抖阴社区

Beautiful Nightmare

By YumiKim93

4.5K 136 39

Sabi nila lahat ng tao ay may kakambal na spirit guide sa ating mga panaginip,they save us from terrible nigh... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 21

75 4 0
By YumiKim93


Ilang oras na ang nagdaan at napupuno nang tawanan at kuwentuhan ang buong bahay ni Lowi,ang iingay nga nila lalo na si Yachi palagi akong kinukulit na magkuwento tungkol sa Earth,

Pagdating ko kanina wala namang nagtanong kung saan ako galing hindi ko rin matyempuhan si Aegues at Nana Milan kasi palagi silang may sariling mundo minsan din nakikipag kulitan si Aegues sa mga osouf kasama ni Ichiriku,

Mabuti na lang marami rin ang naluto namin ni haku kanina,kasi medyo marami rin sila ngayong bumisita,

Kung ano ano ding pinagkuwentuhan namin ni Yachi,kaya paglabas namin may nagaganap ng malaking bonfire sa labas at pinalibutan nila ang malaking apoy,hinanap agad ng mata ko si Aegues pero di ko siya makita pati si Kaiara wala rin magkasama ata sila,

Hinila ako ni Yachi palapit sa marami,mababait silang lahat nandito ang ilang dreamcatchers,Osouf at ilang spirit guide,

Speaking of spirit guide, Kamusta na kaya si Eris? Hmm nakakatawa din yung lalaking yun, sana magkita ulit kami para makilala rin siya Aegues hehehe,

"Matapos kaming gawing alipin ng mga pirata sa kanluran halos patayin pa nila ang lahi namin sa matinding gutom, doon ko nakilala si Aegues mag-isa niyang kinalaban ang isang batalyon ng mga pirata mula noon tumaas ang respeto ko sa kanya" nakangiting kuwento ng isang Osouf habang nasa apoy ang tingin, lahat sila nakikinig lang at masayang nakangiti, nagkukwentuhan pala sila tungkol sa mga past nila,.. nakaka curious pakinggan lalo na at about kay Aegues,

"Hahaha oo nga Arfan..naalala ko pa noon pinaglaban mo pa sa dati nating pinuno na tulungan si Aegues makahanap ng matutuluyan, pumayag naman si pinuno pero ang kapalit... hahaha dapat pa bang ikuwento Arfan?" Sagot ng isang kulay silver na Wolf,

Lumaki ang mata ni Arfan

"W-wag n-na--"

"Pinakain ka ng dalawang sakong kamote para pagbigyan ka hahahaha ikaw naman si baliw pumayag naman kahit alam mong binibiro ka lang" natatawag sabi ni Silver, yun na ang tawag ko sa kanya..

Ilang minuto rin napuno ng kuwentuhan ang lahat, may nakakatawa meron ding binabalik sila sa nakaraan.

Sa mga kuwento nila noong hindi pa nasasakop ni Dalox ang Mundo ng panaginip, matatawag raw na paraiso ang lahat palaging maliwanag at napaka ganda ng Galotha,nalaman ko rin na noong unang panahon mga anghel ang namumuno dito sa Galotha,pero pinalayas sila ni God kasi may nagawang kasalanan ang mga anghel saka sila pinatapon sa Earth para magdusa,

"Siguro isa paring paraiso ang mundo natin kung hindi nila sinuway si Bathala," malungkot na komento ng isang dreamcatcher,

"Mali mang isisi sa kanila pero sa mga narinig ko ngayon, gusto ko silang sisihin nawalan tayo ng mga kalahi at mga kaibigan, hindi inisip ng mga anghel na yun ang mangyayari sa atin bago nila tayo pabayaan" dagdag naman ni Lowi,

Nakikita ko kung gaano sila ngayon kalungkot, hindi lang pala si Eba at adan ang sumuway sa utos ng Diyos pati rin pala mga anghel, ano

naging tahimik ang lahat ,kanina lang tawa kami ng tawa, ang bilis talaga mapalitan ng lungkot naiintindihan ko sila masyado silang naghirap dahil kay dalox,

