抖阴社区

You're All i Need

By c0n_010

137 8 0

Magmahal at ang mahalin- Ang isa sa pinakamasarap sa pakiramdam. More

You're All i Need
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven

Chapter 12

1 0 0
By c0n_010

Nagising ako kinaumagahan dahil sa marahang haplos sa aking pisngi. Unti unti kong iminulat ang aking mata at ang gwapong mukha ng aking boyfriend ang una kong nasilayan.

'Good morning babe. I'm sorry did i wake you up?'

Kasabay nun ang mabilisang halik niya sa aking labi. Smack lang yun pero di ko maiwasang mahiya dahil hindi ko alam kung ano ang hitsura ko ngayon. Mabilis kong naisubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. Sigurado naman akong hindi mabaho ang aking hininga kahit kagigising ko lang kaya lang baka may panis na laway ako o muta. Shocks! Nakakahiya yun. Lalo na at ang bango bango niya ngayon dahil halatang katatapos niya lang maligo. Marahan siyang natawa sa iniasta ko.

'Hey,babe come on. Look at me.'

Iniangat ko ang ulo ko hindi para harapin siya kung hindi para pumunta sa bathroom. Naririnig ko pa ang tawa niya dahil sa ginawa ko.

'Babe maganda ka pa rin kahit gulo gulo pa yang buhok mo.'

Dinig kong sabi niya nang nasa loob na ako ng bathroom. Di ko na lang pinansin ang sinabi niya at mabilisan na lang akong naligo.

Pagkalabas ko nakita ko siyang nakahiga pa din sa kama habang nanonood ng tv. Ibinaling niya ang kanyang paningin sa side ko ng maramdaman niyang nasa loob na ako ng kwarto. Nag angat ako ng tingin sa kanya.

'Babe come here.'

Lumapit ako sa nakalahad niyang braso. Agad niya naman akong niyakap ng sobrang higpit sabay kiss sa noo ko.

'Ang bango naman ng mapapangasawa ko.'

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanyang sinabi. Namumula din ang pisngi ko kaya ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Marahan lang siyang natawa at hinayaan ako sa aking ginawa.

Inaya niya ako sa baba para kumain. Naghihintay na din daw kanina pa ang mga kaibigan namin sa dining area. Nasa hagdanan pa lang kami ni Cyrus e rinig na rinig ko na ang mga boses ng mga kaibigan naming masayang nagkukuwentuhan.

Pagkatapos naming kumain napagpasyahan naming mamasyal. Napakaganda ng lugar na ito. Nakakarelax sa pakiramdam.

Nang sumapit ang hapon inaya ako ni Cyrus na tumambay sa tabing dagat. Tamang tamang papalubog ang araw kaya naman natuwa ako. Tumakbo ako para mas makita ko nang malapitan. Natatawa lang si Cyrus habang nakasunod sa akin.

'Babe careful.'

Natawa na lang din ako sabay irap sa kanya. Tss. Ang lalaking ito talaga. Niyakap niya ako mula sa likod habang sabay naming pinagmamasdan ang papalubog na araw.

'Ang ganda.'wow

Nasabi ko na lang at di maalis alis ang tingin ko dun.

'I know. Sobra.'

Napalingon ako sa kanya at kitang kita ko ang lalim nang titig niya sa akin. Natawa ako at kunwaring hinampas ang kanyang noo.

'Tss. Ewan ko sayo Enrile.'

Humagalpak lang naman siya nang tawa at itinuloy lang ang pagyakap sa akin ng mahigpit.

'Babe? Can i ask you something? If you dont mind'

Sabi ko sa kanya habang nakaharap kami sa mapayapang karagatan. Parehas na kaming nakaupo ngayon sa buhanginan na nilatagan lang para hindi kami masyadong madumihan. Nakaupo ako sa pagitan nang kanyang hita habang yakap niya ako.

'What is it babe?'

Napalunok ako at hindi malaman kung dapat ko pa bang ituloy ang gusto ko sanang itanong. Natahimik ako saglit kaya iniharap niya ang mukha ko sa kanya. Napakunot noo siya nang makita sa mata ko ang pag aalinlangan.

'Come on babe. Spill it. Is there anything wrong?'

Nagbaba ako ng tingin pero mabilis niyang nahuli ang baba ko para magpantay muli ang aming mga mata.

'I just want to ask kung bakit kayo naghiwalay ng ex mo?'

Napakagat ako sa labi ko pagkatapos lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon. He licked his lower lip ng makita niya ang ginawa ko. Napayuko ako dahil sa pamumula nang pisngi ko.

