Chapter 19
"They published an article?" Gulat na tanong ko habang tinitingnan si Serah.
Tumango s'ya at tiningnan ang school newspaper. Ine-expect ng lahat na titigil na ang pag-issue ng article tungkol sa heartbreakers dahil sa naging issue kay Abe Frontera. Now that they have published a new article, hindi ko na mapaniwalaan.
And I am distressed about it! Uriah Kylo Penalver of STEM is the newest heartbreaker!
Uriah Penalver! Inaasahan ko na na mapapabilang s'ya sa listahan ng gossip column na 'to pero akala ko ay titigil na sa pag-publish ang school paper! Really? I bit my lip as I read the article. Seriously! Naiinis ako! He's already famous and now he's getting more famous!
Napasimangot ako nang makitang trending ang pangalan n'ya maging sa social media. Uriah Kylo Penalver. Lead guitarist of the band Petrichor. Handsome, cold, and sexy. I frowned at the captions and descriptions at naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko roon. Kinakalat na rin nila ang pictures ni Uriah sa mga gig na napuntahan n'ya pati na ang ilang videos.
Libo na ang likes at libo na rin ang views. Really! Their band went viral because of the school newspaper. Napanguso ako habang tinitingnan isa-isa ang mga kumalat na mga pictures ni Uriah. Inuungkat na rin ang pangalan ng mga kasama sa banda at kumakalat na rin ang pictures nila.
Kanina, nang dumating ang kaklase kong naunang nagkaro'n ng kopya ng newspaper, nagtilian sa kilig ang mga kaklase kong babae. Pinagkaguluhan 'yon lalo na ang picture ni Uriah sa newspaper na nakangisi habang tumutugtog ng gitara. He looked really attractive and handsome in it!
It's the first time that I wished Uriah wasn't as handsome as this! Kahit ang mga candid photos, guwapo pa rin s'ya. Umuulan ng comments. Girls are admiring him and tagging their friends on the comment section.
Mine!
Ang guwapo?! Bakit sobrang daming guwapo sa TU?
It's time to transfer. Dumarami na ang inilalabas ng TU.
This is the reason why I didn't transfer! I get to see the heartbreakers everyday!
Lyndon even tagged me in his comments.
Lyndon Cabrera:
Areli 'di ba crush mo 'to?
I gritted my teeth as I reacted angrily on it. Ang bida-bidang 'to!
Areli Lopez:
Lyndon boyfriend ko 'yan, stupida.
May nag-compile din ng mga pictures ng mga naunang heartbreakers kasama si Uriah at parang boy group na namimili ng mga gusto nila ang mga babae. Mayroon ding mga nagbibigay ng mga teorya nila kung sino pa ang susunod na mapapabilang sa listahan.
Samuel De Dios.
Alfie Delgado.
Spencer Santillan.
Chester Manlapaz.
Jeanne Vazquez.
'Yan ang ilan sa mga pangalang pinamimilian nila kung sino ang susunod na heartbreaker.
Napanguso ako at tiningnan ang profile ng mga babaeng pumipili kay Uriah. They are a lot and they are freaking beautiful! Napabuntong-hininga ako nang may nakita pang vlogger doon na may gusto rin kay Uriah.
Uminit ang mga pisngi ko sa inis at nanood din ng mga videos na ipinakakalat. Lyndon kept on texting me about it. Mas naging sikat si Uriah maging sa Clermont University. Girls are going crazy, Lyndon said. May mga nagbabalak nang bumisita ng Torrero University para kay Uriah.
"Akala ko, dahil napunta na kina Abe ang atensyon nila, they won't come after Uriah anymore," buntong-hininga ko kay Serah na ngayon ay nakatanaw naman sa bintana ng room, parang malalim ang iniisip.
Naka-upo ako sa tabi n'ya. Walang teacher kaya maingay ang klase at may kan'ya-kan'yang ginagawa.
"Alam n'ya na ba?" I asked her and Serah looked at me with her innocent round eyes, confused with what I'm talking about.