"Ano bang nagawa ng mga anghel?" Lumipat ang mata nila sa akin pero agad ding binalik ang tingin sa apoy,

"Hindi namin alam,basta ang kuwento ng dati naming pinuno kasalanan ng mga dating anghel ang lahat" sagot ni Arfan, nakakunot ang noo nila at makikitang galit talaga sila, Kung dati noong bata pa ako gustong gusto ko ang mga angel figurine para kase sa akin sila ang nilikha ng diyos na perpekto naalala ko nga noon binibilhan ako ni Mama ng mga Laruan na angel pati kama ko Angel din,

"Alisin niyo ang galit para sa mga anghel hindi yan tama, ano man ang gawin natin nangyari na ang nangyari.. Wag natin sila agad husgahan malay niyo may mabigat na rason bakit nila sinuway ang Bathala" nakakatitig lang ako kay Nana Milan habang nagsasalita siya, tumingin siya sa akin at may pilit na ngiti,

"Oo nga! Ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang susunod natin na misyon para makapasok sa Emperyo ni dalox kailangan na nating kumilos bilang na ang oras na puwede nating makasama si Aegues" and that word from Yachi hit me..

Bilang na lang ang mga oras ni Aegues at dahil yun sa akin,

Muntik ko ng makalimutan ang kalagayan niya, teka nasaan na ba siya?

Wala parin sila ni Kaiara kanina pa sila wala ahh..

Bumalik sa tawanan at kuwentuhan ulit ang lahat, tumayo na ko para hanapin sila hindi naman ako kinakabahan pero feeling ko may mali, kanina pa sila wala eh ilang oras na rin..

Nahagip ng mata kong nakatitig sa akin si Nana Milan kaya lumapit muna ako sa kanya,

"Sige na Roya hanapin mo muna siya" nakangiting sabi ni Nana Milan bago pa ako makalapit ng tuluyan, tumango na lang ako at tumakbo papasok sa gubat habang nagkakasayahan pa silang lahat doon,

Ilang minuto kong nilakad ang gubat pero wala akong makitang Aegues o Kaiara, pinuntahan ko ang training ground ni Kaiara pero walang kahit na sino ang nandoon, dumiretso ako ng lakad kung saan ako dadalhin ng paa baka sakaling nasa paligid lang sila,

Lumipas pa ang ilang oras napagid na ko sa kakalakad wala talaga! Hindi man lang sila nagpaalam grr.. lalo na si Aegues gusto niya palagi niyang alam ang pupuntahan ko pero kapag siya naman walang sabi sabi aalis agad grr..

" bakit nga naman siya magpapaalam wala namang kami tsk" pero kahit na no! Hindi niya ba alam na nag aalala rin ako?

"O baka wala siyang pakialam sa nararamdaman ko" nakakagigil talaga! Nakasimangot na lang akong umupo sa malaking bato na nakaharap sa maliit na lawa,

"Malaki na siya saka malakas useless naman talaga ang pag aalala ko psh"

Naiinis pa ko sa konsensyang lagi akong kinakalaban, tsk tsk..

Babalik naman ata silang dalawa mamaya kaya siguro maayos lang sila, pero saan ba kasi sila nagpunta!

Bumaba ako sa bato at lumuhod sa gilid ng lawa nauuhaw na ako kanina pa kaya ko lakad lakad,

Ang linaw ng tubig dito nakikita ko ang sarili kong reflection pati ang sinag ng buwan,

Pinakatitigan ko ang sarili sa lawa humaba ng kaunti ang buhok ko pero wala namang nagbago sa mukha,

"Siguradong may reason ang lahat ng nangyayari, wag ka lang sumuko Roya" kausap ko sa sarili,

Aalisin ko na sana ang tingin ng nag iba ang itsura ko sa tubig,

Isang babaeng kamukha ko at nakangiti yellow ang mahaba niyang buhok,

Lumaki ang matang tinitigan ko pa ang tubig,ako nga ito.. nawala ang babae at bumalik sa dati kong itsura,

"Ano yun? AKo ba yun?"

