Mata sa mata
Nine-year Case: Finally Closed!
Iloilo City– Matapos ang siyam na taon, napatunayan ngang ang ex-Mayor ng Tobias Fornier, Antique nagngangalang Fajardo Salvani ay hindi pumatay sa kanyang ex-Vice Mayor Simeon Ignacio Vernan. Ito ay matapos ungkatin ng anak ni Fajardo Salvani ang kaso siyam na taong nakalilipas. Naaresto ang totoong kriminal na si Dr. Domingo de Castro sa airport kahapon alas-onse ng umaga. Si Dr. Domingo de Castro ay isang neurologist na nakabase sa Dubai at pinsan ng asawa ng kasulukuyang Mayor ng Tobias Fornier na si Lysandro Dilaurentis.
Umagang-umaga, iyon ang bumungad sa mga tabloids at pinagtsitsismisan na ng mga kasambahay.
"Sa wakas nalinis na ang pangalan ni Sir Fajardo, Ma'am!" Magiliw na saad ni Aling Tasya, ang pinakamatandang kasambahay namin at kasama ko dito sa bahay.
Dahan-dahan kong ininom ang aking tasa ng tsokolate at dumiretso na sa sala. Pinindot ko ang remote upang makapanood ng umagang balita.
Bumungad agad ang mukha ni Lysandro Dilaurentis sa screen. Napahalukipkip ako at napakagat ng labi. Naaliw ako nang makita siya roong problemado at parang pinagpipiyestahan ng mga bubuyog.
Napansin kong dumami yata ang linya at mga kunot sa mukha ni Lysandro ah. His eyes reflected distrust and alarm.
"Mayor, nakakulong po si Domingo de Castro at napag-alamang siya po ang totoong pumatay kay Simeon Vernan. Hindi ba't naging magkaibigan po kayo ng mga Vernan at Salvani noon?"
"Oo. Malalapit ko silang kaibigan," sagot ng walang hiyang Dilaurentis!
"Pinsan po ng asawa niyo ang kriminal. May kinalaman po ba kayo?"
"Wala. Walang alam ang pamilya ko tungkol dito."
"Talaga po?"
"Pasensya na kayo at abala ako sa aking trabaho." Pag-iiwas ni Lysandro Dilaurentis at tumalikod sa kamera.
Hay! Karma nga naman. Minsan mabilis dumating, minsan naman ay natatagalan. Ngunit, siguradong darating.
"Oh my gosh, Fajline! Have you seen the news?" Bumungad at medyo excited na ibinalita sa akin ni Kryzzel.
"Of course, Attorney Castro," sabi ko. Paano malalaman ng press iyon kung hindi ako ang nagsabi, hindi ba?
How ironic was Kryzzel's last name!
"So, totoo nga. Malinis na ang pangalan ng pamilya mo," sabi niya.
"Malinis naman talaga ang pangalan namin simula't sapul," sabi ko at suminghap.
"It was a huge fuss, now, Fajline. Isipin mo? Nine years have passed but the people are still interested with it," Kryzzel said.
"Basta pag-dating sa politika, mabenta, Kryzzel." Politics have been a timeless thing. Saan ka man magpunta, may politika. Itanggi mo man o hindi, kahit estudyante nga marunong mamulitika.
Bukod sa politika, naging mabenta ang balitang ito dahil kaugnay ito sa mga Vernan.
After all, they are the elite, prominent and powerful family not just in Iloilo but the whole country.
Marami pang ikinukwento si Kryzzel ngunit agad ko na siyang pinatigil. Wala akong oras sa kadaldalan niya ngayon.
"I have to see Attorney Vernan. Excuses," I said and left her.
Now that I realized his last name was Castro, my blood just boiled. Malapit ito sa apelyido na Domingo. Isa pa, masyado rin siyang madaldal at maingay.
Huminga ako ng malalim bago pumunta sa opisina ni Phil.
