Napaharap ako sa kanya sabay kunot noo. Yung kantang yun. Parang narinig ko na iyon pero hindi ko maalala. Pamilyar siya sakin pero-------nanlaki ang mata ko ng bumalik sakin yung panahong kinakanta ito ni Adrian.
Nasa gitna kame ng bonfire at titig na titig siya sakin habang naggigitara.
Napangiti ako nang ngitian niya ako aa gitna ng pagkanta. Kasama namin ang buong pamilya't kaibigan namin ngunit sa kanya lang nakatutok ang paningin ko. Para bang wala kameng kasama at kameng dalawa lang ang naroon.
Nagsimulang mawala ang mga ngiti sa labi ko nang dahan-dahang maglaho sa paningin ko si Adrian. Itinaas ko ang kamay ko para haplusin siya pero huli na dahil nawala na siya ng parang bula.
Nabalik lang ako sa reyalidad ng makarinig ng boses ng kung sino. Napatingin ako sa stage at si Jungkook na ang nakita ko.
Mabilis kong naibaba ang kamay ko at lihim na itinago iyon. Namamangha ko na lang tinignan si Jungkook dahil hindi ko inaasahan ang pinili niyang kanta.
(Lost Stars- You can play it in multimedia above or search niyo sa YT, JK's cover hihihi)
Oh oh yeah
Please don't see just a boy caught up in dreams and fantasies
Please see me reaching out for someone I can't see
Take my hand let's see where we wake up tomorrow
Best laid plans sometimes are just a one night stand
I'd be damned Cupid's demanding back his arrow
So let's get drunk on our tears and
Sa simula ng kanta ay ipinikit na agad niya ang mga mata niya. Masyado niyang dinadamdam yung song kaya lalong gumaganda iyon. Napaka breathy ng boses niya, yung tipong hihinga pa lang kilala mo na agad.
Nakatayo lang ako dito habang may hawak na wine. Hindi na naisipang bumalik sa pwesto namin kanina dahil mas gusto kong panoorin si Jungkook mula dito sa kinatatayuan ko. Ilang metro lang din naman ang layo ko sa kanya ngunit nasa pinaka gitna ako ng hall.
Hindi ko alam pero dapat nasasaktan ako ngayon dahil nga may memories kame nung song pero hindi. Hindi ako nasasaktan bagkus ay nasasayahan pa ako ng marinig uli iyon.
God, tell us the reason youth is wasted on the young
It's hunting season and the lambs are on the run
Searching for meaning
But are we all lost stars, trying to light up the dark?
Para akong tanga ditong nakangiti habang nanonood. Aakalain nila akong baliw kung hindi nila ako kilala pero ang lakas lang kase ng epekto sakin nung kanta, lalo pa at mag-isa na lang ako ngayon na nasasaktan.
Kung kanina ay masaya ang nararamdaman ko, habang nagpapatuloy ang kanta ay doon ko palang nararamdaman ang lungkot at sakit. Akala ko wala na sakin ito kahit kantahin pa man ng kung sino pero panandalian lang pala.
Who are we? Just a speck of dust within the galaxy?
Woe is me, if we're not careful turns into reality
Don't you dare let our best memories bring you sorrow
Yesterday I saw a lion kiss a deer
Turn the page maybe we'll find a brand new ending
Where we're dancing in our tears and.....
Ilang saglit pa ay hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa mata ko. Mabilis ko iyong pinunasan ngunit natawa lang ako ng sumunod-sunod na ang tulo no'n.
Agad kong kinagat ang labi ko, iniiwasang humikbi sa gitna ng katahimikan ng lahat. Ayokong madagdagan ang kahihiyan ko kaya naman itinungo ko na lang ang ulo ko.
Eto ang favorite song ni Adrian. Kapag may problema kameng dalawa, kakanta niya lang ako and then boom..... Bati na uli kame.
Ganoon din kapag malungkot ako o umiiyak. Kahit saan kame magpunta, sa mall man o sa birthday party, kinakanta niya 'to sakin kahit walang dahilan.
Tumunghay ako at mabilis pinunasan ang mukha ko. Doon ko lang napansin na nagmulat na pala ng mata si Jungkook.