Guni guni ko lang ba? Kumabog na malakas ang puso ko at umatras palayo sa lawa, inangat ko ang tingin sa buwan para sana pakalmahin ang paghinga pero lalo lang akong nabalot ng matinding kaba ng makita ang kulay itim sa buwan maliliit na mga dots na kulay itim...

'Sa oras na mabalot ng itim ang buwan,ito na ang senyales na kailangan ko ng mawala'

kailangan ko siyang mahanap, unti unti ng nagiging itim ang buwan tulad ng sabi niya! Hindi ako mapapakalma hanggat hindi ko siya nakikita!

Aegues please eto na ang kinakatakot ko,

Hindi ko alam kung saan ako nadala ng mga paa ko basta gusto ko lang tumakbo hanggang sa mahanap ko siya, nanunubig na ang mata ko dahil sa pesteng buwan na yan!

"Aegues"

KAIARA POV

"Ano pang kailangan mo?" Walang emosyon kong tanong sa kanya, hindi na ako muling magpapakatanga sa mga sasabihin niya.. tsk ang lakas pa ng loob magpakita sa akin,

"Hindi ka ba natutuwang makita ako?" Nanatiling walang emosyon ang parehong mata namin na nakatingin sa isat isa,

Napangisi ako at mariing ikinuyom ang kamao,

"Wala na akong pakialam sa iyo, ikaw nga dapat ang tinatanong ko bakit ka pa bumalik dito sa Dasithea? Dapat nagbubunyi kasama ng mga demonyo mong sundalo" inilapat niya ang kamay sa mukha ko at diretso akong tiningnan sa mata parang sinisisid ng mga pula niyang mata ang buo kong pagkatao,

wag kang magpapaepekto sa kanya Kaiara, isang demonyo ang nasa harap mo,..

"Gusto kong makipagkasundo sa iyo sa pagkakataong ito totoo na"

Kumunot ang noo ko ng may makitang lungkot sa mga mata niya,bumaba ang kamay niya at nilayo ang katawan sa akin,

Magaling siyang magpanggap baka namamalikmata lang ako,

"hindi ko dapat ito ginagawa dahil delikado, pero hindi ko na kaya ang lahat ng nangyayari habang tumatagal lalong lumalala ang mga pinagagawa niya sa akin" nakatungong sabi ni Reino,

Kilala ko siya kapag bumababa ang boses niya at hindi tumitingin sa akin ibig sabihin totoong nahihirapan na siya,

"Ginusto mo yan,diba?"

" dahil may rason akong pinoprotektahan" Sagot niya saka ako pinakatitigan,

"Dalian mo ang sasabihin baka dumating na si Aegues, makita ka pa niya" wala na talaga kaiara. Puso na naman ang pinairal mo. Ang hirap kalabanin ng nararamdaman ko eh,

Tumango siya,

" Marami akong nalaman sa loob ng emperyo pinag aralan ko rin kung paano kayo makakapasok, ang kailangan niyo lang ay isang katulad ko dahil isa na ako sa kanila, mahina na ang mga thanox ngayon senyales na rin yun na humihina na si Dalox kailangan lang mahiwalay sa kanya ang kuwintas ng tatlong bituin at maibalik ang kuwintas sa tunay na may-ari"

" matagal nang wala ang Reyna ng mga anghel, nasa libingan niya nga si Aegues para kunin ang gintong balahibo"

"Buhay pa siya.. nandito sa Galotha ang Anghel pero hindi pa lubusang nagigising ang tunay niyang pagkatao"

Naguguluhan ako, Buhay ang Reyna ng Galotha? isa na lang siyang alamat na matagal nang naibaon sa limot ng nakakarami maliban sa aming mga diwata,

"Ano?"