'I broke up with her because i fell out of love. At ayaw kong mas masaktan siya kaya mas minabuti ko na makipaghiwalay na lang sa kanya.'

Nakatingin siya sa aking mga mata habang sinasabi yun. Napanganga ako dahil sa kanyang sagot. Mabilis na gumana ang isipan ko. What if one day mawala din yung nararamdaman niya saken tulad ng sa ex niya. Kakayanin ko kaya? Oh God. Please no.

Nakita niya ang lungkot sa aking mga mata kaya mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. Sobrang kalabog ng dibdib na pakiramdam ko eh nahihirapan akong huminga.

'I know what you're thinking babe. Stop it! Di mangyayari yun.'

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang nilalaman nang isipan ko. Napailing iling ako.

'What if...'

Di ko naituloy ang gusto kong sabihin dahil mabilis niyang tinawid ang pagitan namin at ginawaran ako nang masarap na halik. Lahat ng iniisip ko kani kanina lang ay parang bulang biglang naglaho.

'Stop thinking that way babe. Please? I love you alright. Trust me. Just trust me.'

Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.
Hindi ko man hiniling na ikuwento niya sa akin ang tungkol sa ex niya ay ginawa niya pa rin. Childhood friends pala sila? Nakaramdam ako ng kaunting kirot habang ikinukuwento niya sa akin ang lahat.

Yinakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi niya naman ako binigo dahil ganon din ang ginawa niya. I will trust your love for me babe. Nasabi ko na lang sa isipan ko. Sa ngayon ayaw ko munang mag isip ng kung ano. Bahala na kung ano man ang mangyari. Basta mahal ko siya at mahal niya ako sapat na muna siguro yun.

It's been a month simula ng naging kami ni Cyrus. Araw araw niyang ipinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. At ganon din naman ako sa kanya.

'Hi babe.'

Nilingon ko si Cyrus na nakayakap ngayon mula sa aking likuran. Kadarating niya lang at kasalukuyan kaming nasa canteen. Nagsimula ang kantiyawan galing sa aming mga kaibigan. Nakatingin lang naman ang mga estudyanteng nanduduon na animoy mga kinikilig. Naipikit ko na lang ang aking mata dahil sa naramdamang pamumula ng aking pisngi. Till now di pa din ako masanay sa sobrang ka sweetan ng boyfriend ko.

'Let's eat?'

Tumango lang ako sa kanya at nagsimula na kaming kumain.

Nilapitan ko si Cyrus na kasalukuyang nakasandal sa kanyang kotse habang may kausap sa kanyang phone. Nakakunot ang kanyang noo at tila seryosong pinapakinggan ang sinasabi ng kausap.

'Ok mom i'll try. Bye.'

Dinig kong sabi niya sa kanyang kausap. Ibinaba din naman niya kaagad ang kanyang phone at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam kong may nais siyang sabihin pero di ko siya tinanong. Hihintayin ko na lang siyang sabihin sa akin.

'How's your day babe?'

Sabi niya sabay sulyap sa akin. Hinawakan niya ang aking isang kamay habang ang isa ay abala sa pagmamaneho. Nginitian ko siya ng matamis.

'Ayos lang babe. Nakakapagod pero masaya naman.'

Ngumiti lang siya at bahagyang pinisil ang kamay kong hawak niya.

'Uhm babe?Is it okay kung ipakilala na kita kay Mommy?'

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Alam ko namang mangyayari yun pero di ko inasahan na ganito agad kaaga.

Actually napag usapan na namin ito. Isang linggo pa lang kami nun at iniinsist niya ng ipakilala ako sa Mom niya pero di ako pumayag kasi hindi pa ako handa. Isa pa nahihiya ako dahil baka kung ano na lang ang isipin ng Mom niya sakin. Baka magalit siya sa akin dahil baka isipin niyang kaya naghiwalay ang anak niya at ang ex niya ay dahil sa akin. Nabanggit kasi ni Cyrus na close sila nung time na tinanong ko kay Cyrus. Paano kung di niya ko magustuhan? Ano ng gagawin ko? Nag iwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.

'Babe ayaw mo ba? Just tell me. I'm not gonna force you kung di ka pa handa.'

Dinig kong sabi niya kaya iniharap ko ang tingin ko sa kanya.

'Babe..di ko alam. I'm scared.'

Nagbaba ako ng tingin hindi ko kayang salubungin ang tingin niya sa akin. Tumigil ang sasakyan at di ko napansing nasa harap na pala kami ng bahay. Tinanggal niya ang seatbelt niya at humarap sa akin. Hinuli niya ang aking kaliwang kamay at dinala sa kanyang labi.

