Chapter 38: Kakaibang Araw
Dedicated to Keena_Isabela
Rhia's Point of View
Parang naging isa rin akong rebulto na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko, dahil sa pinagsasabi ni Prince Andrexsel. Biglang tumawa si Prince Andrexsel na nagpabalik ng aking kamalayan.
"Ri-Rhia, alam ko na-naguguluhan ka rin, pati din naman ako naguguluhan, ka-kasi, ngayon ko lang naramdaman to." sabi ng Prinsipe na kinakabahan.
"Hindi ko to naramdaman kay Seuneda, lalo na kay Arviena, o kahit sinong babae, sayo lang Rhia." sabi niya na kinakabahan.
Nakakagulat nga ang mga sinabi nya at naguguluhan kami pareho.
Pero sa mga nagdaang araw napaparamdam naman niya sa akin ang mga sinasabi niya. Kaya tila nauunuwaan ko rin ang sinasabi niya ngayon. Napaparamdam namin yun sa isat-isa.
Hindi ko nga lang alam kung totoo iyon o niloloko lang niya ako. Sobrang gwapo niya kasi hehe at Prinsipe pa, samantalang ako ay pangit at ordinaryo lamang na galing sa mundo ng mga tao. Isa siyang Napakagwapong Prinsipe ng isang mahiwagang kaharian. Prinsipe na pinapangarap at kinababaliwan ng mga babae dito sa Kingdom of Ivatra.
Pero masaya ako pag kasama ko siya at sinasabi din niyang masaya siyang kasama ako. Para akong nananaginip, parang panaginip lang ito. Tama panaginip lang ito at mamaya gigising ako sa kama ko sa kwarto namin sa Haren ni Haresiya Fresca.
"Rhia." sabi ni Prince Andrexsel. Nawala uli ang pagkatulala ko.
Hindi ba panaginip ito o kalokohan?
Ngayon lang kasi may lalaking nagsabi sa akin na akoy Special sa kanya. At nagtatanong kung pwede akong ligawan hahaha.
Tumawa si Prince Andrexsel, aba pinagtawanan pa yata ako.
"Se-Seryoso ka ba?" finally nakapagsalita na din ako.
"Mukha bang hindi." sagot niya.
Nagtitigan kami."Nasa harapan tayo ng ama kong hari, magsisinungaling ba ko." sabi ni Prince Andrexsel.
"Liligawan kita." sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito.
"Pero sa ngayon ay dapat ko munang solusyunan ang problema kay Graceno hahaha." Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Hinawakan niya ang kamay ko."Babalik muna kita sa mga friends mo para kumain na kayo, makikipag-usap uli ako sa mga Maraseris tungkol kay Graceno."
"Ama, aalis na kami ni Rhia." sabi ni Prince Andrexsel at hinaplos ang rebulto ng kanyang amang hari.
"Paalam po Mahal na Hari." sabi ko at yumuko bilang pagbibigay pugay sa Hari ng Kingdom of Ivatra.
Nagteleport kami patungong room namin nina Derick at Yola. Nakita kong tulog si Yola, habang si Derick ay gising at nakaupo sa kama niya. Umiiyak si Derick na kinagulat ko at kinabahala. Napatayo agad siya ng makita ako. Agad niya akong niyakap.
Nagulat si Derick ng tanggalin ni Prince Andrexsel ang braso niya na nakayakap sa akin. "Anong ginagawa mo yabang?" tanong ni Derick na nagagalit at naguguluhan.
Ngumisi si Prince Andrexsel at niyakap ako. Nagkuyom ang kamao ni Derick.
"Bitiwan mo siya yabang!" sigaw ni Derick.
Biglang nagising si Yola at napaupo sa nadinig niyang sigaw ni Derick.
Kumalas si Prince Andrexsel sa pagyakap sa akin at ngumisi. "Akin si Rhia, Akin lang" sabi ni Prince Andrexsel na kinagulat namin.
Humarap si Prince Andrexsel sa akin, hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito. "Babalik ako." sabi niya.
"Derick!" sigaw ni Yola ng pinalapit ni Derick ang kamao kay Prince Andrexsel. Gulat na gulat na napalingon ako kay Derick.
"Hahaha, nagpapatawa ka ba." sabi ni Prince Andrexsel habang hawak ang kamao ni Derick. Inilayo niya ito sa kanya at humarap kay Derick.
Hinaplos niya ang buhok niya at ngumisi. "Ako ang Prinsipe ng Kingdom of Ivatra Derick, wala ka sa kalingkingan ko." sabi ni Prince Andrexsel.
"Ang yabang mo, umalis ka na dito at huwag na kaming guluhin ni Rhia." sabi ni Derick na nakakuyom ang kamao.
"Hahaha, mas gwapo ako sayo, mayaman, powerful, tapos wala ka pang muscles at abs, walang binatbat." sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.
Napatayo na si Yola dahil sa tensyon na nangyayari.
