抖阴社区

Moonlight Blade (Gazellian Se...

By VentreCanard

8.9M 477K 125K

Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other god... More

Moonlight Blade
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Announcement

Chapter 23

164K 9.4K 3.6K
By VentreCanard

Chapter 23

Naudlot

Kung ang kanyang malambing na salita'y sukatan ng ligaya, aking tenga'y habang-buhay nakabukas sa kanyang malamig na tinig...

Kung ang sukatan ng ligaya'y ang kanyang mga haplos, aking mga balat ay habang-buhay tatanggap ng kanyang mga hagpos...

Kung ang sukatan ng ligaya'y kanyang mga labi, aking isipan ay matututong 'di magdadalawang-isip...

Kung ang sukatan ng ligaya'y sa loob ng sirang karwaheng napupuno ng dilaw na bulaklak, malugod kong ihahandog ang aking sarili sa mga mata ng hari...

Kanyang mga mata'y nagsusumamo, sumasamba at umaangkin...

Kanyang mga pangil ay nananabik, naghahanap at nais nang kumawala...

Galaw ng kanyang lalamuna'y hudyat ng matinding pagkauhaw...

Aming paghinga'y nagsisimula nang gumawa ng ritmo...

Nais akong angkinin ng hari, ngunit nais nitong pagyamin ang kanyang mga sa anumang nakahain sa kanya. Tila ako'y isang uri ng regalong babago nito binuksan at nais kilatisin nang napakatagal na oras. O di kaya'y isang uri ng binhi na nais hanapan ng pagkakamali.

Aking mga mata'y nais magpikit, mga braso'y nais iyakap sa sarili, mga binti'y patuloy na nangangatal sa matinding hiya...

"H-Haring Dastan..." nag-iwas ang aking mga mata mula sa kanya. "I-Iyong mga mata'y tinutunaw ako..."

Wala sa sariling nakagat ang pang-ibabang labi, nangangatal ang ilang daliri ko habang pinaglalaruan ang dulo ng aking mahabang buhok habang ang aking mga hita'y bahagya nang nagkikiskis.

Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa hari, dahil tila ito'y natigilan at patuloy na humahanga sa aking katawan buong katawan. Pakiramdam ko'y isa akong bulkan na anumang oras ay sasabog.

Ni hindi alam kung saan magsisimula. "D-Dastan..." halos bulong na tawag ko sa pangalan niya. Muli kong nakagat ang pang-ibabang labi ko.

"Aking reyna..." mariin akong napapikit nang bumaba ang kanyang kamay sa akin, hanggang maramdaman ko ang isang daliri niyang inaalis ang aking pagkakakagat sa aking labi.

"Ako ang kakagat, Leticia..."

Muling nag-isa ang aming mga labi, bawat pag-angkin ng labi ng hari'y paglalim na tila higit sa pagsalok ng tubig sa isang malalim na balon. Aking mga braso at hita'y yumakap sa kanya. Aming mga dibdib ay tila naglapat at katawa'y higit na nagningas sa bawat galaw ng haring tila pinararamdam sa akin ang kanyang kahanga-hangang kakisigan.

Kung kanyang kaligayaha'y pagkagat sa akin, kanyang pangil ay tatanggapin...

Kung kanyang kaligayaha'y aking mga yakap, ako'y malugod na yayakap sa kanya...

Kung kanyang kaligayaha'y pagtawag sa kanyang ngalan, ako'y di magsasawang ibulong ang kanyang ngalan...

Kung kanyang kaligayaha'y aming pag-iisa, ako'y buong pusong magpapaangkin sa haring para sa akin...

Mas dumiin ang halik, mas naging agresibo at nakapag-aanyaya. Tila bawat galaw nito'y nais akong makipaglaro, tumuklas at maghanap kasabay ng bawat indayog na hindi lang ng labi maging ang aming mga dila.

Mas bumigat ang aming mga paghinga nang sandaling labi'y naghiwalay, kanyang mga mata'y lalong tumitingkad ng pula.

"Aking reyna..." marahan niyang pinunasan ang butil ng pawis sa aking noo. Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ko rin ang pawis niya. Sa pagkakataong ito'y ako naman ang nagtanong sa hari.

"Pinaliligaya ba kita, Mahal na Hari?"

"Higit sa ligaya, Mahal na Reyna..." muli niya akong ginawaran ng halik.

Hinawakan niya ang aking kamay at marahan niyang ipinadama sa aking mga daliri ang kanyang nakalabas na pangil. Na tila nais ako nitong ihanda sa maaari niyang pagkagat.

