¶¶ÒõÉçÇø

CODEPLAY | #Wattys2021

By MoriarTin

48.9K 2.6K 186

The mysterious band that you will ever know! Detective club is banned in Northville High school and there's a... More

Foreword
I : School Club
II : The Mysterious Guy
III : Music Club
IV : Music Club's Secret
V : The Case of the Stolen Book
VI : The Case of the Stolen Book (Investigation)
VII : The Case of the Stolen Book (Cipher)
VIII : The Case of the Stolen Book (Decipher)
IX : The Case of the Stolen Book (Last Part)
X : Death Note
XI : The Mystery of the Living Knight
XII : The Mystery of the Living Knight (Hunting)
XIII : The Mystery of the Living Knight (Ketchup Sachet)
XIV : The Mystery of the Living Knight (Caught)
XV : Apollo Gee
XVI : Camping Trip
XVII : Camping Trip (Truth or Death)
XVIII : Camping Trip (Missing in Tandem)
XIX : Camping Trip (A Cadaver and A Missing Person)
XX : Camping Trip (Whistling Morse)
XXI : Camping Trip (Confrontation)
XXII : Camping Trip (Frame Up)
XXIII : Codeplay
XXIV : Unknownimous
XXV : Number Cards
XXVI : 1234
XXVII : Let The Hunting Games Begin
XXVIII : Prelude
XXIX : Atom and Luke
XXX : Instruments
XXXI : Trapped
XXXII : Battle of the Band
XXXIII : Valentine's Day Threat
XXXIV : The Secret Tale Of Snow White
XXXV : The Secret Tale of Snow White (Poisonous Apple)
XXXVI : Valentine's Day With Cerl
XXXVII : Valentine's Day With Cerl (Part 2)
XXXVIII : R and B (Sequel)
XXXIX : Birthday Surprise
XL : Birthday Party
XLI : Knowing Bros
XLII : Cheese in the Trap
XLIII : Cerulean is the Suspect
XLIV : Pseudonym
XLV : Who are You?
XLVI : The Secret of the Past
XLVII : Last Judgement
XLVIII : Friday the Thirteenth
XLIX : The Truth Unfold
L : The Downfall of Music Club
LI : First Hint
LII : Last Hint
LIII : What does the Clues say?
LV : The Truth Behind the Mask
LVI : The Final Battle
LVII : Case Closed
Epilogue
Greetings from the Author

LIV : Unknownimous Identity

534 32 0
By MoriarTin

─── A Z U R A  ───

Totoo ba 'to? I can't believe that this is happening to us. Bigla akong kinabahan. Nagkatinginan kaming lima. Parehong gulat at hindi makapaniwala sa sinabi ni Cerl. Isa sa amin ang criminal mastermind na matagal na naming hinahanap? I feel goosebumps. Hindi maaari. We are all innocent, walang makagagawa ng ganitong bagay sa amin.

"Totoo nga ang hinala ko noong una palang na isa sa atin ang perpetrator. And it is none other than you---" I cut him off bago pa niya i-reveal kung sino ang inaakala niyang criminal mastermind.

I butt in, "No! Nahihibang kana ba Cerl? Unknownimous is not one of us! Walang makakagawa sa atin ng mga masasamang gawain katulad ng ginagawa niya. Hindi naman tayo maglolokohan sa isa't isa. Malabo ang iniisip mong isa siya sa atin. We trust each other, kahit ngayon ko palang kayo nakasama alam kong you will never do such things" hindi na ako makapagtimpi. Hindi pwedeng tumahimik lang ako habang inaakusa niya ang isang member namin. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.

"Look Azura, sinasabi ko ang katotohanan. Listen to me first, believe me or not but Unknownimous is one of us. That's the truth! No one can hide it" Cerl defended. Gusto ko pa sanang magsalita laban sa kaniya pero pinigilan ako ni Cole.

"Listen to him first Azura" pinakinggan ko si Cole. Umupo ako at kumalma.

"Go on, Cerl" Viridian

"Among the six of us, iisa lang ang tumutugma sa mga clue na ibinigay ni Unknownimous. The color reddish brown and a city located in Italy, it's you.....








































"SIENNA!"

Nagimbal kaming lahat ng malaman ang totoong katauhan ni Unknownimous. Kung hindi kami makapaniwala so does Sienna. She blinked multiple times, sweat began forming in her forehead.

"A-ako?" hindi makapaniwalang sabi ni Sienna na nakaturo pa sa kaniyang sarili.

"Don't try to deny it, lahat ng mga clues ay nagtuturo sayo. You are Unknownimous!" Cerl accused to Sienna.