"Baliw ka na no, umalis ka na dito at gamutin mo yang kabaliwan mo sa palasyo nyo." sabi ni Derick at hinawakan ang kamay ko at hinatak ako palapit sa kanya.
Pero hinatak din ako ni Prince Andrexsel palapit sa kanya. Nagugulat ang friend kong si Yola sa nakikita niya.
"Talagang napakasama mo, umalis ka na sabi dito at huwag ng guluhin kami ni Rhia." sabi ni Derick na galit na galit.
"Bakit Boyfriend ka ba ni Rhia? Bakit ka ganyan magalit? hahaha. Hindi ka niya Boyfriend, Bestfriend ka lang niya." sabi ni Prince Andrexsel.
"Bakit ikaw Boyfriend ka ba ni Rhia?" tanong naman ni Derick.
"Oo Boyfriend niya ko, diba Rhia?" sabi ni Prince Andrexsel at tumingin sa akin. Gulat na gulat ako sa sinabi niya.
Hindi ako nakasagot at tanging pagtitig lang din sa kanya gaya ng pagtitig niya sa akin ang naisagot ko.
"Wow Rhia, pinag-aagawan ka ng dalawang naggwagwapuhang lalaki, haba ng hair." biglang sabi ni Yola na hinaplos pa ang buhok niya habang nakangiti. Natawa si Prince Andrexsel at si Derick naman ay napasimangot.
"Special kasi ang Girlfriend kong si Rhia kaya pinag-aagawan namin siya ng Bestfriend niyang si Derick, inaagaw niya Girlfriend ko, eh akin si Rhia." sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.
"Girlfriend? Ang kapal mo, hindi mo siya Girlfriend, huwag mo siyang lokohin at paglaruan." sabi ni Derick na galit na galit.
Tineleport ako ni Prince Andrexsel palabas ng Haren ni Haresiya Fresca na lalong ikinagalit ni Derick.
***
Nagteleport kami ni Prince Andrexsel sa kung saan namin pinanood ang mga bituin. Tumingin siya sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko.
"Umalis tayo dun kasi hindi ako makapagpaalam sayo ng maayos, nagagalit kasi yung Bestfriend mo" sabi ni Prince Andrexsel. Madiin ang pagsasabi niya ng Bestfriend hahaha.
Hindi ako sumagot at nanatili lang kaming nakatingin ng seryoso sa isat-isa. "May nais ka bang itanong sa akin? " tanong niya. Hindi pa rin ako sumagot at nakatingin pa rin kami sa isat-isa.
Nagulat siya ng makita niya ang pagpatak ng luha sa mata ko.
Kinuha niya ang panyong binigay niya sa aking bulsa at pinunasan ang luha ko. "Ano ka ba? sabi ko sayo ayokong nakikitang umiiyak ka." sabi niya habang pinupunasan ang luha sa mata ko.
Kinuha ko ang panyo sa kanya na pinagtaka niya. Ibinuklat ko ito at pinakita sa kanya ang name niyang nakasulat sa panyo. Napangiti siya at ako rin.
"Para lagi mo kong naaalala." sabi niya. Medyo kinabahan ako at nalungkot sa sinabi niya. "O bakit ka kinakabahan at malungkot, wag kang mag-alala at malungkot gusto ko lang lagi mo kong maiisip pag tinignan mo yung panyong bigay ko, lalo na kung umiiyak ka, iyakin ka kasi, paalala yan na huwag kang iiyak." sabi ni Prince Andrexsel.
Niyakap ko ang panyo."Iingatan ko tong panyo na to kasi bigay mo to sa akin at nakasulat yung name mo." sabi ko at ngumiti.
Hinaplos ni Prince Andrexsel ang pisngi ko. "Ang Sweet." sabi niya at ngumisi na naman..Namula ang pisngi ko pero nanatili akong nakangiti sa kanya.
Kinuha niya ang panyo at nilagay ito sa bulsa ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay at tumitig sa akin. "Rhia, kilala mo ko, mapang-asar ako pero hindi ako palabiro." sabi niya na seryosong nakatingin sa akin. "At hindi kita niloloko o pinaglalaruan tulad ng sinasabi ng Bestfriend mo."
Tinanggal niya ang hawak sa kamay ko at hinaplos ang buhok niya. "Sa totoo lang nagseselos ako sa kanya kasi magkababata kayo, magbestfriend at hinahangaan mo, po-posibleng gusto nyo ang isat-isa." nagugulat ako sa sinasabi niya. Nagseselos siya kay Derick?
"Nagseselos ka kay Derick? Wala kang dapat ikaselos, bestfriend ko lang siya at dating crush o hinahangaan lang." wala sa sarili kong nasabi. Napangiti siya ng todo.
"Ako ba may dapat ikaselos kay Seuneda at Arviena?" tanong ko na kinakabahan at malungkot. Ngumisi siya. "Nakangisi ka na naman." sabi ko na namumula ang pisngi.
