抖阴社区 - by EMPriel ?mode=1&language=1&lim=&search=&utm_source=rss 抖阴社区 - Discover a World of Unlimited Stories 抖阴社区 - by EMPriel https://static.wattpad.com/be/image/logo.gif?v=1752750682 ?mode=1&language=1&lim=&search=&utm_source=rss The Runaway Groom/458428047-the-runaway-groom-1?utm_source=rssEMPriel / 120 pages
Lumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari....Lumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari. Kinuha nga niya ang isang singsing mula sa kahon at nagtanong. "Will you marry me?" Hindi ko makakalimutan ang ningning ng kanyang mga mata. Siya lamang ang tiningnan ko sa kanilang dalawa. Hinanap niya pa ang mga mata ko at nang matagpuan ang mga iyon ay saka siya lumuha. "Yes," iyon ang sagot niya. Ngumiti na lang ako ulit...kahit na alam kong may parang tinik na nakatusok sa lalamunan ko. Pumalakpak ang lahat at tumayo. Nakaupo lang ako at pinanood ang sunod na eksena. Tumayo ang lalaking iyon sa entablado sabay halik sa kanyang mapupulang labi. Sa pagkakataong iyon ay alam ko na kung saan ako lulugar. Alam ko na kung saan ako nararapat. Isa lamang iyong palabas, napakagandang palabas na alam kong hinding-hindi ko makakalimutan. Tumayo ako at naglakad palabas ng malaking bulwagan na iyon na para bang may mabibigat na kadena sa aking mga paa. Saka ko tinanong ang aking sarili. Baka nga isa lang din akong artista sa malaking palabas na ito. Isang karakter na pinili na lang magmukmok nang tahimik at tiisin ang lahat. Masaya naman siya. At kahit na masakit ay ngingiti na lang ako para sa kanya.

Start Reading
The Runaway Groom

The 抖阴社区r (A Novel)/1077136571-the-writer-a-novel-chapter-1-maligayang-pagdating?utm_source=rssEMPriel / 99 pages
Upang maiwasan ang gulo at ingay ng siyudad, niregaluhan si Daniel, isang writer, ng kanyang editor na si Marco ng bakasyon sa kanyang rest house sa isang bayan sa isla ng Polilio, Quezon. Ito ay upang makapag-focus at makapag-isip nang maigi para...Upang maiwasan ang gulo at ingay ng siyudad, niregaluhan si Daniel, isang writer, ng kanyang editor na si Marco ng bakasyon sa kanyang rest house sa isang bayan sa isla ng Polilio, Quezon. Ito ay upang makapag-focus at makapag-isip nang maigi para sa kanyang susunod na nobela matapos magpahinga sa kanyang karera sa loob ng dalawang taon. Sa kanyang pamamalagi ay di maipaliwanag na mga pangyayari ang kanyang nasasaksihan. Kasabay ng pagsusulat ng kanyang bagong obra ay kakaibang misteryo rin ang gumagambala sa kanya. Sa bawat hakbang at kilos ay laging nakamatyag ang mga tao sa kanyang paligid. Tila nakakulong siya sa isang napakagandang paraiso na unti-unting nagiging bangungot kasabay ng bawat patak ng tinta sa kanyang nobela. Ano ang misteryong bumabalot sa bayang iyon at ang panganib na sa kanya'y nakaabang?

Start Reading
The 抖阴社区r (A Novel)

Cortana (Short Story)/1275552242-cortana-short-story?utm_source=rssEMPriel / 5 pages
Sa loob ng napakadilim na kaisipan ay nagising ang aking kamalayan. Paunti-unti ay naigagalaw ko ang aking mga daliri, nararamdaman ko ang maligamgam na tubig na nakapaligid sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at tuluyan kong nakita ang aking ...Sa loob ng napakadilim na kaisipan ay nagising ang aking kamalayan. Paunti-unti ay naigagalaw ko ang aking mga daliri, nararamdaman ko ang maligamgam na tubig na nakapaligid sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at tuluyan kong nakita ang aking paligid, isang sisidlan, ang likido na nasa aking paligid na dapat ay tumutulong na ipreserba ang aking katawan ay tila naging gulaman na.

Start Reading
Cortana (Short Story)