God, tell us the reason youth is wasted on the young
It's hunting season and the lambs are on the run
Searching for meaning
But are we all lost stars, trying to light up the dark ohh....
Hindi ko expect na titingin siya sakin. Kaso hindi ko na nagawang magulat pa dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sabihan niyo na akong tanga at masasakit na salita pero hindi nun matutumbasan yung sakit na iniwan sakin ni Adrian.
Napabuntong hininga tuloy ako. Para bang gusto ko ng matapos agad itong party at matulog na lang. Nawalan ako ng gana, nawala ako sa mood.
Mabilis kong nilagok ang natitirang wine sa baso ko at inilapag iyon sa mesang malapit sakin. Pinunasan ko na rin ang mukha ko pero agad ding nabalik ang paningin kay Jungkook na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin pala sakin. Gusto ko mang humanga sapagkanta niya ng mataas ay hindi ko na nagawa dahil sa awang nakita ko sa mga mata niya.
Nandon na kase sa bridge part yung song. Yung tipong falsetto na ng boses niya ang ginagamit maabot lang yung tono.
Ako ay nahihirapan kantahin iyon pero siya ay mukha pa ring komportable kahit na puro awa ang nakikita ko sa mga mata niya.
Napangisi ako sa kinanta niyang lyrics. Kasabay non ang pagpunas ko sa mukha ko bago pasimpleng nag-ayos ng sarili.
I thought I saw you out there crying
I thought I heard you call my name
I thought I heard you out there crying oh
Just the same (just the same)
God, give us the reason youth is wasted on the young
It's hunting season and this lamb is on the run
Searching for meaning
But are we all lost stars, trying to light up the dark?
.
Nagpalakpakan ang lahat ng matapos si Jungkook. Yun na ang dahilan para tumalikod ako sa kanya at magpatuloy sa pag-iyak. Kung kanina ay tahimik lang ako, ngayon ay hindi ko na napigilang humikbi pa.
Napatungo ako sa mesamg malapit sakin at doon nagpatuloy sa pag-iyak. Nang marinig ko uli ang kanta ay para bang bumalik lahat sakin ang
ala-ala namin ni Adrian.
Yung panahon nililigawan niya ako, panahong sinagot ko siya. Panahong masaya kame sa isat-isa, ni wala kameng pinagtatalunan na maliliit na bagay. Nagkakaayos agad kame sa isang iglap.
Panahong suportado niya ako sa pagiging fan ng 2ne1, panahon na mahal na mahal namin ang isat-isa at panahon kung saan nagsimula nang magbago ang lahat. Yung miski maliit na bagay ay pinag-aawayan na namin, mga mababaw na dahilan ay nauuwi sa mahabang pag-aaway.
Ang bobo ko, ang bobo-bobo ko. Sobrang naaawa na ako sa sarili ko. Pero wala akong magawa, ni pagmove on ay hindi ko man lang magawa para sa sarili ko. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang umiyak tuwing maaalala ko siya, umiyak tuwing naaalala ang mga bagay na ginawa namin ng magkasama.
Nagmumukha na akong tanga dahil sa pamamaga ng mata ko kada umaga. Ang mga parents ko na hindi man lang ako magawang sigawan o pagalitan dahil naaawa na rin sila sakin.
Ang tanging makapal lang ang mukhang kaya akong sigawan ay si Sandy. Walang sawa niya akong pinapagalitan tuwing nakikita niya akong umiiyak na naman ng dahil sa lalaking yun pero pagkatapos naman ay walang sawa rin siyang magbigay ng advice dahil sa kawalan ng kakayahan.
Pansin kong tapos na ang palakpakan ng lahat. Pinalitan na rin ang kanta nang party music.
Nagmadali tuloy akong punasan ang mukha ko bago tumingin sa paligid pero bago pa man ako nag-angat ng tingin ay may tao na sa harapan ko.
Maingat at dahan-dahan kong inangat ang paningin ko, sinasabi sa isip na sana hindi isa sa kakilala ko. Pero ng tuluyan ko ng makita kung sino ito ay doon na ako natuod ng tuluyan sa kinatatayuan ko.
