29 parts Complete Sa buhay natin maraming kababalaghan. Sa paggising man hanggang sa pagtulog ay may iba't ibang karanasan. Sabi nga nila, ang bawat tao ay may malaking ambag sa paglago ng iyong karanasan, sa panaginip man ito o nangyayari sa totoong buhay ay may ibinibigay itong mensahe na maaaring bumago ng ating kapalaran.
Ito ang nangyari kay Ali, tanging kalituhan ang nangibabaw sa kanya noong hindi na niya makalimutan pa ang isang panaginip na bumago sa kanyang pagkatao at pananaw. Malinaw na nailarawan at naitatak na sa puso at isipan ni Ali ang bawat istorya, eksena at pag-uusap na siya lamang ang nakaaalam at nakakaramdam, ngunit ang hindi lamang niya matandaan ay ang ngalan nang ugat ng kanyang kasiyahan.
Sa paggising ni Ali, lagi na lamang tumatakbo sa kanyang isipan ang mga katagang "Sino kaya sya?"
Hanggang kailan kaya pahihirapan ng bawat katanungan ang isipan ni Ali?
Malalaman niya ba ang tangi nitong pangalan at bawat kasagutan? At matatapos na ba ang mga katagang "Sino ka?"
Ang ibang panaginip ay isang biyaya na dapat tandaan bagkus dala nito ay kasiyahan, ngunit ang iba naman ay dapat na agad kalimutan at kailangan nang gumising sa mismong katotohanan.
"Maaring makalimot ang isip at hindi magkatagpo, ngunit sa puso ko ay nakatatak ang wangis kahit hindi alam ang ngalan mo"
Laging tandaan ang bawat pangitain sapagkat nakapaloob dito ang bawat mensahe.