The Heist/514896810-the-heist-chapter-1-dead-end?utm_source=rssEMPriel / 70 pages
Nagbalik si Rush matapos ang tatlong taong pagkakawala nang mabalitaan ang pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ernesto Dela Tore, ang may-ari ng ilang mga casino at resort sa Maynila at Pasay. Alam niyang hindi malinis ang pagkamatay...Nagbalik si Rush matapos ang tatlong taong pagkakawala nang mabalitaan ang pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ernesto Dela Tore, ang may-ari ng ilang mga casino at resort sa Maynila at Pasay. Alam niyang hindi malinis ang pagkamatay ng kanyang kapatid na nababahiran ng pulitika at galit ng iilang may katungkulan sa gobyerno at sa mundo ng kalakalan sa Pilipinas. Sinubukan niyang hanapin ang mga tao sa likod ng pagpatay ng kanyang kapatid, umisip rin siya ng paraan para matanggalan ng maskara at mahubaran ng yaman ang mga taong gumawa noon sa kanyang nag-iisang pamilya. Bumuo siya ng isang grupo, limang tao na pawang mga propesyonal sa kanilang mga larangan. Mga taong alam niyang magiging kasangga niya sa mga pinaplanong panloloob sa mga casino at resort na minsang pinamunuan ng kanyang kapatid. Sa ganoong paraan ay mababawi niya ang nawala sa kanilang pamilya at matulungan din ang mga taong naghihirap at nakalugmok sa madilim at nanlilimahid na lipunan. Titingalain nga ba sila ng mga taong natulungan o sa huli ay huhusgahan dahil sa kanilang pamamaraan?

Start Reading
The Heist

The Ballad of the Assassin (Short Story)/934160181-the-ballad-of-the-assassin-short-story-the-ballad?utm_source=rssEMPriel / 6 pages
"Alam mo ang kapalit nito," wika ni Goryo. Hindi na ako nakapagsalita pa. Napatingin lamang ako sa labas ng phone booth habang tinititigan ang mga patak ng ulan sa salamin. "Alam ko. Tatanggapin ko. Matanda na ako, Goryo. Handa na rin akong pagba..."Alam mo ang kapalit nito," wika ni Goryo. Hindi na ako nakapagsalita pa. Napatingin lamang ako sa labas ng phone booth habang tinititigan ang mga patak ng ulan sa salamin. "Alam ko. Tatanggapin ko. Matanda na ako, Goryo. Handa na rin akong pagbayaran ang mga kasalanang nagawa ko dati," sagot ko. "Humingi ang grupo ng huling pabor sa'yo. Hindi mo 'yon tinupad. Buhay ng iba ang nakataya," sagot niya. Muli akong natahimik.

Start Reading
The Ballad of the Assassin (Short Story)

Hanggang Saan? (Short Story)/794069292-hanggang-saan-short-story-hanggang-saan?utm_source=rssEMPriel / 11 pages
"Tara. Samahan mo ako," ang sabi niya. Alam kong tinotopak na naman siya. Malapit na naman kasi ang araw na hinihintay ng kanyang mga kaibigan, mga magulang, mga taong ang tingin nila'y isa siyang napakahalagang kayamanan. "Hayan ka na naman eh."..."Tara. Samahan mo ako," ang sabi niya. Alam kong tinotopak na naman siya. Malapit na naman kasi ang araw na hinihintay ng kanyang mga kaibigan, mga magulang, mga taong ang tingin nila'y isa siyang napakahalagang kayamanan. "Hayan ka na naman eh." "Oo ito nga na naman ako, at hindi ka na nasanay pati!" "So saan naman tayo pupunta? Tagaytay? Zambales? Tarlac?" tanong ko. Hinithit ko ang kakaunting kasalanan na hawak ng aking mga kamay. "Ito panay pa ang yosi. Bawal na nga 'yan eh." "Hirap na hirap na nga ako eh," sagot ko. "Sa pagtigil?" nakangisi niyang tanong. "Hindi," sagot ko. "Eh saan ka nahihirapan?" tanong niyang muli. "Nahihirapan na akong magyosi in public. Paano ba naman, panay ang huli! Bawal na kasi," natatawa kong sambit. Tumawa rin siya at pinaghahampas pa ang aking balikat. "Pahingi nga, Daks!" bigla niyang sambit. "Kasalanan 'to 'di ba? 'Wag ka nga! Pagkatapos mo akong punain eh saka ka hihingi." "Sige na!" "Oh, ayan na!" wika ko sabay abot ng kalahati nang stick ng yosi. Nalalaglag lamang ang upos nito sa semento sa sahig ng rooftop kung saan kami nakatambay. "So ano bang plano, Baks?" tanong ko muli sa kanya. Ngumiti lamang siya na parang isang pusa. Idinikit niya ang mamula-mula niyang labi sa aking balikat habang nagniningning ang kanyang mga mata sa liwanag ng mga poste ng ilaw sa malapit. "Happy birthday to me!" wika niya habang nakangiti. Ngumisi na lamang ako at muling tumingin sa kalawakan. May kaunting pait sa lalamunan na sinubukan kong lunukin. Pinilit ngumiti at muling tumingin sa kanya.