"Kunin mo ang gintong balahibo kay Aegues at tutulungan kitang makapasok at iligtas ang Reyna ng liwanag,..gagawin kong sandata ang balahibo kung magtatanong ka pa"

" Niloloko mo na naman ba ko Reino?"

Umiling iling siya at saka hinawakan ang kamay ko,

"Ngayon na lamang ako magpapakatotoo sa iyo Kaiara, magtiwala ka sa akin gumagawa ako ng paraan para matalo natin si Dalox..maniwala ka" desperado ang boses niya,

Nag aalangan akong maniwala ilang beses niya na akong nasaktan ng paulit ulit ang hirap maniwala sa sinasabi niya,

Baka isa lang itong patibong para mapahamak ang iba,..

"matagal mo na kong inalisan ng karapatang magtiwala sa iyo" Nakatungo kong sabi,

Natatakot ako Reino yun ang totoo, gusto kitang paniwalaan sabi ng puso ko pero ang isip ko sarado na para sa iyo,

Pilit siyang ngumiti, napatulala ako sa mukha niya ang lapit niya sa akin naririnig ko rin ang pagbilis ng puso ko, matagal na panahon ko ng hindi nakikita ang ngiti niya katulad ng dati iba ang epekto sa akin,

"Maniwala ka sa akin kahit ito na ang huli, masyado na kitang nasaktan Kaiara humihingi ako ng tawad sa lahat, pangako kapag hindi ko natupad ang mga sinabi ko hahayaan kong ikaw mismo ang pumatay sa akin o di kaya papatayin ko ang sarili ko, seryoso ako Kai" tama bang nakikita ko? Nanunubig ang mga mata niya? Iniwas niya ang tingin saka lumayo sa akin,

Ilang segundo ang nagdaan walang nagsalita sa amin,

Hindi ko alam ang sasabihin papaniwalaan ko ba siya? Paano kung lokohin niya ulit ako? Kung tiwala ang pag uusapan matagal ng nawala yun,..mabigat ang gusto niyang gawin ko kukunin ko kay Aegues ang Gintong balahibo hindi yun madali, hindi niya yun ibibigay kaya kailangan ko siyang pagnakawan,

"Malapit na si Aegues sana magkaroon ulit ako ng pagkakataong maipakita sa iyo na ako parin ang Reino na nakilala mo dito sa Dasithea" pagkatapos niyang sabihin ay naglaho na siya sa harap ko,

Nakahinga ako ng maluwag ng saktong dumating si Aegues na may malaking ngiti habang hawak ang gintong balahibo,

bakit nga ba kailangan ni Reino ng gintong balahibo? Gagawin niyang sandata para saan?

Itinago ko muna ang pagkalito at sinagot ng ngiti si Aegues, sinama niya ko pabalik dito sa Dasithea pinilit ko siya dahil narinig ko sila kanina ni Nana milan na nag uusap, walang sinabing dahilan si Aegues sa gintong balahibo kung anong gagawin niya kung ano man yun siguradong importante hahayaan ko munang siya mismo ang magsasabi,

Bumalik agad kami ni Aegues sa Yolem para sa mga kaibigan niya na nagsasaya,

Nasa loob na kami ng gubat pabalik kina Lowi lutang parin ang isip ko dahil kanina,

Hindi isang Thanox na reino ang nakipag usap sa akin at nagmakaawang maniwala sa kanya, Siya ang Reino na may paninindigan tulad ng dati..ginugulo na naman niya ang isip ko, paano na ito?

Bumuga ako ng malakas na hangin hindi ko na talaga kayang pagkatiwalaan ang lalaking dati kong minahal ,pero paano kung kailangan niya talaga ng tulong ko? kung may plano talaga siya para pabagsakin si Dalox at parte ng plano niya ang gintong balahibo..

"Kaiara ayos ka lang ba?" Tumigil sa paglalakad si Aegues at mataman akong tiningnan,tumigil din ako at ngumiti..