"M-Maari kang kumagat...Dastan..."

Ang bawat salita ko'y sinasagot ng halik ng hari. Umulan ng halik mula sa aking mukha, patungo sa aking leeg, pababa sa pagitan ng aking mga diddib, aking katawa'y magneto na sumusunod sa kanyang mga labi.

"Dastan..." para akong kinikiliti sa aking tiyan, 'di lumisan ang kanyang labing walang balat na 'di hinagkan.

Patuloy itong bumaba patungo sa aking puson, pababa sa aking---

"M-Mahal na hari..." para akong lalagutan ng hininga nang hawakan niya ang aking kaliwang binti, ginawaran ng halik ang aking kaliwang hita, naglandas ang dulo ng kanyang mga pangil, naglaro ang kanyang dila, muling humalik at saka ibinaon sa aking balat.

"D-Dastan..." umawang ang aking bibig sa unang kagat sa aking hita. Napadakot na ako nang napakaraming bulaklak habang ang aking ulo'y walang tigil sa paggalaw.

Habang tumatagal ay mas nag-iinit ang kanyang labi sa balat ko, lagok ng dugo'y tila musika, landas nito'y kiliti sa akin at ang presensiya ng hari sa pagitan ng aking mga hita'y tila isang pagdiriwang--- higit pa sa pagdiriwang na may kasamang sayawan sa gitna ng nagliliyab na apoy.

"M-Mahal na Hari..." halos mapabangon ako nang kumagat itong muli sa kabilang hita ko, 'di ko na mawari ang tibok ng puso ko, ang tamang paghinga ko o maging ang buong paligid.

'Di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, dahil sa kabila ng kirot ng matalas na pangil sa aking balat, hindi sakit ang nangingibabaw, kundi saya... ligaya...

Hindi ko na namalayan na lumuluha na ako, sa galak...

"D-Dastan..." sa pagkakataong ito ay mas may katal ang boses ko, natigil sa pagkagat ang hari at muli ako nitong dinaluhan.

Nakita ko ang takot at pangamba nito habang marahan niyang hinahaplos ang ibabaw ng ulo ko.

"Nasaktan ba kita, Leticia?" marahas akong umiling sa kanya at ngumiti ako.

"Ngunit pinaluha kita... maaari natin itong—" mga kamay ko na mismo ang humawak sa kanyang magkabilang pisngi. "Luha lamang ito ng kaligayahan, Mahal na Hari..."

Hindi mahilig ang hari sa maraming eksplanasyon, dahil agad itong tumango sa sinabi ko. Hindi na siya muling kumagat, sa halip ay mas naging madalas ang halik at haplos nito.

Sambit ng aming mga pangalan ang namayani sa loob ng sirang karwahe, lalo nang muli ipadama ng hari ang pang-aangkin niya sa aking mga labi na inilipat niya sa aking dibdib. Halos masaktan ko siya sa kanyang likuran at maging sa mahaba niyang buhok dahil sa tindi ng galak na kanyang inihahandog.

"K-Kung hindi mo mamarapatin, nais kong putulin ang iyong mahabang buhok, kamahalan. Ayokong sa tuwing tayo'y nasa karwahe'y ika'y aking nasasaktan."

"Masusunod, aking reyna... sa sandaling matapos tayo."

Pawis na pawis na kami ng hari habang ang mga mata nami'y magkaisa, humihingal at kapwa naghihintay ng bawat kilos.

"Mahal na reyna, may isa ka pang tungkulin na nais gawin para sa akin..." hinaplos ng ilang daliri ng hari ang aking pisngi. Pumikit ako at dinama ito.

"Ang reyna ang siyang nagtatanggal ng huling kasuotan ng hari..." nang nagmulat ako, saglit kong nakita ang pagtaas ng sulok ng labi ng Hari na tila ito'y nawiwili sa aking reaksyong may pag-aalinlangan.

Dahan-dahang bumaba ang aking mata sa huling kasuotan ni Dastan, nangangatal ang aking kamay na naglandas sa kanyang dibdib at nagsimula itong bumaba.

At nang sandaling nasa dulo na ako'y bigla na lang pumasok sa isip ko ang lahat ng mga planong nais ko sa hinaharap at ang magdala ng sanggol sa aking sinapupunan ay wala pa rito.

Natigil ang aking kamay at sinalubong muli ang mata ng hari, kanyang noo'y saglit na kumunot.