Start Reading
Hanggang Saan? (Short Story)

D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)/514920655-d-i-a-n-a-database-intelligence-artificial-network?utm_source=rssEMPriel / 38 pages
Matapos mamatay ang asawa ni Eric Frost, isang Senior Tech Analyst sa Reinheart Robotics and Prototypes ay tila naging manhid na sya sa araw-araw na kalungkutan. Mas pinili niyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa at pinilit na gawing normal ang k...Matapos mamatay ang asawa ni Eric Frost, isang Senior Tech Analyst sa Reinheart Robotics and Prototypes ay tila naging manhid na sya sa araw-araw na kalungkutan. Mas pinili niyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa at pinilit na gawing normal ang kanyang mga araw nang wala siya. Matapos ang isang linggo ay naisip niyang muling buuin ang kaisa-isang ideya na kanyang binuo simula pa lamang nang siya ay makapagtrabaho sa naturang kompanya. Naisip niyang bumuo ng isang prototype na nagngangalang D.I.A.N.A. o Database Intelligence Artificial Network Ally. Isang prototype na kayang maging katuwang ng tao sa pang araw-araw na gawain na may kahalintulad din sa emosyon ng tao maging sa kilos nito. Ngunit hanggang saan nga ba ang limitasyon ng emosyon ng kanyang prototype na binuo? Maaari nga bang maturuang umibig ang isang puso na gawa sa bakal? Paano matatanggap ni Eric ang katotohanang isa lamang siyang imahinasyon, isang makina, isang konsepto na kanyang ginawa? Sa panahon ng teknolohiya, magiging buhay pa nga ba ang pag-ibig na nawala sa pamamagitan niya?

Start Reading
D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)

The Jumper (Short Story/78996999-the-jumper-short-story-chapter-1?utm_source=rssEMPriel / 15 pages
Kung tutuusin ay halos 420 feet o kulang-kulang tatlumpu't limang palapag ang taas ng gusaling kinatatayuan ko ngayon. Ang bilis ng hangin na tumatama sa aking mukha ay umaabot ng 30 hanggang 40 kilometro per oras. Ang taas ng harang kung saan ako...Kung tutuusin ay halos 420 feet o kulang-kulang tatlumpu't limang palapag ang taas ng gusaling kinatatayuan ko ngayon. Ang bilis ng hangin na tumatama sa aking mukha ay umaabot ng 30 hanggang 40 kilometro per oras. Ang taas ng harang kung saan ako nakatayo mula sa roof top ng building na ito ay umaabot lang ng 4 feet. Sapat upang harangan ang mga taong susubok na pigilan ako sa aking gagawin. Hindi sila nagtatangkang lumapit dahil alam nila na kapag sinubukan nila ay baka gawin ko ang kanilang iniisip. May halos limang helicopter ang paiko-tikot lang sa ere. May mga camera ang ilan sa mga taong nakadungaw sa bawat helicopter na lumilipad. Humigit kumulang dalawampung truck ng bombero ang nag-aabang sa ibaba. Wala naman silang magawa kundi subukang abutin ang kinalalagyan ko ngayon gamit ang naghahabaan nilang mga hagdan. Kahit gawin pa nila ang lahat ay siguradong hindi naman nila ako maaabot dito.

Start Reading
The Jumper (Short Story

Equilibrium Chase/751451990-equilibrium-chase?utm_source=rssEMPriel / 13 pages
Taong 2132 nang ipatupad ng Chinese Federation ang One Cloud Information Policy o O.C.I.P. sa sarili nitong bansa maging sa mga kalapit na bansa na nasasakupan nito. Ang Pilipinas ay isa sa mga naging estado nito pagkaraan ng maraming taon na pagp...Taong 2132 nang ipatupad ng Chinese Federation ang One Cloud Information Policy o O.C.I.P. sa sarili nitong bansa maging sa mga kalapit na bansa na nasasakupan nito. Ang Pilipinas ay isa sa mga naging estado nito pagkaraan ng maraming taon na pagpapahiram ng pondo ng naturang bansa. Sa makatuwid, naging matagumpay ang debt trap ng naturang bansa sa Pilipinas. Bilang kapalit ay sumailalim sa batas ng Tsina ang Pilipinas. Ang O.C.I.P. ay naitatag sa kadahilanang protektahan ang anumang impormasyon na nakapaloob dito, ngunit kapalit nito ay kinailangang maging bukas ang lahat ng impormasyon ng bansang Pilipinas maging ang iba pang bansa na sumasailalim dito. Sa makatuwid, ang lahat ng konserbatibong impormasyon, maging ang social media, one ID system, government policies, business policies, bank accounts at assets ay mawawalan ng privacy. Nilalayon ng O.C.I.P. na protektahan ang interes nito. Makitaan lamang ng paglabag sa kahit na anong batas ang isang tao ay agad nitong matutukoy. Dahil alam ng mga ilegal na businessman at hacker ang kayang gawin ng One Cloud Information Policy, kinailangan nilang ihatid ang ilang mga mensahe hindi sa pamamagitan ng internet o ng world wide web. Gumagamit sila ng mga 'Runners'. Mga taong may angking bilis, at pisikal na lakas upang pagpasa-pasahan ang mga mensaheng ito hanggang sa makarating sa taong padadalhan nito. Sa estilong 'parkour' o 'free running', o pagtakbo sa itaas, gilid at kasulok-sulukan ng mga gusali at lansangan, nagagawa nilang lusutan ang mga awtoridad. Hindi sila napapansin ng mga pulis o ng militar dahil kaya nilang tumakbo, lumusot at animo'y makipaglaro sa kanila. Ito ang naging tanging paraan upang maprotektahan ang mga pribadong mensahe na ipinapadala ng underground group, rebelde maging ang mga pribado at mayayamang pamilya sa loob at labas ng bawat syudad.