"Nino?" She asked.
"Ni Uriah?" I asked and looked at Serah worriedly. "Are you alright?"
Kanina pa mukhang malalim ang iniisip n'ya. Kaninang umaga, she looked bland and upset about something. I couldn't ask her because I assumed that she will tell it to me herself if she wants to. Pero ngayon, parang bothered talaga s'ya sa iniisip.
Napatitig sa akin si Serah. She bit her lip and sighed afterward. With that, I knew that something is really bothering her. Tungkol naman saan? Is it about Samuel? Ever since she admitted that she liked him, naging ganito na s'ya.
"What do you think of Samuel?" Tanong n'ya na lalo kong ikinalito.
Napatitig ako kay Serah, sinusubukang hanapin sa mga mata n'ya ang sagot sa lahat ng tanong sa isipan ko but she looks like she really wants to hear my answer.
"He's alright," I answered, confused. "Mabait at friendly."
Tumango si Serah at napayuko sa desk ng upuan n'ya, umuubob. Huminga ulit s'ya nang malalim. Pang-ilan n'ya na 'yon simula pa kaninang umaga. Hinayaan ko ang pananahimik ni Serah at hinintay na lang na magsalita ulit s'ya.
"I think, wala na akong pag-asa, Areli," she said in a muffled voice after a while.
Napakunot ang noo ko. Is it really about Samuel? S'ya ba ang tinutukoy n'ya? Hindi pa naman sila nagsisimula. Why is she disheartened already?
"What are you talking about, Serah? You're not yet trying," I told her, caressing her back.
Umiling si Serah at bumuntong-hininga bago humarap sa akin, nakahiga pa rin ang ulo sa mga brasong nakapatong sa mesa at malungkot akong tinatanaw.
"I don't need to try to know," she mumbled.
Kumunot ang noo ko at nag-aalalang tiningnan si Serah.
"Why? Did something happen?" I asked.
Umiling si Serah at napabuntong-hininga. She stared at me. Natahimik ulit kaming dalawa. Ngayong natititigan ko si Serah, mas nakikita ko ang pagkakahawig nila ni Uriah. They both have fair skin. Ang buhok nila, parehas na maalon at may natural na brown na kulay. Their eyes are both brown in color. Parehas na matangos ang ilong. Ang mga mata ang pinagka-iba nilang dalawa. Serah's eyes are round, calm, and innocent while Uriah's eyes are cold and intense.
"You like my brother, right?" Serah asked.
Bakit naman naipasok si Uriah sa usapan?
Tumango ako. "Why?"
Umiling si Serah at ngumiti. "I like you for him. Kay Kuya," she mumbled.
Agad akong napangiti dahil sa sinabi ni Serah at napatawa, umiinit ang mga pisngi.
"Gustong-gusto mo akong maging ate, ha?" I kidded and we both laughed at that.
"Mamaya, let's hang out sa bahay," Serah told me, umaahon na sa pagkaka-ubob at mukhang mas maayos na ang disposisyon.
Tumango ako. "Sure!" I replied happily. "Sina Jude? Hindi sasama?"
Umiling si Serah. "Medyo busy na sila eh, thesis."
Matagal na rin silang hindi tumutugtog at napansin kong bihira na sila kung pumunta kina Uriah. Minsan, si Jude ang bumibisita. Mas madalas pa ako kina Uriah kaysa sa kanila. Siguro nga ay marami nang ginagawa kapag grade 12 na kumpara sa aming mga grade 11.
Kaya naman nang mag-uwian at sinalubong namin si Uriah sa school ground ay nakasimangot kaagad ako sa kan'ya. He walked towards us. Ang bag n'ya ay nakasabit sa kanang balikat at hawak n'ya ang strap noon. His left hand is inside his pocket and his cold eyes are already directed at me. Hindi ako sanay na hindi n'ya laging kasama ang mga kabanda n'ya.