"May kliyente ba siya?" Tanong ko sa kanyang sekretarya.
"Wala naman po, Attorney," sagot naman nito.
Good. Agad akong pumasok doon. Naroon siya, nakaupo sa kanyang swivel chair. Ang mga mata'y seryoso. Ang noo ay nakakunot. At, ang atensyon ay buong-buo sa pinapanood niya sa kanyang laptop.
Napahalukipkip ako at napataas ng kilay. "Checking the news?"
Inangat niya ang tingin sa akin. "Kagagawan mo ito, hindi ba?"
"Nangako ako kay Domingo na sasabihin ko sa pamilya niyang nakakulong siya ngayon," sagot ko.
"I don't think it's necessary to do this, Fajline."
Hindi ko mailarawan ang mga titig sa akin ni Raphael. Hindi ito tulad ng mga seryoso niyang mga tingin.
He looked at me perilously. There's raw agitation in his eyes. It was something deadly. Something... ruthless.
"Ngunit, nasa akin na kung paano ko gagawin," giit ko.
"Sana direkta mo na lang sinabi sa mga Dilaurentis, Fajline!" He rose, his voice a bit agitated.
My heart sank. Mukhang pinapalabas niyang binigo ko siya. Na parang hindi karapat-dapat ang ginawa ko sa mga Dilaurentis. Na tila ako pa ang may kasalanan.
I never felt this way. I never let anyone's opinion of me affect me. Dahil kapag nagpaapekto ka, para na ring hinahayaan mo silang husgahan ka. At, ang panghuhusga nila ang magiging basehan mo sa mga desisyon mo. Ano ang pagkakaiba 'nun sa pagpapadikta sa iba? Call me stubborn or whatever, I don't damn care! I have my own principle and standards I stick to.
Ngunit, ngayon, ibang-iba ang nararamdaman ko. May kaunting kirot sa puso ko.
Masakit sa pride.
Hindi dahil pinaramdam ni Raphael sa akin na mali ako. Ngunit, dahil pakiramdam ko hinayaan kong maimpluwensyahan ako ng mga opinyon ni Raphael.
Now I felt disappointed for disappointing Phil!
Ngunit, hindi ko iyon ipapakita!
"Sa pagkuha ng hustisya, batas ang pinapairal. Ngunit, sa paghihiganti, iba ang patakaran, Mata sa mata, Phil!" Pinagtatanggol ko lamang ang sarili ko.
"Still! What you did was low!" He said, forcefully.
"So ano? Bumaba ang tingin mo ngayon sa akin?" My brows palpitated. Hindi ko na mapigilan ang galit ko. Kahit sa sarili ko ay naiinis na rin ako.
Natahimik siya at kumuyom lamang ang panga niya. Matagal kami nagkakatitigan. Walang nagsasalita. Nagtatagisan kung sino sa amin ang unang bibigay.
"Hindi sapat ang pagkakakulong ni Domingo de Castro na iyon kumpara sa ginawa nila sa Daddy ko! Hindi ba dapat pati ang mga taong pinagtakpan siya ay dapat magbayad? Sinira nila lahat si Daddy, Phil!"
Hindi siya umimik. At, nakakainis siya dahil nanatili pa rin siyang kalmado habang ako hindi na mapigilan ang pagkawasak dahil sa poot at bugso ng damdamin.
"Pinatay nila ang ama mo, Phil! Pinatay nila! Dapat ganito rin ang nararamdaman mo! Wala ka bang poot d'yan sa puso mo?! Ha?"
This is frustrating! Ayokong ipahiya pa lalo ang sarili ko sa kanya. Pinunasan ko ang luha kong walang tigil sa pagpatak. Huminga ako ng malalim at naglakad palabas.
Magang-maga man ang mata ko, kailangan ko pa ring umastang hindi nawasak.
Buong-buo pa rin ako. Pangungumbinsi ko pa rin sa sarili.
🥀