Start Reading
Equilibrium Chase

Philippines: Year 2300 (English)/751460728-philippines-year-2300-english-philippines-year?utm_source=rssEMPriel / 2 pages
The period in which the Philippines was divided into three factions as seemingly caste system of living; first, the bids (the lowest type of life or the poorest). Second, the commoner (middle class living) and the latter is the highest level of li...The period in which the Philippines was divided into three factions as seemingly caste system of living; first, the bids (the lowest type of life or the poorest). Second, the commoner (middle class living) and the latter is the highest level of living, the bidders. Why bidders? They have the ability to buy bids or even commoners to transfer their memory gene to another body and claim to be immortal. This memory gene was invented by the MEMO 漏 company held by the current diplomatic government. An experiment passed to Europe and the bidders continue to use it to survive for hundreds of centuries.

Start Reading
Philippines: Year 2300 (English)

Last Night/710360357-last-night?utm_source=rssEMPriel / 2 pages
Short film script...based on a true story.Short film script...based on a true story.

Start Reading
Last Night

Hindi na ba talaga puwede?/637164459-hindi-na-batalaga-puwede?utm_source=rssEMPriel / 2 pages
A short script I made for a series. Video of the actual episode included. Based on a true story.A short script I made for a series. Video of the actual episode included. Based on a true story.

Start Reading
Hindi na ba talaga puwede?

Minsan May Tayo (Short Story)/537004360-minsan-may-tayo-short-story?utm_source=rssEMPriel / 7 pages
"Hindi ba talaga puwede?" tanong niya. May kung anong bumara sa aking lalamunan habang hawak ang manibela. Napaiwas ako ng tingin sa daan. Muli ko siyang tiningnan, ang mga ilaw lamang ng poste sa gabing iyon ang tangi kong pag-asa para makita an..."Hindi ba talaga puwede?" tanong niya. May kung anong bumara sa aking lalamunan habang hawak ang manibela. Napaiwas ako ng tingin sa daan. Muli ko siyang tiningnan, ang mga ilaw lamang ng poste sa gabing iyon ang tangi kong pag-asa para makita ang luhaan niyang mga mata. Hindi ako nakapagsalita. "Dahil ba sa kanya?" sambit niya habang pinipigilang humikbi. Napakapit ako sa aking bibig. Walang kumakawalang mga salita. Walang maramdaman kundi ang pangungulila. Huminga ng malalim, ibinuga sa kawalan, ipinihit ang sasakyan sa kanan upang huminto sa gitna ng kadiliman. Tuluyan siyang umiyak ngunit walang kahit anong tunog. Umiyak siya na tila pinipigilan ang kanyang sarili na kumawala sa kalungkutan. Tulala lamang ako, nakatingin sa kawalan. "Naiintindihan ko na ngayon," sabi niya. "Hindi gano'n 'yon." Pinatay ko ang aking pananahimik at tumingin sa kanya. Pinilit niyang ngumiti at pahirin muli ang natitira pang luha sa namumugto niyang mga mata. Huminga siya ng malalim at pumaling sa likod ng kotse upang kunin ang kanyang backpack. "I have to go now," sambit niya nang buksan ang kotse. "Steph..." wika ko. Sinusubukan siyang pigilan. "Steph, please." Naglakad siya sa harap ng kotse kung saan nakikita ko ang patuloy niyang paghikbi at pagyakap sa sarili sa malamig na gabing iyon. Mabilis ang kanyang paglalakad, tila ayaw magpahabol. Ang tanging nagawa ko na lang ay panoorin siya habang unti-unting naglalaho sa aking paningin. Napayuko na lamang ako at isinandal ang ulo sa manibela. See full story: /story/154522007?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_reading&wp_page=reading&wp_uname=tropangbarubal&wp_originator=q0%2FRrLsIaG0h8qJ8CaeLgIsggqGouEu9n7sC9y2xFrQ%2FzCuVUwoagKGAVMVZXopNOGTersrWLks6db0qBrSf8zG07eVIwgP4ia5dGF6qErLv5SeuinN2JPEDQW%2B529bj&_branch_match_id=545224052653409448

Start Reading
Minsan May Tayo (Short Story)