Napakurap ako ng wala sa oras kasabay noon ang pagtikhim ko.
"Uh... W-what are you doing here Jungkook-----I mean sir?" takang tanong ko.
Napalunok ako ng makitang seryoso lang siyang nakatingin sakin. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit...... Bakit nasa harapan ko siya ngayon?
Napansin kong lahat ng tao na nakapaligid samin nakatingin din. Teka? Huwag..... Huwag mo sabihing dito siya dumaretso pagkatapos niyang kumanta? Imposible!
"Why are you crying?" deretso ngunit nag-aalala niyang tanong. Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko tss. Snobber.
"N-nothing sir, I'll go ahead. " babaling na sana ako patalikod ng marinig ko uli siyang magsalita.
"I told you not to call me sir again. Why are you crying?" Kung kanina ay mahinahon ang pagkakatanong niya, ngayon naman ay may awtoridad na. Batay sa pagkakasabi niya ay kailangan ko iyong sagutin bilang sir ko.
"Uhm..... I-I'm just......well.... uh.... something came up on my mind. Don't worry, I'm fine. " tuluyan na akong umalis doon atsaka mabilis tumakbo palabas ng hall.
Tumigil lang ako sa pagtakbo ng tuluyan akong nakalabas sa roon. Naghahabol ng hininga kong itinuon ang dalawang kamay sa aking mga tuhod. Kasabay noon ay ang pagsabunot ko sa aking buhok.
Bwisit! Bat ganun?!? Yung tipong gusto na kitang kalimutan pero bakit parang ayaw mismo nang panahon, nang oras??? Putek naman oh!! Hindi 'to pwede! Hindi pwedeng ako lang ang nasasaktan habang siya ay masaya na sa iba, pucha talaga!
Napasipa na lang ako sa hangin. Iritable ko na namang sinabunutan ang sarili ko mawala lang ang inis sa loob ko. Hanggang sa kulangin ako ng hangin. Malalim ang paghinga king sumandal sa pader bago naghanap ng balkonahe.
Kailangan ko ng sariwang hangin. Yung hininga ko, kinukulangan ako.
Hindi na ako nagdalawang isip na maghanap ng balkonahe kahit pa nanlalabo ang paningin ko Dali-dali akong tumakbo at naghanap ng pasilyo kung saan may balcony.
Pero sadyang pinaglalaruan ako ng panahon dahil kanina pa ako paikot- ikot pero wala akong makita! ANAK NG PUCHA NAMAN TALAGA OH! BWISIT!
Ngayon ay nasipa ko na ang pader. Tumigil na rin ako sa pagtakbo at hinayaan na lang maupo sa sahig. Kahit hirap na hirap na akong makahinga ay nanlalabo pa rin talaga nag paningin ko. Ang panget ko na! Ang dugyot ko na!
Kailangan ko si Sandy! Nasan ka ba Sandy?! Nilabas ko agad ang phone ko at mabilis dinial ang number niya.
Ngunit patuloy lang sa pagring ang cellphone niya. Lalo na akong nainis. Bwisit ka Sandy! Wala kang kwenta!
Sa inis ay huminga na muna ako ng malalim, nagbabakasakaling mabawasan ang pagsikip ng dibdib ko.
Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa maramdaman ko ang paggaan ng paghinga ko. Tuloy ay nanlambot ako at napatungo na lang sa mga tuhod ko.
Nakakapagod. Yung tipong dobleng sakit ang nararamdaman ko maaalala ko siya. Sakit sa pagiging sawi sa pag-ibig at ang sakit sa pagsikip ng dibdib ko. Sinabayan pa ng pagod dahil sa kanina ko pang pagtakbo. Naisip kong sa ganitong sitwasyon, sarili mo lang talaga ang dadamay at tutulong sayo.
Nararamdaman ko na ang antok at pagbigat ng talukap ko pero gusto ko pang makasagap ng sariwang hangin. Wala bang tutulong dyan? Gusto ko ng matulog pero mas gusto kong bumalik sa normal ang pahinga ko.
Ilang minuto kong nilabanan ang antok, ipipikit ko na sana ang mga mata ng biglang makarinig ako ng pamilyar na boses.