"Oo naman pagod lang siguro ako, puwede naman gamitin natin ang kapangyarihan natin para madaling makauwi ang kaso umiiral na naman ang kasipagan mong maglakad" ngisi kong sagot saka nagpatuloy kami sa paglalakad, sa totoo lang gusto ko rin itong ginagawa naming paglalakad para makapag isip pa ako..

"Sayang naman kasi ang lakas natin kung simpleng paglalakad hindi natin magawa, hahaha"

"Oo nga --" tiningala ko ang buwan at kusa akong napahinto saka ko nilipat ang tingin kay Aegues na nakangiti parin,

Kumunot ang noo ko, ang buwan may mga kulay itim na..

"Aegues nakita mo na ba ang buwan?" Tanong ko habang nakatingala parin sa maliwanag na buwan,

Konti na lang ang oras ni Aegues sa natitira niyang buhay ayokong maalala niya ko bilang taksil, alam kong malaki na ang galit niya kay Reino kahit hindi niya sabihin nararamdaman ko, paano na lang kung malaman niyang nakipag kasundo ako kay Reino? Hindi ko kayang saktan si Aegues,

"Kanina ko pa nakita yan, at hindi na ko nagulat..tara na baka naghahanap na sila sa atin" nakangiti man siya pero bakas sa mata niya na malungkot si Aegues,..

Tumango na lang ako saka kami tahimik na naglakad,

Buong oras si Reino at Aegues ang nasa isip ko, ayokong pumili ng kung sinong papanigan pareha silang mahalaga,mas mahirap para sa akin ang umisip ng paraan o desisyon kesa ang makipaglaban ayoko talagang nag-iisip ng malalim pero iba ito ngayon--

"Wala kang kasalanan pagsubok lang ito para sayo,kaya wag kang susuko"

Parehas kaming napatigil ng may marinig na boses,

malapit lang sa direksyon namin kaya marahan kami ni Aegues na lumapit,lumaki ang mata ko ng tuloy tuloy sa paglalakad si Aegues palapit sa isang lalaki at ....."Roya?" Napaawang ang labi kong sinundan si Aegues,

Napaatras ako ng makitang nakayakap kay Roya ang lalaki na nakangisi,

Madilim ang mukha ni Aegues at nakakuyom ang kamao niyang may lumalabas na itim na apoy,

Masama ito,sino ba kasing matutuwa sa posisyon nila?

Halatang nagulat din si Roya at agad na humiwalay sa lalaki, akma niyang lalapitan si Aegues pero kusa rin siyang napatigil ng makita ang matalim na tinginan ni Aegues at ng lalaki,

"Eris" madiin na banggit ni Aegues sa lalaki,

Pareho kaming nagulat ni Roya sa kanila, nakikita kong may nakatagong malakas na kapangyarihan ang lalaki-- Eris,

Hindi ko lang masabi kung masama ba o mabuti,

Nagliyab ng itim na apoy ang kanang kamao ni Aegues ganoon din sana ang gagawin ni Eris ng hinarang ni Roya ang sarili kay Eris para hindi ito masaktan,

"Ano bang ginagawa mo mortal?" Madiin kong tanong, lalo lang niyang pinapa igting ang galit ni Aegues, bakit nga ba siya nagagalit? dahil ba nakita niyang may kayakap na iba ang mortal? Ang babaw na dahilan hindi maglalabas ng kapangyarihan na itim kung dahil lang doon,

"Walang g-ginagawang masama si Eris .. Kaibigan ko siya wag mo siyang sasaktan" pagtatanggol ni Roya,

Pekeng napatawa si Aegues at hindi inalis ang tingin kay Eris na walang emosyon ang mukha,

"Kaibigan? Kilala mo ba kung sino yang kinakaibigan mo?"

"Anong ibig sabihin?" Naguguluhang binaling ni Roya ang tingin kay Eris na ngayon ay lumungkot ang mga mata, halatang peke.. tsk

"Dati kong kaibigan si Aegues nagkaroon kami ng pinagtalunan kaya galit parin siya sa akin hanggang ngayon,patawad Roya kung hindi ko nasabi" malungkot niyang paliwanag,

"Umalis ka sa tabi niya dahil lalo lang akong naiinis," matalim ang mata ni Aegues kay Roya,

Hinawakan naman ni Eris ang kamay ni roya at nilagay sa likod niya, lalo niyang iniinis si Aegues! Oo nga at masayahin at mabait si aegues pero siya rin ang tipo na ayokong makitang magalit napaka delikado..