Resiklo: Recalibration (Spin Off)/276320670-resiklo-recalibration-spin-off-resiklo?utm_source=rssEMPriel / 28 pages
Lumipas ang mga gyera at ang pagkagunaw ng mundo. Ang mga luntiang kagubatan ay tila naging malawak na disyerto. Ang mga siyudad at mga gusali ay tuluyan nang nawasak. Nasadlak sa hirap ang mga tao mula sa lugar na tinatawag na 'Paraiso'. Ang pagk...Lumipas ang mga gyera at ang pagkagunaw ng mundo. Ang mga luntiang kagubatan ay tila naging malawak na disyerto. Ang mga siyudad at mga gusali ay tuluyan nang nawasak. Nasadlak sa hirap ang mga tao mula sa lugar na tinatawag na 'Paraiso'. Ang pagkain ay mahirap nang mahanap, natuyo ang mga ilog at ang mga lawa, itinuring na ang kabuuan ng mundo bilang patay na alaala. Wala na halos hayop ang makikita sa lugar na ito, wala na halos nabubuhay kundi ang mga tao na naghihikahos sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ang mga tao ay umaasa na lamang sa mga piraso ng bakal bilang kanilang katulong sa kabuhayan. Ang mga piraso ng bakal na kanilang napupulot ay ginagawa nilang mga robot na may sariling pag-iisip. Ang iba ay ginagamit bilang kakaibang imbensyon na tutulong sa kanila bilang mga instrumento, higit sa lahat, sa paghahanap ng tubig. Magkakaiba man ang paniniwala at kultura ng mga tribong nabubuhay sa panahong ito, mayroon pa rin silang pinangingilagan at kinatatakutan, ang mga 'mutano'. Paalala: Ang orihinal na Resiklo ay hindi ginaya ng kwentong ito. Maaaring kinuha ang ilang pangalan ng lugar, at tao ngunit ito ay spin-off na ginawang orihinal upang mabigyan ng mas magandang bersyon. Hindi ito ang Resiklo na pelikula noon...ito ANG Resiklo: Recalibration na sarili kong bersyon.

Start Reading
Resiklo: Recalibration (Spin Off)

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazers/147108868-project-black-out-philippines-year-2300-prequel?utm_source=rssEMPriel / 232 pages
Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay tila isang hard drive device na may kakayahang i-tala ang lahat ng mga pangyayari ng isang host mu...Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay tila isang hard drive device na may kakayahang i-tala ang lahat ng mga pangyayari ng isang host mula pagkasilang hanggang sa pagtanda. Ang memory gene na nakakabit sa likurang bahagi ng ulo ng nagmamay-ari ng aparatong iyon ay maaaring ilipat sa isa pang katawan upang mabuhay bilang siya o ang kanyang katauhan. Nagsimulang lumaganap ang pag-gamit ng aparatong ito dahil na rin sa pag-aproba ng gobyerno ng Europa upang mapahaba ang life span ng isang tao ngunit tinutulan ito ng ilang mga bansa dahil na rin sa pagkitil ng buhay upang maging container ng mga taong gumagamit nito. Kalaunan ay nahati ang lipunan sa tatlong klasipikasyon dahil sa aparatong iyon. Una, ang mga bidder o ang mga mayayaman o nakatataas sa lipunan na siyang tanging nakakagamit ng memory gene. Sila ang may kakayahan upang bumili ng katawan ng commoner o ng bidder upang paglipatan ng kanilang mga memory gene para mabuhay kahit gaano pa katagal. Pangalawa, ang mga commoner o ang mga may kaya ngunit hindi pa umaabot sa klasipikasyon ng pagiging bidder. Wala silang memory gene ngunit kung mataasan nila ang pamantayan ng gobyerno sa pagiging bid sa pamamagitan ng kanilang mga assets at liabilities ay maaari na silang tawaging bidder at lagyan ng memory gene. Pangatlo, ang pinakamahirap sa lahat, ang mga bid. Sila ang mga taong naghihirap at hindi kayang bumili ng aparatong iyon. Sila din ang madalas na binebenta sa black market upang isubasta para mabili ng mga mayayaman. Taong 2280: Isang kriminal ang nabalitang gumagala sa bawat lungsod ng Pilipinas upang kitilan ng buhay ang mga gumagamit ng memory gene. Hindi siya gumagamit ng marahas na pamamaraan. Ni walang bahid ng dugo sa lugar kung saan nangyayari ang krimen. Iniiwan niya lamang na natutulog ang kanyang mga biktima at tila nabubura lamang ang kanilang memorya. Black out: Iyon ang tawag sa kanya.

Start Reading
Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazers

Philippines: Year 2303 - A Game of War/53002076-philippines-year-2303-a-game-of-war?utm_source=rssEMPriel / 208 pages
Ikinagulat ng buong mundo ang muling pagbabalik ni Johan. Ang inakala nilang bayaning nag-alay ng buhay para sa pagkakaisa at kapayapaan ay muling gumising mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ito ay sa kadahilanang isang gyera na naman ng b...Ikinagulat ng buong mundo ang muling pagbabalik ni Johan. Ang inakala nilang bayaning nag-alay ng buhay para sa pagkakaisa at kapayapaan ay muling gumising mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ito ay sa kadahilanang isang gyera na naman ng buong mundo ang muling nagbabadya. Hindi nagustuhan ng karamihan ang kanyang pagbabalik. Ang iba naman ay humanga na lamang sa kanyang talino sa pagdedesisyon at pagpaplano. Ngunit paano nya mapoprotektahan ang bansa laban sa mapanirang imperyo ng Europa kung kakaunti na lamang ang pwersa ng Pilipinas laban sa kanila? May magagawa pa kaya ang isang tulad niya kung muling ibinabalik ng European Union ang MEMO漏 at ang memory gene upang hatiin muli ang sangkatauhan; mabuhay lamang ang mga mayayaman at patuloy lamang na maghirap ang mga bid? Magagawa niya kayang wasakin nang tuluyan ang sistemang ito ngayong muli siyang nagbalik? Mababago nya kaya ang lahat kahit na napahina ng nakaraang gulo ang pananaw ng mga Pilipino pagdating sa kanilang kakayahan upang lumaban?