"Shane? Shane?!? What are you doing here?!?" natataranta ngunit nag-aalala niyang tanong.
Tiningala ko siya pero hindi ko na siya maaninag dahil sa pagbigat ng talukap ko at pamumuo ng luha ko. Kahit tuloy hirap na hirap magsalita ay pinilit kong magsalita bago pa man mahuli ang lahat.
"I-I want air, p-please. T-take me somewhere...... with air. " nanlalambot kong pakiusap. Totoong hindi ko siya maaninag ngunit maayos ko naman siyang naririnig.
"Ok fine, just.....just don't close your eyes. Please Shane, don't ever close your eyes. " mabilis niyang sambit. Tango na lang ang naisagot ko sa kalambutan.
Don't close your eyes? Parang narinig ko na 'yon. Pareho sila ng sinabi noong lalaking tumulong sa akin noong nasa arcade room ako. Pakiramdam ko ito din yung tumulong sakin noon. Hindi ako pwedng magkamali. Parehong-pareho sila ng sinabi, parehong-pareho rin sila ng boses.
Naramdaman ko na lang ang biglaang palutang ko sa ere. Kasabay non ang pagbuhat niya at pagbitbit sa akin in a bridal way.
Nahihiya man ay itinago ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya habang dahan-dahan ngunit mabilis siyang tumatakbo.
Napahawak ako sa dibdib ko, hindi pa rin nawawala ang paninikip nito. Alam niyo yung feeling na parang tinutusok yung puso niyo kapag humihinga? Ganun, ganun ang nararamdaman ko ngayon. Para bang isang tusok pa ay tuluyan ng mabubutas ang puso ko. Hindi ako OA, sadyang totoo lang ang sinasabi ko.
Hinampas hampas ko ang dibdib ko, nagbabakasakaling mawala yung sakit ngunit hindi nangyari. Lalo pa non pinabilis ang tibok ng puso ko para kabahan ako ng ganito.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lang ang malamig at sariwang hangin na dumadaplis sa balat ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paninigas ng luha sa mukha ko. Hangin, gusto ko ng hangin.
Ibinaba niya ako sa isang upuan na may sandalan pero agad din siyang tumakbo sa isang pasilyo. Lilingunin ko sana ngunit huli na dahil nakalayo na siya sakin. Napanguso ako. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.
Umayos na lang ako ng upo bago pinunasan ang mukha ko. Inayos ko na rin ang buhok at suot ko para kung sakaling may dadaan ay maayos nila akong makikita. Nang maayos ang sarili ay doon lang ako humugot ng napakalalim na hininga. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa gumaan ang paghinga ko.
Mukhang napangitan yung tumulong sakin kaya umalis agad tsk. Sino ba naman ang magagandahan, eh mukhang maga na ata ang mata ko kakaiyak.
Kahit maayos na ang paghinga ko ay hindi pa rin nawala yung tumutusok doon. Nauhaw tuloy ako bigla, kailangan ko ng tubig. Napalingon-lingon ako sa paligid pero miski isa ay wala ako makitang vending machine. Umupo na lang uli ako at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.
Aminado ako, masama pa rin ang loob ko kay Adrian pero dahil sa pag-iyak ko kanina ay medyo nabawasan.
Ilang minuto akong nag-stay doon hanggang sa maramdaman ko na naman ang pagbigat ng mga talukap ko. Kailangan malaman ni Sandy kung nasan ako. Para kahit makatulog ako dito ay madadala niya ako sa kwarto namin.
Katulad kanina ay dinial ko uli ang number niya. Hindi pa man nakakaapat na ring ay sa wakas sinagot na niya ang tawag.
(OH FUCK!! NASAN KA BANG
BABAE KA?! KANINA PA KITA HINAHANAP! PINA-PAGING PA KITA SA BANDA PARA LANG MAHANAP KA PERO PUTEK WALA KA!)
Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga. Hindi ko inaasahan ang bungad niya. Akala ko nag-eenjoy siya sa party, yun pala kanina niya pa ako hinahanap. Napangiti tuloy ako ng maliit dahil sa kanya. Iniisip na may nag-aalala pa pala sakin.
