ang tingin.
"She's from maintenance department last week. How come she's your secretary now?" walang paligoy-ligoy na kompronta ni President Leigh.
"Simple, I want her to be my secretary, so I promoted her."
"You promoted her as your secretary or as your new toy?" nang-uuyam na tanong ng kausap.
Umangat lamang ang sulok ng labi ni Sir Freire bilang tugon at mas ngumisi nang malisyoso nang sulyapan ako. Pinagtaasan lamang siya ni President Leigh ng kilay na ikinabuntong-hininga ng lalaki.
"Don't you see how beautiful she is? Kung ang mga mop lang ang makikinabang ng malambot niyang mga kamay kung may mas kayang gawin naman ang mga ito katulad ng pagpapaligaya," malisyosong wika ni Sir Freire at pasimpleng kumindat pa sa akin.
"You filthy jerk, don't mess up with her. May pamilya at anak na siya," madiin na salita ni President Leigh.
"I'm sorry? I didn't know?" may himig ng sarkastikong tugon ni Sir Freire.
"Hindi mo man lang ba naisip na maaaring maka-apekto sa reputasyon ng kompanya ang issue'ng ito?" the president frustratedly asked.
Ngunit arogante lamang itinaas ni Sir Freire ang mga paa sa kaniyang desk at bored na tinignan ang kausap. "So?"
I noticed President Leigh gritted her jaw upon Sir Freire's nasty attitude.
"Then expect that this will come to your father's knowledge," she spit out.
Mukhang sa sinabing iyon ni President Leigh ay nun lamang naapektuhan si Sir Freire. "W-Wala pa akong ginagawa sa kanya.." atungal nito.
"I am warning you, Kinnon. Just don't mess up with her," pinal na sabi ni President Leigh sa ma-awtoridad na tono at tumayo mula sa pagkaka-upo, "And one thing also, she will be my secretary starting tomorrow."
Agad ang pag-angat ko ng tingin at napatanga sa narinig kong huling sinabi ni President Leigh.
"Let's go," anito habang tuloy-tuloy siya sa paglalakad palabas sa opisina ni Sir Freire.
A-Ako ba ang tinutukoy niya?
Nagpalipat-lipat ang tingin ko nang ilang beses kay Sir Freire at sa pintuang nilabasan ni President Leigh dahil sa sobrang pagkalito, pero sa huli ay wala akong nagawa kundi ang habulin ang presidente.
"M-Miss President," tawag ko rito na naghihintay na ngayon ng elevator paakyat, "Gusto ko lang po sana magpasalamat sa pagtatanggol niyo pero pwedeng hindi niyo na po gawin iyon."
President Leigh looked at me with an arching eyebrow. Nagmamaldita man ang tingin nito ngunit pilit ko iyong binalewala.
"P-Pwede niyo naman po akong ibalik na lang sa maintenance department at okay na po ako d'on."
"I want you to be my secretary," she simply stated and looked back in front.
But I gulped my hesitations and gathered all the courage in me to speak up my mind.
"Pero wala po kasi akong kaalam-alam sa pagiging secretary.." patuloy ko pang pangangatwiran.
"I believe that you have some knowledge on the process and system inside a corporation based on what you'd studied, so I bet there's only a little adjustment in your case."
"P-Pero Miss President–" angal ko sana.
"Tomorrow will be your first day. Come in at my office by 8am, I will instruct Secretary Alastair to train you as my secretary," anito ngunit nasa harap pa rin ang tingin, "And I take no as an answer, Secretary Arkesha."
Natigilan ako sa itinawag nito sa akin at hindi nakahuma agad, kaya't muli itong bumaling sa akin.
"Are we clear, Secretary Arkesha?" mabagal nitong bigkas sa pangalan ko.
"Y-Yes, Miss President," alanganing tugon ko na lang.
"Good.." Marahan itong tumango. "You can take your day-off now. Prepare yourself for tomorrow," she said in monotone.
Mukhang hindi ko na nga mababago ang desisyon niyang gagawin niya akong secretary.
Hanggang makasakay ang presidente sa elevator at magsara ang pintuan nito ay natulala na lamang ako.