Nang tuluyan s'yang nakalapit ay nakasimangot pa rin ako sa kan'ya, pinagtaasan n'ya ako ng kilay.
"Cold heartbreaker," I called him and my eyes turned into slits.
Narinig ko ang hagikgik ni Serah at nakita ko ang pagngiwi ni Uriah.
"You think I liked that?" Irap ni Uriah.
I snorted and looked at his hand. Napanguso ako. I heard Uriah hiss at nagulat ako nang kunin n'ya ang bag ko galing sa'kin.
"Are you coming with us?" He asked.
"Yes, Kuya," si Serah ang sumangot.
Tumango si Uriah at tiningnan ulit ako, nagtataas ulit ng kilay.
"Still mad?" Tanong n'ya at uminit ang mga pisngi ko.
Now that he asked, parang gusto ko tuloy na magalit pa. Pero tunaw na ang galit ko, kinuha n'ya pa lang ang bag ko galing sa'kin. Umiling ako at ngumuso. Bakit ba ang bilis kong bumigay kapag si Uriah na ang usapan? Napabuntong-hininga ako, now upset with myself.
At ano ba ang karapatan kong mainis? Wala namang pananagutan sa akin si Uriah.
Tumango si Uriah at nauna na papunta sa sasakyan n'ya. I sat at the front seat dahil gusto raw ni Serah na maupo na sa back seat. Uriah opened the door for me kaya lalo lang tuloy akong nahirapan na pigilan ang ngiti ko. Tiningnan ko s'ya at nagtama na naman ang mga tingin naming dalawa.
Pumasok na ako sa loob at ibinigay naman sa akin ni Uriah ang bag kong agad ko namang tinanggap.
Nang makarating kami sa bahay nila, Serah and I immediately went to their theater room habang si Uriah naman ay mukhang dumiretso sa sarili n'yang kuwarto. Manonood kaming dalawa ni Serah ng movie. Because we are both stressed out with school, we decided to watch a Disney movie.
Napangiti si Serah nang mag-play na ang isa sa mga classic movies doon at parehas kaming napatawa.
"Never too old for Disney," she said and I nodded in agreement.
Sa kalagitnaan ng movie, nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpaalam na muna ako kay Serah at lumabas para makapunta sa kusina nila. I was humming nang papasok na ro'n nang magulat ako nang makita sa counter top si Uriah, naka-upo sa isang high stool, naka-patong ang dalawang siko sa marble na mesa, may hawak na isang baso ng tubig, at seryoso ang tingin nang makita ako. He's already wearing a black long-sleeved cotton shirt at sweatshorts. Maganda ang hawi ng buhok n'ya at guwapo pa rin.
I cleared my throat and suddenly felt uneasy with the way he looked at me. I have no confidence right now lalo pa't nag-stalk ako ng mga babaeng nagkakagusto sa kan'ya kanina! They're really beautiful, lalo na 'yong vlogger. Napanguso ako at dumiretso sa mga drawers at kumuha ng baso ro'n.
Dinaanan ko si Uriah at hindi ko s'ya sinilip man lang. 'Yon nga lang, nang makakuha na ako ng baso at pupunta na sa refrigerator nila, pumunta rin doon si Uriah para kumuha ng tubig.
Pinigilan ko ang ngiti ko. Alright, akala n'ya ba hindi ko nahahalata? Why would he stay here and randomly stay at the kitchen while holding a glass of water? Hinihintay n'ya ba ako rito o naga-assume lang ako?
Lumapit ako sa kan'ya para kumuha rin ng tubig. Pinigilan ko ang ngiti ko kahit gusto ko nang matawa. I did not look at him at kumuha na lang ng isa pang pitsel para magsalin ng tubig, hindi inaalintana na ang lapit n'ya sa akin.