"Ayos lang ako Sandy pero kase inaantok na ako. Pwede mo ba ako sunduin dito?" malumanay kong paliwanag. Alam kong mag-aaway lang kame kung parehas mainit ang ulo namin kaya ako na ang nagbaba ng pride.
(Teka nasan ka ba? Wala ka dito sa hall eh. Atsaka umiyak ka na naman ba? Bakit parang ngongo ka?)
Napasinghot ako.
"Hindi ko nga alam eh, pero ano.. malapit ako dito sa spa room. Nandito lang ako sa may balcony, nagpapalamig. Hanapin mo na lang ah. Bilisan mo Sandy, inaantok na talaga ako, bye."
Bago pa niya ako bungangaan uli ay binaba ko na ang tawag. Ang totoo kase niyan bigla na lang akong nakakatulog. Yung tipong hindi ako nagigising kahit pa anong gawin nilang gising sakin. Kaya kapag nakatulog na ako, maghihintay muna sila ng ilang oras para gisingin o magising ako. Katulad kanina, alam kong gigisingin at gigisingin ako ni Sandy para sa party, may deal man o wala. Kaya naman inihanda ko na ang sarili ko, natulog na agad ako para kapag ginising ako ni Sandy ay magigising ako. Ganun nga ang nangyari kanina, after 3 hours ay ginising niya ako ng walang kahirap-hirap.
"Ow Shane, how are you feeling?" napaigtad ako sa boses ng kung sino. Hindi ko inaasahan na may susulpot sa likod ko. Tumayo ako tsaka mabilis nilingon kung sino yung nagsalita pero laking gulat ko ng makita si Jungkook na may dalang bottled water sa parehong kamay.
"I-I'm fine but.... h-how did you know that I'm------Wait?" namilog ang mga mata ko sa naisip.
"Are you the one.........who helped me???" gulat ngunit hindi sigurado kong tanong.
Si Sandy nga ay hindi alam kung nasan ako, miski ako ay hindi ko din alam. Paanong nalaman ni Jungkook? Tinitigan ko siya ng maige ngunit hindi siya makatitig sa mata ko. Tinry niyang iiwas sakin ang tingin hanggang sa wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lang sa huli.
"Fine, yeah. I'm the one who helped you. Here drink this." ibinigay niya sakin ang isang bote ng tubig kasabay non ang pagbunot niya sa bulsa. Nangunot ang noo ko sa maliit na boteng naroon. Wait? So siya nga!? Edi siya rin yung tumulong sa akin doon sa arcade room?!!?
"I ask it at the clinic, a herbal medicine." aniya. Wala akong nagawa kundi inumin iyon pareho.
"Uhmm...seat down, seat down." presinta ko pagkatapos uminom. Sumunod naman siya agad, pagkaupo ay mabilis siyang tumingin sa langit bago ininom ang isa pang dalang tubig.
"Uhmm.. thank you for helping me J-Jungkook, I owe you my life." nahihiya kong sabi. Doon palang siya napatingin sakin, kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya.
"It's nothing but seriously, what happened to you? I saw you crying at the hall so I approach you after I sang and then you runaway from me. I decided to follow you cause I thought you have a problem with me. What is it then?" nagtataka niyang tanong. Napailing ako sabay ngisi. Yun pala ang nasa isip niya? Ang layo sa problema ko ah.
"Sorry if you misinterpret it but I don't have a problem with you. Its just that------the song, yeah right, the song. Its so meaningful to me so I cried. That's all." pagkasabi nun ay nag-iwas agad ako ng tingin at ibinaling na lang iyon sa city lights. Woah, ang ganda.
Napahikab na rin ako pagkatapos noon. Ramdam ko na talaga ang antok. Nasan na ba si Sandy? Ang tagal niya buset. Baka makatulugan ko pa itong si Jungkook.
"Are you sleepy? I'll take you to your room if you want." biglang singit niya. Nagtaka ako sa kabaitan niya pero bawal 'yon, bawal yun saming interns. Dapat alam muna ni Miss Miyun or Miss Lim bago pa nila kame ihatid or sunduin sa kwarto namin.
Mabilis akong napailing at napatingin sa kanya. Nginitian ko muna siya ng bahagya bago nagsalita.