'Hey. Babe come on. Look at me. Listen. You don't have to be scared. Di ba napag usapan na natin ito? Mommy likes you already kahit sa picture pa lang kita ipinapakilala kasi di ka pa kamo handa. Babe please she just want to meet you. I assure you pag nakilala mo si Mommy magkakasundo kayo. Alam niya ang lahat sa atin kaya wala kang dapat ikabahala.'

Niyakap niya ako pagkatapos niyang sabihin yun. Niyakap ko din siya pabalik.

'Babe baka lang kasi..'

Hinalikan niya ako sa labi at di na hinayaang dugtungan pa ang sinasabi.

'I love you alright? You know how much.'

Tumango lang ako sabay ngiti.

'Alright then. Sa saturday sunduin mo ako.'

Nanlaki ang kanyang mata dahil sa aking sinabi.

'Seriously?'

Ngumiti lang ako bilang sagot.

'Alright. I will tell my Mom. For sure matutuwa yun.'

Tinanguan ko na lang siya at ako na mismo ang naglapit ng mukha ko sa kanya at ginawaran siya ng isang malalim na halik.
He licked his lower lip after.

'Ang sarap.'
Ngumisi siyang parang tanga kaya hinampas ko ng marahan ang kanyang dibdib. Awtimatiko naman ang pamumula ng aking pisngi kaya lalo na naman niya akong inasar. Tss.

'Macs nandito na ang boyfriend mo. Bumaba ka na diyan.'

Dinig kong sabi ni Manang mula sa labas ng aking kwarto.

'Bababa na po.'

Pinasadahan ko pa ng isa ang kabuuan ko sa aking malaking salamin. Ng nakuntento sa hitsura kinuha ko na ang purse ko at lumabas na ng kwarto.

Naabutan ko silang masayang nagkukuwentuhan ni Manang.

'Iha nandiyan ka na pala.'

Si Manang ang unang nakapansin sa akin dahil nakatalikod si Cyrus sa pwesto ko. Humarap naman siya agad ng marinig ang sinabi ni Manang.

'Woah babe. Bakit ba ang ganda mo?'

Bulong niya sa akin pagkalapit ko sa kanya.

'Well.' I smirked at him.

Natawa naman siya at iniyakap ang braso niya sa aking leeg.

'That's my girl.' He winked at me.

'Kinakabahan ako babe.'

Pinisil niya ang kaliwang palad kong hawak niya.
Humarap siya sa akin at hinawakan ang mukha ko.

'Babe relax. Di naman nangangagat si Mommy.'

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Tss siraulo talaga.

'Good afternoon Senyorito. Good afternoon Ma'am.'

Bati ng dalawang katulong sa amin pagpasok. Tumango lang si Cyrus sa kanila. Binati ko din sila sabay ngiti.

Di ko maiwasang mamangha sa nakikita ko. Our house is huge but their house was triple. Nakakaamaze sa ganda. Di ko maiwasang mamangha. Pansamantala kong nakalimutan ang aking kaba.

'Baby.. Oh hi Cassie.'
Napalingon ako sa nagsalita. Sigurado akong ito na ang Mommy niya. Biglang bumalik ang kaba ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Humalik siya sa pisngi ni Cyrus at nakangiting bumaling sa akin.

Ngumiti ako ng tipid. Napakaganda niya. Malaki ang pagkakahawig nila ni Cyrus. Parang di sila nagkakalayo ng edad kung titingnan mo. Bata pa ang hitsura ng Mommy niya at sobrang ganda pa.

Ibinuka niya ang dalawang braso at animoy gusto akong yakapin. Napatingala ako kay Cyrus at kitang kita ko ang saya sa kanyang mukha. Ngumiti siya sa akin at tumango na tila ba sinasabing yakapin ko ang Mommy niya.

Di naman ako nagdalawang isip. Niyakap niya ako at ginantihan ko din siya ng yakap.

'Nice to meet you iha. You're so beautiful. Kaya naman pala patay na patay sayo tong baby ko.'

Nakangiti niyang sabi sa akin. Namula naman kaagad ang aking pisngi. Tila nahiya.

'Nice too meet you too Ma'am. You too po ang ganda niyo po.'

Sabay ngiti ko ng tipid.

'Call me tita please.'

Nahiya naman ako bigla.

'Thanks po tita.'

Hinila niya kami ni Cyrus sa dining area. Nagulat ako sa dami ng pagkaing nakahanda. Natakam kaagad ako dahil karamihan sa mga nakikita ko eh mga paborito ko.

Napatingin ako kay Cyrus. Tumango siya sa akin at ngumiti. Parang sinadya niya ito ah.