Nang matapos, ibinalik ko rin naman ang pitsel sa loob at iinom na sana ng tubig nang hawakan ni Uriah ang pulso ko at narinig ko ang buntong-hininga n'ya. Napaharap ako kay Uriah at bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Uriah glared at me before he closed the refrigerator and let me lean on it. Nakasandal na ako ngayon doon habang hawak n'ya ang pulso kong may hawak ng baso ng malamig na tubig na nasa pagitan naming dalawa. He stared at me coldly.
"Still upset?" He asked at kinagat ko ang labi ko.
I don't want to stay upset, but with what Uriah is doing, parang gusto ko na lang na ipagpatuloy ang pagtatampo sa kan'ya. What exactly did I do to make him act like this? Pinilit kong isipin ang mga ginawa ko no'ng nakaraan. Was it because of my punchlines? Ang kakulitan ko?
Hindi ko sinagot ang tanong ni Uriah kaya napabuntong-hininga s'ya, mukhang hindi na alam ang gagawin sa'kin. How can I frustrate Uriah Penalver? Ano sa mga ginawa ko dati ang naging dahilan para sa wakas ay kausapin n'ya na ako nang ganito?
And he even cares that I'm upset. How did that happen?
Tiningnan ni Uriah ang basong nasa pagitan naming dalawa kaya napatingin din ako ro'n. He took the glass of water before he slowly held my hand with his. Uminit ang mga pisngi ko lalo na nang pagsiklupin n'ya ang mga 'yon. Dahil sa lamig ng baso, nanlalamig ang mga kamay ko kaya nang hawakan 'yon ni Uriah, mas naramdaman ko ang init ng kamay n'ya.
"I didn't even know that they'll include me in it," he mumbled. "Why does it feel like it's my fault?" Aniya at agad akong nakaramdam ng kunsensya at hindi ko mapigilang makaramdam ng init sa puso ko.
"Dami na namang may gusto sa'yo," I told him and he frowned.
Pinitik n'ya ang noo ko at agad akong napadaing sa kaunting sakit dahil doon. He hissed and caressed my forehead.
"I don''t even know what you're talking about," aniya.
"Hindi ka ba nagbabasa ng comments sa mga pictures mo? I even saw a vlogger! Magaganda, sopistikada, mukhang mga mature," I enumerated.
"Hindi ko naman sila kilala," he said.
"Tss!" Irap ko at binitawan na ang kamay ni Uriah.
Pinigilan ko ang pagngiti ko. Ayokong bitawan ang kamay ni Uriah pero pakiramdam ko ay mas nakakakuha ako ng reaksyon sa kan'ya kapag nagtatampo ako o 'di kaya ay lumalayo sa kan'ya. Kung alam ko lang! Sana no'ng nakaraan pa akong umakto nang ganito.
Dumiretso na ako pabalik sa theater room. Naabutan kong seryoso pa rin namang nanonood si Serah at hindi ko na mapigilan ang ngiti ko nang dumating doon. Tiningnan ko ang kamay kong hinawakan ni Uriah kanina nang maka-upo na sa tabi ni Serah at lalong napangiti.
"Hindi ka kumuha ng tubig?" Nagtatakang tanong sa akin ni Serah.
I forgot!
"Hindi na pala ako nauuhaw," I told her.
Nagtataka akong pinagmasdan ni Serah at may sasabihin pa sana s'ya nang parehas kaming napalingon sa pinto nang bumukas 'yon. Uriah entered the room and my eyes widened.
He glared at me at nang makalapit ay inabot sa akin ang isang baso ng tubig. Lutang kong tinanggap 'yon. Uriah sighed before he sat beside me.
"Kuya? Manonood ka rin?" Tanong ni Serah, namamangha.
Napalunok ako at tiningnan ang baso ng tubig.
"What movie is it?" Tanong ni Uriah at napa-angat ulit ang tingin ko sa kan'ya.
Nang mapansin n'yang napatingin ako sa kan'ya ay bumaba ang tingin n'ya sa akin.
"Frozen," sabi ni Serah at nakita ko ang pagdaan ng iritasyon sa mga mata ni Uriah kaya agad akong napangiti sa pagka-aliw.