"What are you talking about? You all know that I can't do that kind of dirty stuff, right? I'm sure na gusto lang tayong pag awayin ni Unknownimous kaya ako ang itinuro niya. You believe in me, don't you?  Hindi ko magagawa ang mga ibinibintang niyo. Besides I don't have the authority to do so. Hindi naman ako susundin ng mga goons kung uutusan ko man sila. I am weak. I am no authoritative. Let's say na kung ako nga siya, nakita or nahuli niyo ba akong gumagawa ng mga kahina hinalang bagay? How about the incident during your camping trip? Wala ako ng mga oras na 'yun kaya paano ko magagawa ang pumatay? Kasama niyo ako lagi. Hindi ako humiwalay sa inyo. Nagkakamali kayo ng iniisip. Nililinlang at ginugulo lang tayo ng criminal mastermind na 'yun. Don't believe him or her! You will take my side, right?" pangugumbinsi sa amin ni Sienna. Lahat ng sinabi niya ay kapani paniwala. Tama lahat ng arguments niya. Wala akong maisip na mali sa mga 'yun. Bigla nalang siyang humagulgol. I can't help but to feel pity. Inalo ko siya.

"Tama si Sienna, hindi niya magagawa ang ganoong bagay. Cerl, mas matagal mo siyang nakasama kaya dapat mas kilala mo siya kaysa sa amin. Wala tayong ebidensyang makakapagpatunay na siya nga si Unknownimous kaya hindi natin siya pweding akusahan ng mga walang kwentang bagay" pagtatanggol ko kay Sienna. Naniniwala ako sa kaniya, masyado siyang pure para magawa lahat ng 'yun sa amin. Unknownimous has nothing to do with Sienna. Biktima lang din siya.

"Mabuti pa pumasok na tayo sa mga classes natin. Let's take a break, alam kong pare pareho lang tayong nabibigla at na-ca-carried away sa mga nangyayari. Kailangan nating mag unwind muna for an hour or two. Let's meet here after classes" maotoridad na sabi ni Viridian. Tumayo na siya at kinaladkad niya si Cole palayo.

"Tahan na Sienna, wala kang kasalanan. Hindi ikaw si Unknownimous. Naniniwala ako o kami sayo, hindi ka namin iiwanan sa ere" pag-comfort ko kay Sienna. Mabuti nalang at tumigil na siya sa pag iyak. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha.

"Roux, pakihatid siya sa classroom nila. Ikaw na ang bahala sa kaniya" utos ko kay Roux dahil alam kong malapit lang naman sila sa isa't isa.

"Makakaasa ka" nakangiting sabi ni Roux. Inalalayan niya si Sienna at binitbit niya ang karga nito para sa kaniya. Nauna na silang umalis.

Umalis narin si Cerl kaya hinabol ko siya. Diretso lang ang tingin niya. I-o-open ko palang sana ang mouth ko ng magsalita siya.

"Take a break, mamaya mo na ako sermonan" he said bluntly.

Nabasa niya kaya ang nasa isipan ko? Pinili ko nalang tumahimik habang tinatahak namin ang daan patungo sa senior high building. Hindi na ako nag abala pang magsalita dahil gusto ko rin naman siyang mabigyan ng peace of mind. Sakali mang mag iba ang nasa isip niya. Totoo kayang ginagawa lang ito ni Unknownimous para masira ang tiwala namin sa isa't isa? Para tuluyan kaming magdisband. Gaya nga ng sabi ni Viridian ay hindi ko na muna inisip ang tungkol doon.

Ilang oras din akong nakikinig sa nakakaboring na discussion ng mga teacher namin. Ito lang ang alam kong paraan para mawala sa isip ko ang tungkol sa nangyari kanina. Kailangan kong i-distract ang aking sarili at maging abala sa ibang bagay para mawala 'yun sa aking isipan. Pagkatapos ng klasi ay pinili ko munang pumunta sa locker room para ilagay ang mga libro ko doon.

Pagkabukas ko sa aking locker ay laking gulat ko na makita kong muli ang pamiluar na card na nakapatong sa math book ko. Kinuha ko ito at hindi ako nagkakamali. Isa na naman itong card mula kay Unknownimous. Ano na naman kayang gusto niya? Lumingon muna ako sa paligid baka may makakitang ibang tao. Mabuti nalang at iilan lang ang mga estudyanteng narito at malalayo pa sila sa puwesto ko. Ibinulsa ko ang card at ipinasok na sa loob ang mga libro ko. I-ni-lock ko ang locker ko at nilisan ko ang locker room.