"Ang cute mo kasi magselos." sabi ni Prince Andrexsel at kinurot ang pisngi ko.
"Hi-hindi ako nagseselos." napahawak ako sa mukha ko. Ano bang nasabi ko? Parang nahihiya tuloy ako. Bakit ko ba naitanong yun?
Hinawakan niya at hinalikan ang kamay ko. Tumitig siya sa akin.
"Wala kang dapat ikaselos, Sayo lang ako Rhia, sayo lang." sabi niya sa malambing na tinig.
Niyakap niya ko ng mahigpit at niyakap ko rin siya. Pagkalas namin sa aming yakap ay nagsalita si Prince Andrexsel. "May kailangan lang ayusin ang Boyfriend mo, babalik din ako." sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi. Gulat na gulat ako at namula ang aking mukha.
"Babalik ako." sabi niya na nakatitig sa akin.
Hinaplos ko ang buhok niya. "Ingat ka ha." sabi ko sa malambing na tinig.
"Para sayo." malambing niyang sagot.
Muling kaming nagyakap ng mahigpit.
***
Bumalik ako sa aming room. Nakita kong nakatingin si Yola sa salamin ng room at nagsusuklay. Si Derick ay nakahiga at nakapikit. Napansin ni Yola ang aking pagdating
"Hi Miss Rapunzel Shampoo Girl." sabi ni Yola na todo smile. Napangiti ako. Loko talaga tong si Yola.
Kinakabahan akong lumalakad patungo sa aking kama dahil naiisip ko kanina yung galit ni Derick kanina sa naging pagtatalo nila ni Prince Andrexsel. Nagulat ako ng makita ang cellphone ko sa kama ko. Agad ko itong kinuha at binuksan. Nanginig ako at kinabahan, tinignan ko ang gallery ng cp ko. Bumagsak ang luha sa mata ko at yumuko ako at umiyak.
Napatingin si Yola sa akin ng marinig ang pag-iyak ko. Lumapit siya sa akin.
"Ba-bakit Rhia?" tanong ni Yola na kinakabahan at nag-aalala.
"Sino? Sino nagbura ng Picture namin ni Prince Andrexsel sa cellphone ko?" sabi ko sa tinig na may galit habang lumuluha.
Nagulat si Yola at kinabahan. Napatingin ito kay Derick na patayo na sa kama niya. "Ako Rhia, ako ang nagbura." sabi ni Derick na seryosong nakatingin sa akin.
"Ba-Bakit? Bakit mo binura Derick?Mahalaga sa akin yun, di mo dapat binura iyon." sabi ko na sobrang naiinis sa ginawa ni Derick.
"Ba-Bakit mahalaga Rhia? dahil ba mahalaga siya sayo, dahil mahal mo na siya?" diretsahang tanong ni Derick.
"Oo Derick, Special sa akin si Andrexsel, diba yun ang gusto niyong sagutin ko." sabi ko na may bahid pa rin ng luha sa mata ko, ramdam ko ang inis na nasabi ko na ang tunay kong nadarama.
Tumawa si Derick. Nabakas naman kay Yola ang lungkot. "Alam ko naman yun Rhia, na special sayo yung mayabang na yun, ramdam ko naman yun. Pero alam mo ba na napakasakit sa akin na marinig yun." sabi ni Derick na nagkuyom ang kamao at tumulo ang luha sa mata. "Masakit para sa akin na marinig mula sa taong Mahal ko mula pagkabata na may ibang espesyal na lalaki sa puso niya." sabi ni Derick na kinagulat ko ng husto.
"Na mula pagkabata ako ang kasama mo Rhia, pero hindi mo man lang naramdaman yung pagmamahal na nadarama mo ngayon kay Prince Andrexsel na ngayon mo lang nakilala."
"Tama sya eh, mas gwapo siya, mayaman, may kapangyarihan, makisig, Prinsipe ng Kingdom of Ivatra, lamang na lamang siya sa akin, kaya hindi mo talaga naiwasan na umibig sa kanya."
"Pero hindi kayo nararapat sa isat-isa Rhia, magkaibang mundo kayo." sabi ni Derick at pinunasan ang luha sa mata niya.
Ako naman ay natulala at hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Derick. Si Yola ay hindi na din napigilang maiyak.
Tumalikod si Derick at kinuyom ang kamao, pinipigilan niyang ilabas ang ibat ibang emosyon na napifeel niya.
Habang ako ay nayuko, hawak ko pa rin ang cellphone ko. Ramdam ko ang kalungkutan.
Isang kakaibang araw ito para isang pangit at ordinaryong babae na tulad ko.
Isang Gwapong Prinsipe na nagsabing espesyal ako sa kanya at gustong akong ligawan.
Isang Gwapong childhood Bestfriend na umaming mula pagkabata namin ay mahal na niya ako.
writist_j ❤