Ipinaghila niya ako ng upuan. Pagkatapos umupo siya sa aking tabi.

'Thank you babe.'

Ipinaglagay niya ako ng pagkain sa plato ko at nagsimula na akong ipaghimay ng paborito kong hipon.

Nagkukwentuhan sila ng Mommy niya habang kumakain kami. Nakatuon lang ang aking pansin sa plato kong punong puno ng pagkain. Minsan sumasagot pag may itinatanong si Tita sa akin. Tss patatabain yata ako ng isang to.

'How about you iha? How's you're studies?'

Nag angat ako ng tingin kay Tita. Nagpunas ako ng aking labi bago ko siya sinagot.

'Ahm ayos naman po.'

Nahihiya kong sagot.

Tinanong niya ako ng kung ano ano at kampante ko naman siyang sinasagot. Mabilis na pumanatag ang loob ko sa kanya. Tunay nga ang sinabi ni Cyrus. Napakabait niya pala talaga.

Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi naman napag usapan ang tungkol sa ex ni Cyrus dahil kung hindi ewan ko na lang baka magwalk out na lang ako bigla. Haha kidding.

'Thank you Tita. Nag enjoy po ako.'

Binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap.

'You're welcome iha. Please come here often.'

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Matapos ang mahabang pagpapaalaman tumulak na kami paalis.

'So? What can you say about my Mom?'

Nakataas kilay niyang tanong.

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

'Thanks babe. Thank you for everything. I love you so much.'

Imbes na sagutin ang tanong niya ay yun ang sinabi ko sa kanya. Alam niya na ang sagot ko sa tanong niya. Besides kita naman sa hitsura ko. I am happy and blessed.

Mabilis na lumipas ang araw. Dumadami ang projects ko kaya talaga naman nagiging sobrang busy na din ako. Ganon din si Cyrus especially graduating na siya. Kahit ganon di naman kami nawawalan ng oras sa isa't isa. Advantage na din siguro na sa parehas na eskwelahan kami nag aaral. Kaya kahit busy sa pag aaral araw araw pa din kaming nagkikita.

Masaya ako dahil araw araw niyang ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kaespesyal sa kaniya. Di siya nagbago kaya araw araw ko di siyang minamahal.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa ilalim ng puno ng tumawag siya.
'Hello?' Walang ganang sagot ko sa tawag niya.

'Babe where are you?'
Kabaligtaran naman ang tono ng boses niya. Tss mukhang masaya ang gago. Grr..

'Nasa tambayan.'
Sagot ko sa tanong niya pagkatapos pinatay ko na ang tawag.

Di naman siya tumawag ulit. Tss.. Tumawag lang siya para dun? Nakakainis. Naiinis ako sa kanya. Imagine di niya naalalang monthsary namin ngayon?! At ngayon lang nangyari ito. Di siya nakakalimot sa mga espesyal na araw ngayon lang. Ang sarap lang sapakin.

Aayain ko na sana ang dalawa kong kaibigan para pumasok na sa classroom ng bigla akong natigilan.

'Oh anong iningingisi ngisi niyo diyan? Tara na at baka malate tayo.'
Inirapan ko silang dalawa ng makitang ganon pa din ang reaksiyon nila.

'Woah i smell something fishy.'
Tigilan mo ako Bri ha at baka di kita matantiya pagsusungit ko sa kanya.

Natawa naman si Sam sa sinabi ko.

'Mukhang badtrip ang kaibigan natin Bri ah.' sabi niya.

Tinalikuran ko silang dalawa kasi naiinis pa din ako. Tss. Badtrip na nga lalo pa akong nababadtrip dahil sa kanilang dalawa.

'Wait up bes.'
Di ko pinansin ang tawag ni Brianna at dire diretso lang ako sa paglalakad. Tss bahala kayo sa buhay niyo.

Napaatras ako sa gulat dahil mabilis silang dalawang nakarating sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito.

'Ano ba?! Papatayin niyo ba ako sa gulat?!
Naiinis kong sighal sa kanilang dalawa.

'Sorry na bes. Eh kasi naman bakit ka ba kasi badtrip? Naninibago lang kasi kami ni Sam sayo. Di ba Sam?' Tanong niya pa dito at isa naman tumango tango dahil sa sinabi niya.

Huminga ako ng malalim at inirapan sila.

'Hindi ninyo din ba naalala ang date ngayon?'
Pagalit kong tanong sa kanilang dalawa. Nagtinginan silang dalawa sabay hagalpak ng tawa.