I need to see what's inside the card. Sana sabihin sa akin ni Unknownimous na hindi siya si Sienna. That's totally absurd! Bakit ba naisip 'yun ni Cerl? Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang clubroom namin para doon ko nalang babasahin ang laman ng card. I need to hide it from others. Nasa tapat na ako ng pinto ng dati naming clubroom akmang pipihitin ko na sana ito ng makarinig ako ng mga nag uusap na mukhang galing sa loob.

"Gusto ko silang pagtawanan sa kabobohan nila kanina. Ngayon ako naman ang pinaghihinalaan nila matapos si Yohan. Paniwalang-paniwala silang ako si Unknownimous lalo na 'yang si Cerl. Akala mo kung sinong magaling, 'yon naman pala ang tanga!" Is that Sienna? Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga 'yun. Kilalang kilala ko ang boses niya. Pero sino ang kausap niya?

"Magaling ang ginagawa mo Sienna. Kailangang malihis ang hinala nila sayo para hindi nila malaman kung sino ako. Don't worry, malilinis din ang pangalan mo. This is just for a show. Wala akong balak na isama ka sa hukay. Ituloy mo lang ang ginagawa mo. Daanin mo sila sa paiyak at paawa effect. Siguradong mauuto mo sila lalo na't paniwalang paniwala sila sayo na nagsasabi ka ng totoo," narinig kong sagot ng kausap ni Sienna. Lalaki siya 'yun lang ang sigurado ako but his identity hindi ko alam.

"Just make sure na hindi ako masasangkot sayo pag nahuli ka," sabi ni Sienna. Sa tono niya ay parang sobrsng komportable siya sa kausap niya at parang matagal niya na itong kakilala.

"Of course, hindi ko naman hahayaang makulong ka."

Who is that? Binuksan ko ng bahagya ang pinto. Sakto lamang para makakita ako sa loob. Nakatalikod ang lalaking kausap niya kaya hindi ko makita ang mukha nito. Bakit ba kasi hindi siya humarap dito? Kailangan kong makita ang kaniyang mukha para makilala ko kung sino ang kasabwat ni Sienna. Bigla nalang akong sininok enough for them to hear me. Tumigil sila sa pag uusap nila. Napatingin si Sienna sa direksyon ko. Oh no! Nakita niya ako! Nagmadali akong tumakbo palayo roon. Hindi nila ako pwedeng makita kundi mapapahamak ako.

"May nakarinig ng usapan natin! Get her!" ang mga katagang huli kong narinig bago ako tumakbo palayo ng clubroom.

I need to hide. Muntikan na akong mahulog sa hagdan ng binilisan ko ang pagbaba. Lumabas ako ng building dahil wala akong makitang bukas na classroom na pwede kong pagtaguan. Pumunta ako sa school garden at doon nagtago. Mabuti nalang at may bushes dito.

Sisilip palang sana ako ng bigla kong makita ang mukha ni Cole.

"Waaaahh!" tili ko na tinawanan naman ni Cole.

"Ano bang nangyayari sayo? Why are you hiding?" Viridian asked before she sit.

"May humahabol sa akin. By the way, nakita niyo ba sila?" hinihingal na tanong ko as I stood up.

"Wala naman kaming nakitang ibang taong nagpunta rito" sagot ni Cole na huminto na sa kakatawa.

"Buti naman" nahimasmasang sabi ko. Uminom muna ako ng tubig.

"Don't you think there's something odd with Cerl? Hindi naman siya dating ganiyan" Viridian said suspiciously.

"What do you mean?" pakikiusyoso ko. Anong sinasabi ni Viridian? May nagbago ba kay Cerl?

"The way he acts is different from before. Simula ng mawala si Bros because of an accident nag iba na siya. Even his personality, ni minsan hindi niya kami pinagdudahan. He trust us pero ngayon pinagbibintangan niya si Sienna. Hindi rin naman siya makakalimutin pero ngayon madali niyang makalimutan ang mga bagay bagay lalo na pagdating sa pangalan. I don't know but I guess people really change."

🎼 C O D E P L A Y 🔎

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 37 8
She's beautiful, she's smart, she's athletic, she's rich, she's nice, she's also famous in school. Everybody say she's everything a boy can wish for...
30.8K 1.3K 56
(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Am...
3.6M 92.9K 31
Meet Erald Castell, an aspiring evil mastermind who ironically joins the legendary QED Club. Cover art by IAMCHIIRE
79.3K 1.3K 19
This is a story dedicated to the author, Kuya Cris Ibarra. A fan fiction of Project Loki. The picture I edited is not my property. Credits to the rea...