Start Reading
Philippines: Year 2303 - A Game of War

Tiklado/164401687-tiklado-adagio?utm_source=rssEMPriel / 19 pages
Noon iniisip kong gumagawa lang ako ng kanta para sa sarili ko. Iniisip ko na isinusulat ko lang silang lahat dahil...dahil gusto ko. Pero nagbago bigla ang lahat noong makita kita isang araw sa sayawang iyon. Hindi ka sumasayaw. Nakatitig ka lang...Noon iniisip kong gumagawa lang ako ng kanta para sa sarili ko. Iniisip ko na isinusulat ko lang silang lahat dahil...dahil gusto ko. Pero nagbago bigla ang lahat noong makita kita isang araw sa sayawang iyon. Hindi ka sumasayaw. Nakatitig ka lang sa akin at pinapanood mo ako habang tinitipa ang bawat tiklado ng aking piano. Nilapitan kita pagkatapos, ngumiti ka pero hindi ka nagsalita. Tumakbo ka palayo pero muli kang lumingon para lang ipakita ang iyong napakagandang ngiti. Kailan ko nga ba isinulat ang kantang ito? Ah...oo naalala ko na. Naalala ko noong sinabi mo sa akin na papayag ka lang na makilala kita kung gagawan kita ng kanta. Hindi ko alam na iba pala ang dahilan mo kung bakit gusto mong isulat ko ang bawat piyesa ng kantang ito.

Start Reading
Tiklado

Tagu-taguan/179729095-tagu-taguan-isa?utm_source=rssEMPriel / 19 pages
"Tara laro tayo!" "Anong laro naman ang gusto mo?" "Tagu-taguan...ikaw ang taya ha?" "Haha sige sige gusto ko 'yan!" "Oh dali! Dali na takpan mo na ang mga mata mo tapos bilang ka hanggang sampu ah?" "Tapos hahanapin kita?" "Oo hahanapin mo ..."Tara laro tayo!" "Anong laro naman ang gusto mo?" "Tagu-taguan...ikaw ang taya ha?" "Haha sige sige gusto ko 'yan!" "Oh dali! Dali na takpan mo na ang mga mata mo tapos bilang ka hanggang sampu ah?" "Tapos hahanapin kita?" "Oo hahanapin mo 'ko. Kapag nahanap mo ako, ako naman ang taya." Nakakapanibago yata na sa pagkakataong iyon ay pumayag kang maging taya kung matataya kita. "Sige! Isa...dalawa...tatlo..." Nagbilang ako hanggang sampu sa likod ng puno ng ating paboritong palaruan. Noong una akala ko nasa paligid ka lang. Halos isang oras siguro akong naghanap sa 'yo, nakangiti pa ako noon. Mukha nga akong tanga habang naghahanap, pero noong naisip ko ang sinabi mo sa akin dati ay hindi ko na tinuloy ang paghahanap. "Bakit ba kasi tayo hanap ng hanap sa mga bagay na nagtatago? Kaya nga sila nagtatago...kasi ayaw nilang magpahanap," sabi mo. "Oo nga 'no? Kasi kung gusto nila magpahanap, magpapakita sila. Kahit gaano katagal 'di ba?" sagot ko naman. Ewan ko ba. Sa tuwing maaalala ko ang mga panahon na 'yon noong mga bata pa tayo, napapangiti na lang ako. Mga bata pa nga tayo noon, wala pang alam. Pero hindi na tayo bata ngayon. Hindi na siguro natin kailangang magtaguan...ng nararamdaman. Special thanks: Cover by: AFeeling抖阴社区r

Start Reading
Tagu-taguan

Eroplanong Papel (Short Story)/164405040-eroplanong-papel-short-story?utm_source=rssEMPriel / 10 pages
鈥淧ara tayong mga eroplanong papel na naglalaro sa himpapawid. Kung magtugma man ang ating landas ay ang hangin lang ang nakakaalam. Hindi natin malalaman kung kailan, hindi natin malalaman kung saan. Magkikita tayo ng paulit-ulit ngunit hindi magt...鈥淧ara tayong mga eroplanong papel na naglalaro sa himpapawid. Kung magtugma man ang ating landas ay ang hangin lang ang nakakaalam. Hindi natin malalaman kung kailan, hindi natin malalaman kung saan. Magkikita tayo ng paulit-ulit ngunit hindi magtatagpo ang ating puso at isipan.鈥 special thanks: cover by Ian Belen.