Hinawakan ko sa braso si Aegues para pakalmahin,pigil na pigil niya ang sarili ..

" mortal sumama ka na sa amin umuwi na tayo" utos ko sa mortal, ano man ang nagawang kasalanan ng Eri na ito siguradong mabigat yun,

"Aegues tinatakot mo si Roya kung ano man ang problema natin labas na siya roon, " malumanay na sabi Ni Eris,

" ikaw ang mas matakot kapag hindi mo pa siya nilayuan.." humakbang si Aegues kay eris at parang mga kidlat ang mata nilang nagtatagisan ng matalim na tingin,

"Dapat kang matakot dahil mapapatay kita kapag nakita pa kitang hawak siya,..Eris" dagdag ni Aegues,

"tulad ng sinabi ni Roya MAGKAIBIGAN kami at hindi mo hawak ang buhay niya kaya pabayaan mo siya... wag ka na rin sanang mabuhay sa nakaraan Aegues,baka yun pa ang maging dahilan para mawala ang lahat sa iyo" sagot ni eris,

Nagkiskisan ang mga ngipin ni Aegues at madiing sinakal ng nagliliyab niyang apoy ang leeg ni Aegues,

Nakangisi lang si Eris na nangangasar kaya lalong naasar si Aegues, nakatayo lang ako sa likod nila wala akong balak pigilan siya sa ginagawa alam ni Aegues ang ginagawa niya,

Hinawakan naman ng mortal ang braso ni Aegues para pigilan,

Tsk tsk tsk

Ano ba kasing ginagawa niya kasama ng Eris na yan?

" Aegues ano ba?! Tigilan mo siya ! Kanina pa kita hinahanap at nag aalala ako ng makita ang itim na kulay sa buwan at aksidente ko siyang nakita dito sa gubat! Hindi ko alam ang gagawin kaya buti na lang pinakalma ako ni Eris! Wag mo siyang sasaktan sinisigurado ko sayong hindi kita mapapatawad!" Nabalot ng sigaw ni roya ang paligid,

Kumurap kurap si Aegues at halata ang iritasyon sa mukha niyang binitiwan agad si Eris,

Napailing iling akong nakatingin sa kanila,

Napahilamos sa mukha si Aegues saka madaling hinila palayo si Roya sa lugar, naglakad na rin ako pero sandali akong huminto sa gilid ni Eris,

"May pagkaseloso si Aegues pagdating sa mortal kaya kung may balak kang agawin sa kanya ang taong yun... dapat handa mong kakayanin ang galit niya" walang emosyon kong sabi ng hindi siya nililingon,

Narinig kong napangisi siya,

" yun lang pala eh"mayabang niyang sagot bago ko siya lagpasan,

May kakaiba talaga akong nararamdaman sa Eris na yun, magaling siyang magtago ng tunay niyang pagkatao kaya nasisiguro kong malakas siya,

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 316 51
Pano kung isang araw sa mismong special day mo ay malaman mo ang di inaasahang balita na ikakagimbal mo. Haharapin mo ba ito o magkukulong ka na lang...
97.4K 4.9K 41
Claudette De Jesus-- Hindi matatawaran ang pagmamahal sa kanyang pamilya at sa lalaking mula pagka bata ay kanya nang inibig.. Matalino,madiskarte...
529K 8.9K 60
PAANO KUNG MAKAKILALA KA NG ISANG BABAENG TAMAD NA MAG-ARAL?? AT WALANG PAKI KUNG ANO MAN ANG SABIHIN NG IBA KAHIT NA TAWAGIN SIYANG BOBO..... PAANO...
299 12 11
This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictiously. Any r...