"I'm fine. Sandy will come here soon. I think you better take a rest now Jungkook, I know you're kinda tired." Tumingin na muna siya sakin bago tumingin sa langit.
Hindi ko alam kung sa'n ko nakuha itong magandang pakiramdaman na 'to, sa sobrang ganda ay parang hindi naging miserable ang buhay ko kanina. Hindi ko alam kung dahil sa view na nakikita ko ngayon o sa kasama ko. Napakagaan ng pakiramdam ko, yung tipong ayaw mo ng matapos ang oras.
"Look at the sky, only in the darkness you can see stars right?" he stop talking.
"The same goes for you..." my eyebrows furrowed. What the hell is he saying?
"Cause only in your eyes, I can see sadness and pain." Napalingon ako sa huling sinabi niya pero laking gulat ko ng makitang nakatingin na rin pala siya sakin.
Bigla ay nakaramdam na naman ako ng lungkot. Akala ko matatago ko yung sakit, hindi pala.
"You know what Shane? Everything is for reason. If you're sad now maybe tomorrow your fine. I know you can overcome your problem like everyone does. But for now, don't hesitate to ask for help. All the people surrounds you cared for you so ask for help okay? I know you can do it. I trust you." doon ko na nakita ang magandang ngiti niya. Yung tipong labas lahat ng ngipin kasabay ng pagkawala ng mga mata niya. Natouched ako bigla.
"Thank you Jungkook. I owe you." I smiled too, a sincere one. Uminom na lang uli siya sa tubig niya bago tumingin sa langit, nahihiya.
Naging awkward para sakin ang moment namin ngayon. Narealize kong dapat ako ang tumutulong sa kanya at hindi siya, kase yun yung trabaho ko bilang intern. Ngayon lang din ako hindi kinakabahan nang makausap siya. Ewan, bigla na lang kaseng gumaan ang pakiramdam ko. Baka dahil siguro doon sa binigay niyang gamot.
Itong nakausap ko ngayon? Ibang-iba sa Jungkook na nakikita ko sa stage. Hindi ito yung sikat sa paningin ng iba, bagkus ito yung taong handang tumulong sa nangangailangan. Naisip ko tuloy, normal pa rin pala ang buhay nila sa likod ng camera kaso sana huwag na lang sirain ng iba yung private life nila.
Nawala ang ngiti ko ng may maalalang itatanong sa kanya.
"By the way, are you the one who helped me in Bighit's company? The moment I almost lose consciousness. " Nagtatakang tanong ko. Puno ng kasiguraduhan ang utak ko pero may nagsasabi sakin na hindi siya 'yon.
He looked at me, nervous. Inabangan ko lang naman siyang magsalita.
"Well..... ye------"
"SHANE! OMG NANDITO KA LANG PALA!" Naputol ang sasabihin niya ng may sumigaw sa di kalayuan. Tumayo ako at napalingon sa likod namin, si Sandy pala. Nagmamadaling makalapit sakin.
"Ang tagal mo kanina pa ako inaantok." Ngayon ko na lang uli naramdaman ang antok kaya naman mabilis kong tinakpan ang bibig ko para humikab. Napansin ko pang tumayo si Jungkook. Nagbow na muna siya pagkakita kila Sandy, kasama yung magpinsan. Hingal na hingal na tumigil sa pagtakbo ang babaita at gulat na gulat na nakatingin kay Jungkook.
"You're.....you're here too? BTS has been looking for you everywhere." Hingal man ay nagtataka pa rin niyang sabi.
"He helped me Sandy. By the way, thank you again Jungkook." I smiled before bowing. Utang ko sa kanya ang buhay ko ngayon.
"Its alright." he laugh a little.
"I think I gotta go. Takecare guys and thank you also." Nagbow na kame ng apat sa kanya bago siya tuluyang umalis. Napansin ko pang may binunot siyang phone mula sa bulsa bago iyon sinagot, mukhang hinahanap na talaga siya.
"So? Mahaba-habang paliwanagan ito Shane." Chismosa sambit ni Sandy kasabay ng malokong ngiti niya. Napailing na lang ako't napabuntong hininga. Sabi na nga ba.