Start Reading
Eroplanong Papel (Short Story)

Salamisim/132522491-salamisim-part-1?utm_source=rssEMPriel / 14 pages
Kung marami na nga ang namamatay sa maling akala iisipin ko na talagang torture ito. Pero bakit ko nga ba mas pinili ang ganitong sitwasyon? Minsan iniisip ko napakatanga ko lang talaga na kahit na ano pang gawin mong pagsusungit at pagtataray s...Kung marami na nga ang namamatay sa maling akala iisipin ko na talagang torture ito. Pero bakit ko nga ba mas pinili ang ganitong sitwasyon? Minsan iniisip ko napakatanga ko lang talaga na kahit na ano pang gawin mong pagsusungit at pagtataray sa akin ay nagagawa pa rin kitang suyuin. May punto na parang palagay ang loob natin sa isa't-isa. May punto naman na para bang kinasusuklaman mo na ako. Pero kahit na ganoon ay heto, nandito pa rin ako at patuloy na naghihintay. "Hmm, sorry," napakatipid na sambit mo. Hindi ko nga alam kung saan na bang lupalop nakakarating ang isang salitang gaya niyan. Napakadaling paniwalaan para sa akin dahil ikaw naman ang nagsabi, pero dumating yung punto na napagod na lang ako. "Pasensiya na rin. Nakalimutan ko kasi...hindi nga pala tayo. Kaya siguro dapat ilugar ko na lang ang sarili ko sa tamang lugar at tao." Ngumiti ako at nilagpasan ka. Ngumiti ka rin, pero kitang-kita sa mga labi mo ang mapait na katotohanan. "Mahal mo pa rin ba ako?" tanong mo. Isang tanong na nakapagpatgil sa akin. Ang tanging nagawa ko na lamang ay lumingon, ngumiting muli...at umiling.

Start Reading
Salamisim

~Espren (Short Story)/104780398-%7Eespren-short-story?utm_source=rssEMPriel / 12 pages
"Espren, may sasabihin ako sa'yo." "Ano yun espren?" "Naalala mo nung bibigyan sana kita ng chocolates?" "Ah nung naiinis ako sa mundo. Tapos gusto mo akong pasayahin? Haha. Naalala ko na." "Yung chocolates kasi. Nasa bahay pa. Tapos ano..." ..."Espren, may sasabihin ako sa'yo." "Ano yun espren?" "Naalala mo nung bibigyan sana kita ng chocolates?" "Ah nung naiinis ako sa mundo. Tapos gusto mo akong pasayahin? Haha. Naalala ko na." "Yung chocolates kasi. Nasa bahay pa. Tapos ano..." Tumingin ako sa kanya habang nakahiga kami sa damuhan, malungkot ang muka niya habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Naghintay ako ng sagot, pinilit niya lang ngumiti noon dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. "Alam mo sabi nila kapag ang chocolates daw pinatagal mong kainin, nagiging mapait. Nawawala yung sweetness." Tumahimik lang ako. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin, pero hindi ko na lang iyon pinansin. Alam ko na naman sa mga oras na 'yon na mabigat na naman ang pakiramdam nya. "Naalala mo noong may sakit ka? Pilit kang pinapainom ng gamot ni tita? Sabi mo ayaw mong inumin yung gamot kasi mapait." Sabi ko sa kanya. "Pero alam mo, minsan kung ano pa yung pinakamapait na gamot, 'yon pa yung pinakamabisa." Tumingin ako sa langit, hindi ko alam kung maiintindihan niya din ang gusto kong sabihin. Mahirap tanggapin para sa kanya. Pero mas mahirap na tanggapin para saakin na nasasaktan ko siya. Tumawa na lang siya na parang isang baliw. Umupo siya at tumalikod saakin...tumatawa siya ng walang tigil, pero...alam ko sa pagkakataong iyon na lumuluha na naman siya. cover credits: Kristoffer Ian Dacoycoy Belen

Start Reading
~Espren (Short Story)

Abot Langit/47291013-abot-langit-paalam?utm_source=rssEMPriel / 83 pages
Ang sequel ng Patunayan. Kapag mapait ang buhay kailangan ng chaser. Matuto tayong lumangoy kapag nalulunod na tayo sa alak at pag-ibig mga bro! :-) -EMPrielAng sequel ng Patunayan. Kapag mapait ang buhay kailangan ng chaser. Matuto tayong lumangoy kapag nalulunod na tayo sa alak at pag-ibig mga bro! :-) -EMPriel