"M-Mahal na Hari... sa sandali bang ika'y makapagpunla--- ako'y siguradong magdadala ng sanggol—"

"Our first child." Mabilis na sagot nito.

"H-Hindi ko pa nais mabuntis..." nahihiyang sabi ko. Inakala kong magagalit sa akin ang hari, ngunit ipinatong niya lang ang kanyang noo sa aking noo.

"Dapat ay sinabi mon ang mas maaga, I should have brought an—" 'di na itinuloy ng hari ang kanyang sasabihin, humiwalay ito sa akin.

Nagsimula itong magbihis at hindi na ako magawang sulyapan. "Kukuha lamang ako ng iyong kasuotan."

Hihingi sana ako ng tawad sa hari pero mabilis itong nakaalis at iniwan ako. Gusto kong pagalitan ang sarili ko, bakit ko siya inanyayahan? Bakit ko hinayaan na makarating kami sa ganito kung hindi pa ako handa?

Ngunit masyado akong nadala, nais kong magpaangkin sa kanya pero alam kong hindi makatutulong sa amin at magiging isang suliranin pa kung sakaling magdala ako ng sanggol sa aking sinapupunan.

Bahagya kong ibinalot ang katawan ko ng aking sirang kasuotan, ilang minuto lang akong naghintay, bumalik na si Dastan. Inabot niya sa akin ang aking kasuotan at iniwan niya ako sa karwahe para magbihis.

Bigla kong nais maiyak, kasalanan ko ito, siguradong galit sa akin ang hari, isang tungkulin ng reyna na ihandog ang sarili sa kanyang hari ngunit ang ginawa ko'y tumanggi sa kanya.

Nakatungo akong lumabas sa karwahe. "N-Nais kong humingi ng tawad, Dastan..."

Sa aking nakayukong ulo ay nakita ko ang paglahad niya ng kamay sa akin. "Maraming pagkakataon, Leticia."

"H-Hindi ka na nagagalit?"

Saglit na nasamid si Dastan sa katanungan ko. "Marahil."

Nalungkot ako sa sagot niyang marahil, ibig sabihin ay may parteng nagagalit pa rin siya.

"Ano'ng nais mong gawin ko para hindi ka na magalit sa akin?"

"H-Hindi ako nagagalit, Leticia." Bihira ko lang narinig nag-alinlangan ang pagsasalita ng hari.

"Patawad—" hindi na ako hinayaan ng haring humingi ng tawad dahil pinigilan ako ng kanyang halik.

Nakabalik na kami sa palasyo, sinalubong kami ng tatlong naglalarong bata, ilang beses pa ang mga itong nagpaikot-ikot sa amin ni Dastan bago sila lumayo at maghabulan.

"Be careful, Divina, Dawn, Dusk." Nakita ko kung paano ngumiti ang mga mata ni Haring Dastan sa mga bata, nakaramdam na naman ako ng kahihiyan. Ngayon ko napagtanto na mahilig siya sa bata.

"Zen and Claret's daughter, iyong humahabol. While Dawn and Dusk are Lily and Adam's twins." Tumango ako, agad kung nakilala iyong kambal.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Dastan sa akin na kailangan na nitong pumasok sa kanyang silid-aklatan para sa mga papel na kailangan niyang basahin, sinabi nito ang direksyon kung nasaan ang mga babae sa palasyo. Tumagal lang nang ilang minuto ang paglalakad ko nang marinig ko ang tawanan ng mga babae, nangingibabaw ang tawa ni Naha.

"Yes! Hon will be my literature professor in human world! Enrolled na ako nang sabihin niya sa akin na enroll na rin siya. Thought he would be my classmate, but come on? Bakit nga ba estudyante kung pwede professor? Bawal na pag-ibig na naman kami ni Evan. I am so excited! I will seduce him there, hanggang ma-kick siya ng university for having an affair with his student." Natutuwang sabi ni Naha.

"Hey, stop that. Maganda ang reputasyon ng mga Guevarra, sa mundo ng mga tao. They're in the field of medicine, may lisensiya siya. Huwag mong sisirain." Sagot sa kanya ni Claret.

"By the way, speaking of that family, Guevarra, kung sa medicine sila, bakit naging propesor ko si Evan?" tanong ni Naha.

"Part time job, may gano'n talaga, part time sa pagtuturo. Siguro ay Saturday class si Evan. At tsaka matalino si Evan, maybe his human background took other courses. Kaya niya naman panindigan." Sagot sa kanya ni Claret.

"Sorry, 'di ako makasali sa usapan n'yo, kaunti lang ang nalalaman ko sa mundo ng mga tao." Sabi ni Kalla.