'Bakit ano namang meron sa date ngayon?'
Inosenteng tanong ni Sam. Grr.. Bwiset. Pati sila di din naalala? Tuwing monthsary namin binabati din nila ako ah. Bakit ngayon wla? Binigyan ko na sila ng clue pero di pa din nila makuha. Tss bahala nga kayo diyan. 

Tinalikuran ko na sila ng tuluyan dahil nagagalit na talaga ako. Gusto kong maiyak sa sama ng loob. Tapos ang gago di man lang pumasok kaya di ko siya nakita buong araw. Peste silang lahat.

Pagkarating ko sa gate ng school nagtaka ako dahil wala si Mang Ben sa tapat. Tsk. Pag minamalas ka nga naman.

Tatalikod na sana ako ng my humintong sasakyan sa harap ko. Nagulat pa ako dahil alam kong kay Cyrus ang red Lamborghini na nakahinto sa harap ko. Tss. Kapal ng mukhang magpakita ng gago. Mabilis akong tumalikod para sana bumalik na sa loob dun ko na lang hihintayin si Mang Ben.

'Babe.'
Napatingin ako sa kamay niyang humawak sa braso ko. Pinasadahan ko ang kabuuan niya. Sobrang gwapo niya sa suot niya kahit simple lang naman. Kumunot ang noo ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

'Anong ginagawa mo dito?'
Nkairap kong tanong sa kanya.

'Susunduin ka? Sabi ko kasi kay Mang Ben ako na ang susundo sa iyo.'
Binasa niya ng laway ang ibabang labi niya at napalunok ako. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko matagalan ang titig niya.

Nagpatianod na lang ako sa kanya. Do i have a choice? Tss..

Pinagbuksan niya na ako ng pinto ng kanyang kotse at umupo ako ng kumportable. Ikinabit ko na ang seatbelt ko at humarap na sa bintana sa labas. Pag upo niya sa driver seat isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago paandarin ang kotse.

Medyo malayo layo na din ang aming nabibyahe pero wala ni isa ang nagtangkang magsalita.

Lumingon ako sa kanya pagkatapos sa labas ulit ng bintana. Ibang daan ang aming tinatahak at hindi ito ang daan papunta sa aming bahay.

'Wait. Hindi ito ang daan papunta sa bahay.'
Nagpapanic kong sabi.

Tumingin siya akin pagkatapos itinuon ang tingin sa harap.
'May pupuntahan lang tayo saglit babe.'

'No! I wan't to go home now. Please i'm tired. I want to rest.'
Nilingon ko siya at nakita ko ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata. Nakonsiyensiya naman ako bigla.

'Fine! pero saglit lang tayo. Gusto ko ng umuwe.'
Lumiwanag ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.

'Sure babe.'
Nakangiti niyang sagot.

Tumigil ang kanyang sasakyan sa harap ng isang mamahaling restaurant. Hindi na ako naghintay na pagbuksan niya ng pinto dahil ako ng mismo ang nagbukas para sa sarili ko.

Hinawakan niya ako sa kamay kaya hinayaan ko na lang siya. Besides napapagod na ako. Pakiramdam ko napakahaba ng araw na ito.

'Good evening Ma'am,Sir.'
Bati ng dalawang lalaki sa pinto ng restaurant at pinagbuksan kami.

Napabitaw ako sa kamay ni Cyrus at inilagay ang dalawa kong palad sa bibig ko dahil sa pagkamangha. Oh God!

Una kong nakita ang malaking tarpaulin na nakasabit.
'Happy 7th Monthsary Babe. I love you so much.'

Basa ko sa nakasulat. Unti unting naglaglagan ang luha ko lalo na ng nagsimulang tumugtog ang piano. Wow! The place was just wow! Mukhang ipinaayos ito ni Cyrus para lang sa aming dalawa.

Hinila niya ako patungo sa kanyang dibdib para yakapin. Yinakap ko siya pabalik habang tuloy tuloy pa din sa pagluha. Masaya ako bakit ba?

'Happy Monthsary Babe. Mahal na mahal kita. Sorry dahil hinayaan kitang akalain mong di ko naalala. I just want to surprise you.'

Tumingala ako sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.

'I'm sorry din babe kasi ang cold ng treatment ko sa'yo. Akala ko kasi...'
Pinalis niya ang luha sa aking pisngi.

'Ssshh..babe my fault don't be sorry. I deserved it.' Hinalikan niya ako sa noo.

'Happy Monthsary too babe. I love you so much and thank you for this. You're the sweetest.'
Ngumiti ako sa kanya.

'Anything for you babe. Anything.'

Iginiya niya na ako sa lamesa. This is so romantic. Nakakataba ng puso. Mahal na mahal ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon.





Continue Reading

You'll Also Like

388K 16.5K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...