抖阴社区

Story cover for blades: the stone by juriouo
blades: the stone
  • Reads 249
  • Votes 178
  • Parts 8
  • Reads 249
  • Votes 178
  • Parts 8
Ongoing, First published Oct 09, 2024
Mature
"patawarin ninyo ako!, ako ay nagkasala!" pagmamakaawa ng babae habang nakaluhod sa harap ng lalaking isa lang ang pakpak

"walang tunog na maririnig, pusong iniluwa ay siyang di na maibabalik, kasalanan nga ba ang mag hanggad ng buhay na walang kapalit?" sambit ng lalaki, nagtaka ang babae  

"ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong nito sabay tayo sa pagkaka-luhod

inilapat ng lalaki ang kaniyang kamay sa dibdib ng babae at isang maliwanag na ilaw ang lumabas sa mga palad nito, kasunod nito ang sigaw ng babae habang umaagos ang dugo sa ilong, bibig at mata nito, makikitang nalulusaw ang katawan ng babae at isang bagay na makinang ang nagsisimulang mabuo

"ang buhay na walang hanggan" pagbulong ng lalaki sa makinang na bato bago ito ihulog sa mundo ng mga tao.
All Rights Reserved
Sign up to add blades: the stone to your library and receive updates
or
You may also like
"Panaginip"[Completed] by Danlans
44 parts Complete Mature
Alam mo bang ang buhay ng tao ay parang gulong na umiikot-ikot? Iyong tipong, mula sa ilalim ay napunta sa itaas. At mula sa itaas ay muling umilalim. At mula ulit sa ilalim ay pwede uling umibabaw! Iyong masasabi mong tila pinaglalaruan ka ng tadhana. Ganyan ang buhay ni Melanie Piamonte. Mula sa pagdurusa ay lalong napunta sa mas matinding pagdurusa. Mula naman sa pagdurusa, ay biglang guminhawa!Tila isang panaginip na biglang nagbabago ng scene sa isang iglap. Sama-sama po nating tunghayan ang buhay ng aking bida. Sabay-sabay tayong mamangha kung papaanong nalampasan niyang lahat nang paghihirap sa kanyang buhay. Samahan ninyo akong kiligin sa mga cheesy lines ng aking mga bida. At pare-pareho nating isabuhay ang mga aral sa buhay na naglipana sa loob ng aking kwento. At tiyak na masasabi mo talagang, Ang buhay ng tao ay may iba't ibang mukha. Totoong ang bawat nilalang na ginawa ng Mahal na Panginoon ay may kanya- kanya ng kapalaran bago pa iluwal sa mundo. At ito masdan mo... ang aking kwento! Bangungot! Panaginip! Realidad! Ang buhay ng aking bida na nagsimula sa isang bangungot. Na naging tila isang magandang panaginip na biglang naging tunay na buhay. ------------- Aral: --Hindi masamang mangarap lalo na kung alam mong bukas-mata mong natatanaw ang hinaharap. --Hindi masamang lumipad lalo na kung alam mong abot ng iyong pakpak. --Kapag ang isang bagay ay hindi para sa iyo, malamang para sa iba iyan! --At kasabihang kapag hindi ukol ay walang.....bukol.! --At kapag ikaw ay nagising sa isang magandang panaginip... Huwag mo nang piliting ulitin at baka ikaw ay bangungutin. Just saying... WP-DANLANS MATURE CONTENT COMPLETED COVER DESIGN:KIDDOGRAPHICS
You may also like
Slide 1 of 10
Dilim (Paano Ko Sasabihin?) cover
Isa Pang Balang Araw (Another Someday) cover
Fall Again cover
"Panaginip"[Completed] cover
Be Mine Forever (COMPLETE) cover
Megumi Entirely cover
Moonlight Flits Volume 1 (2018) - UNDER REVAMPING cover
Kailan Ba Ang End Of The World Para Matapos Narin Ang Katangahan Ko. (COMPLETED) cover
TOTGA (Candy Stories #4) (To be published) cover
My Rebound Guy cover

Dilim (Paano Ko Sasabihin?)

27 parts Complete Mature

(Completed) ***WATTPAD FEATURED STORY*** Minsan mo na bang naranasan na sa tindi ng galit mo, desedido ka nang pumatay? Gusto mo ba malaman kung anong tumatakbo sa utak ng isang psycho? Gusto mo ba malaman kung anong mga tumatakbo sa isip ng isang taong papatay? Gusto mo din ba malaman kung paano ginagawa ng isip ang scenario ng pagpatay lalo kung galit galit? Ako oo. Kung gusto mo, ituro ko pa sa'yo --detail by detail. Ang tanong, makayanan mo kayang tapusin ang librong ito? Kaya ba ng sikmura mo ang mga ituturo ko? Siguruhin mong handa ka dahil ayoko ng iniiwan ako. Lalong ayoko ang tinatalikuran ako! *Please note that this is not a Horror Story* -抖阴社区 Featured Story-