Nahihiya akong kumatok sa pintuan, naagaw ko ang kanilang atensyon.

"Mahal na Dyosa ng Buwan!" bati nila sa akin.

"Leticia na lamang." Nag-aalangan pa ang hakbang ko, humila sila ng upuan at inanyayahan nila ako.

"Kukuha lamang ako ng tsaa." Tumayo na si Claret.

"Tutulong na ako." Sumunod sa kanya si Kalla.

Hindi ko inaasahan na kaming dalawa lamang ni Naha ang matitira, nais ko nang sabihin sa kanya ang tungkol kay Nikos pero alam kong kailangan namin ng mahabang usapan, anumang oras ay babalik si Claret at Kalla, nais ko lamang itong sabihin pansamantala kay Naha.

Ngunit may isa akong katanungan na alam ko na si Naha o Kalla lamang ang maaari kong pagtanungan. Magkadaop ang aking palad habang pilit kong pinalalakas ang loob ko sa aking itatanong.

"Leticia?"

"Ako'y may katanungan kung hindi mo sana ito mamasamain..."

"Oh, hope my nose won't bleed. Vampire language on. Sige, ako'y nakikinig..." saglit akong sumulyap sa kanya. Palangiti siyang babae.

"H-Hindi ba'y tungkulin ng isang babaeng kapareho na hayaang magpunla ang kanilang kapares? Ang kanyang minamahal?" nakangiwi na sa akin si Naha.

"Magpupunla? Magtatanim? 'Di naman nagpupunla si Evan." Suminghap ako.

"Kung ganoon ay isa ka pang birhen..." lalong kumunot ang kanyang noo.

"Ako? Wala na, nilunok na lahat ni Evan."

"Nilunok?" ngumisi siya at saglit namula.

"Napakainosente mo pala, mahal na dyosa. Nakukuha ko na ang pagpupunla. Oo, isa itong tungkulin, lalo na't isang hari ang iyong kaparehas. Hayaang magpunla ang hari hanggang sa mapagod."

"Ngunit hindi ko pa nais magbuntis... kaya ko ito naitanong sa'yo dahil sa nakikita ko'y wala pa kayong supling..."

"Ah, that. Langis lang ang kailangan, marami kami ni Evan."

"Langis?" mas lumawak ang ngisi niya kasabay nang paglapit niya sa aking tenga para bumulong.

"Langisan mo lang, Mahal na Dyosa... dahan-dahan, pababa at pataas nang ang ating hari'y magdiwang, Parsua Sartorias ay aawit at puno ng liwanag ay mas magliliwanag.

"Saan ako makakakuha ni—" 'di ko na natapos ang katanungan ni Naha nang dalawang Gazellian ang pabalyang nagbukas ng pintuan. Si Evan at Kamahalan.

"Nahara!"

"Yes, hon?" tumakbo si Naha at yumakap kay Evan na parang ilang taon ang mga itong hindi nagkita.

"I'm sorry, Dastan. Bakit ikaw ang iniwan ni Claret kasama ang dyosa?"

"Why not me, hon?" umikot lamang ang mata ni Evan.

"Leticia, come here. Nagbago ang isip ko, samahan mo ako sa aklatan."

"Nag-uusap pa kami ni Naha tungkol sa—"

"Langis." Pagtatapos ni Naha. Narinig ko ang kakaibigang salita ni Evan sa sinabi ni Naha na tumawa lamang.

"We will talk about that, Leticia. Now come here, my Queen." Inilahad ni Dastan ang kamay niya sa akin.

Sa huli ay nauna kaming umalis ni Dastan, si Naha na kumindat sa akin at si Evan na ilang beses tumutungo sa akin na parang humihingi ng tawad.

Hawak ni Dastan ang aking kamay habang nauuna siyang maglakad sa akin.

"I should do something with your innocence, Leticia."

Continue Reading

You'll Also Like

275 211 15
[COMPLETED] Follows the exploit of the five ordinary students- Keia, Amarra, Sabrina, Tim, and Andrei- who enter the world of Lost Paradise through a...
139K 6.2K 161
This is a story of a student who transmigrated into the book that she makes fun of it and reborn as a baby in the world of fantasy? Royalties? Histor...
7.8K 405 41
A story about Revenge. How this revenge turned into something else when she discovered who she really is. She suffered lots of things, will she able...
12.8K 748 191
Okay so, as you've probably already guessed from the title, this is going to be bad. Really, bad. I apologise now for my bad writing and anything els...