SERPENTARA
Ravenheine86
- Reads 3,096
- Votes 94
- Parts 14
Ang SERPENTARA ay karugtong ng nobelang Hermana Serpenta. nang makasal si Serena Morganeo, ang babaeng tinaguriang 鈥淗ermana Serpenta鈥, kay Julian Esmeralda, sila ay nagkaanak ng malusog batang babae na pinangalanang 鈥淐arina鈥.
Nang magdalaga si Carina ay walang babaeng nasumpungang mas maganda pa kaysa sa kanya sa buong bayan ng Marguza. Likas na mayumi, tahimik, masipag, masayahin at malabing na anak. Isa sa talento ni Carina ay ang pagtugtog ng plauta. Pero, ang kanyang taglay na kagandahan ay nababalutan ng lihim. Dahil s asiya ay apo ni Mang Lucas na isang katutubo ng planetang Eris at anak ni Serena, taglay niya ang dugo ng isang Reptilian Humanoid. Pero ang kagandahan lang ay normal siyang tao. Pero, kapag nagagalit at kapag pina-iral niya ang kakayahan ng isang ahas, nagagawa niya anumang sandali niyang naisin.
Namana ni Carina ang kakayahan ng isang prinsesa ng planetang Eris na may angking lakas, liksi, bilis, may kakayahan sa telekenesis, at makalutang sa ere. Isa pa, nagiging tabak ang kanyang kuko dahil nagiging matulis ito na kayang humiwa ng bakal. May kakayahan din siyang makipag-usap sa mga ahas at sawa. Sa edad na 16-anyos na natutong umibig si Carina sa katauhan ng binatang si Nathaniel na isang binatang nagbabantay ng pastulan ng kanyang ama.
Nang sumapit sa kanyang ika-18 kaarawan si Carina ay naging kulay dugo uli ang buwan at nakita ang isang anino ng malaking ahas sa kalawakan. Sa pagkakataong ito, muling nagbalik si Pepit ( ang dambuhalang sawa na kakambal ng kanyang ina) galing sa planetang Eris na nasa panig ng hukbo ng kalaban na muling sumalakay sa bayan ng Marguza. Kung kaya, naglaban ang dalawa at hindi batid ni Carina kung sino si Pepit. Sa paglusob ng mga kalaban ay nakalaban din ni Carina si Seraphina na isang babaeng ahas na may pakpak ng isang agila.