Start Reading
Abot Langit

Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall/40691599-philippines-year-2302-helena%27s-downfall?utm_source=rssEMPriel / 173 pages
Dalawang taon na ang nakararaan matapos ang insidenteng naganap sa Pilipinas, natunghayan ng buong mundo ang pagbagsak ng isang diktador na nagngangalang Johan Klein. Sinubukan niyang manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memory gene upang magkaro...Dalawang taon na ang nakararaan matapos ang insidenteng naganap sa Pilipinas, natunghayan ng buong mundo ang pagbagsak ng isang diktador na nagngangalang Johan Klein. Sinubukan niyang manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memory gene upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng buong mundo gamit ang MCM o Memory Control Maneuver. Ito ang programang ginawa ng MEMO upang kontrolin ang lahat ng tao sa mundo na gumagamit ng memory gene upang pabagsakin ang isang bansa, tanggalin ang mga balakid sa daraanan ng MEMO at gawing matiwasay ang pamumuhay ng bawat gumagamit nito sa paraan ng pagcontrol. Hindi ito nagustuhan ng mga tao, bagkus ay ipinakita lamang ni Johan ang kung anong kayang gawin ng MEMO upang sirain ang sangkatauhan. Inalay niya ang sariling buhay para lang baguhin ang sistema ng buong mundo. Pinalabas niyang si Helena ang kumitil sa kanya upang siya ang kilalanin bilang tunay na bayani. Lubos namang nalungkot si Helena sa ginawa ng binata ngunit naniwala naman ang mga tao na dahil sa kanya ay nagkaroon ng pagbabago. Tuluyang bumagsak ang kompanyang MEMO. Naging panatag ang buhay ng bawat tao at tuluyan na ring nasira ang caste system sa buong mundo na humati sa lipunan sa mahabang panahon. Naging tahimik ang bawat isa ngunit isang balita ang gumimbal sa buong mundo. Natuklasan ng gobyerno na nawawala ang MCM program, pinaniniwalaang ipinasa ito ni Johan Klein sa isang di kilalang tao na tinatawag na Subject 1. Dahil dito ay naglunsad ang pamahalaan ng bawat bansa ng ilang fact finding committee upang hanapin ang MCM program at alamin ang tunay na pagkatao ng Subject 1. Marami na ring iba't-ibang organisasyon ang nakikipag-agawan sa naturang programa upang baguhin ito at i-hack upang hindi lamang DNA ni Johan ang makapag-activate sa naturang program. Ang mga di kilalang organisasyon na lumalantad sa lipunan ay patuloy din na naghahanap sa naturang programa na maaari nilang gamitin sa pansariling kapakanan at maaaring ikasira ng buong sangkatauhan.

Start Reading
Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall

Kung Bakit Bumagsak si Kupido sa Lupa~ (On Hold)/47288170-kung-bakit-bumagsak-si-kupido-sa-lupa%7E-on-hold-act?utm_source=rssEMPriel / 2 pages
Nang minsan, ibinagsak ng langit si Kupido. Bakit? Hindi na daw kasi uso ang marriage before sex. Nauuna na ang sex before marriage at sangkatutak na daw ang manloloko at naghihiwalay na kanyang pinapana sa mundo. Mukang kailangan nya nang tasahan...Nang minsan, ibinagsak ng langit si Kupido. Bakit? Hindi na daw kasi uso ang marriage before sex. Nauuna na ang sex before marriage at sangkatutak na daw ang manloloko at naghihiwalay na kanyang pinapana sa mundo. Mukang kailangan nya nang tasahan ang mapurol nyang palaso. Special thanks; cover by: PortalMentis

Start Reading
Kung Bakit Bumagsak si Kupido sa Lupa~ (On Hold)

Regalo (One Shot)/42592108-regalo-one-shot?utm_source=rssEMPriel / 3 pages
Higit ka pa sa kahit anong regalo na nakuha ko. Maraming salamat. A Non fiction story. A piece I wrote for the Guardian Newspaper of Rizal Technological University.Higit ka pa sa kahit anong regalo na nakuha ko. Maraming salamat. A Non fiction story. A piece I wrote for the Guardian Newspaper of Rizal Technological University.

Start Reading
Regalo (One Shot)

Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from 抖阴社区)/28026662-philippines-year-2300-1st-published-filipino-sci?utm_source=rssEMPriel / 195 pages
Philippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinaka mababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class na...Philippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinaka mababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class napamumuhay). At ang huli ang pinakamataas na antas ng pamumuhay, ang mga bidders. Kung bakit bidders? Sila ang may kakayahan para bumili ng mga bid o kahit na commoner para mailipat ang kanilang memory gene sa ibang katawan at masabing imortal sila. Ang memory gene na ito ay inimbento ng kompanyang MEMO漏 na hawak ng kasalukuyang diplomatic government. Isang eksperimontong pumasa sa Europe at patuloy na ginagamit ng mga bidders upang mabuhay sa kahit gaano pa kahabang siglo.

Start Reading
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from 抖阴社区)

Patunayan/15841046-patunayan-ikaw-lamang?utm_source=rssEMPriel / 24 pages
Noon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari. Nagkamali ako. Bumabalik din kasi ang mga kamay nito sa dati; paikot-ikot lang, paul...Noon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari. Nagkamali ako. Bumabalik din kasi ang mga kamay nito sa dati; paikot-ikot lang, paulit-ulit. Walang saysay. Pwera na lang noong makilala ko siya. Based on a slightly true story.

Start Reading
Patunayan