抖阴社区

Story cover for I'M BORN AS AN ERYNDOR 2 : FADED AND RETURN | COMPLETED by itsmarresemonika
I'M BORN AS AN ERYNDOR 2 : FADED AND RETURN | COMPLETED
  • Reads 3,587
  • Votes 40
  • Parts 55
  • Reads 3,587
  • Votes 40
  • Parts 55
Complete, First published Dec 19, 2024
Mature
I'M BORN AS ERYNDOR BOOK 2 : FADED AND RETURN
WRITTEN BY MARRESE MONIKA



   Nagising at natagpuan ang sarili sa hindi pamilyar na lugar. Doon niya din napagtanto na nawala ang kaniyang alaala. Ni isa ay walang itinira. Isa na siyang lubusang estranghero. Doon niya nalaman dinala siya ng alon at hangin sa bansang Jian Yu. Bagamat hindi siya pamilyar sa lugar na 'yon, sinisikap niya na mamalagi doon kahit pansamantala lang. Subalit, malalaman niyang siya pala ang sinasabi sa propesiya na mapapangasawa ng kasalukuyang Emperador ng bansa na 'yon, si Emperador Yu Shan!  

   Nagbitaw siya ng pangako. Pero mas malalim pala ang matutunghayan niya nang oras na tumapak siya sa Palasyo. Mas marami pa siyang madidiskobre. Mas maraming sikreto na dapat maibunyag. Ngunit kaya niyang magtiis alang-alang sa mga taong naniniwala sa kaniya. 

   Subalit, dahil sa isang insidente ay malalaman na niya ang lahat. Kung sino siya. Kung ano ang tunay niyang pagkatao at kung ano ang layunin niya na ito din ang magtutulak sa kaniya upang bumalik sa bansa na kaniyang pinanggalingan. Sa kaniyang pamilya - ang mga Eryndor! At ang bansa na naging pangalawang tahanan niya, ang Thilawiel. 

   Sa kaniyang pagbabalik, laking gulat niya na hindi na ito may mga bagay pa pala siyang dapat matuklasan. . .
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add I'M BORN AS AN ERYNDOR 2 : FADED AND RETURN | COMPLETED to your library and receive updates
or
You may also like
"IGINUHIT NG TADHANA" (SKYLER AND MARTHA ROMANCE) by gangstahgirl
77 parts Complete Mature
Matayog,mataas na singtaas ng mga ulap ang pangarap kong abutin. Pangarap na natupad dahil na din sa pagsisikap kong tapusin ang pag aaral kahit napakaraming distraksyon sa buhay ko bilang isa sa pinaka batang tagapagmana ng mayaman kong magulang. Kung nabuhay ako sa karangyaan at kasaganahan,iyun ay dahil sa bilyonaryo kong daddy na si TRISHIA OLIVEROS PAMINTUAN a.k.a TOP.( Supermarket/Fastfood magnate) at Mommie DESS NAKPIL. Masasabi kong nakuha ko kay daddyy TOP ang pagiging charming lalo na pagdating sa mga babae,At dahil na din siguro ilang taon din kaming nanirahan sa ibang bansa bago bumalik sa Pilipinas,Madami dami na ding mga babae ang dumaan sa aking mga kamay at nasanay akong nilalapitan nila kaya ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mababaliktad ang mundo ko ng dahil lang sa babaeng kabaliktaran ng ideal girl ko. Flat chested,payatot at hindi marunong magsuklay.Snob at hindi palakibo, na parang may sariling mundo.In short,WIERDO.Siya si MARTHA Morgan.At kung bakit sa dina dami ng mga babaeng humahanga at nagpapantasya sa akin,Bukod tanging sya lang ang hindi ako tinitignan na para bang hindi ako nag i exist sa mundo..Kaya naman,mas na challenge akong "PAIBIGIN SYA at saka ko binabalak syang IIWANAN kapag nahulog na ang loob nya sa akin. Pero paano? Dahil imbes na mahulog sya sa charm ng isang Skyler Pamintuan... Ako ang na trap sa taglay nyang magagandang katangian. Isang HIGH CLASS PILOT CHARMER at isang WIERDONG PINTOR... Papano sila pagkakasunduin ng kanilang mga puso gayong magkaibang magkaiba sila ng UGALI AT TRIP sa buhay? Nakaguhit ba sa tadhana ang kanilang pag iibigan o pareho silang dalhin ng hangin sa kawalan?
Dangerously In Love [COMPLETED] by writershiie
12 parts Complete
Nang ma-ospital ang kapatid ni Madelyn ay sinulong niya si Keith Montalban, isang notorious underground fighter, para mag-demand na bayaran nito ang hospital bills ng kapatid niya. Ito kasi ang dahilan kung bakit na-injured at puno ng pasa ang kapatid niya. Hindi nito na-appreciate ang panggugulo niya rito ngunit dahil sa pangungulit niya ay pumayag ito. Ngunit may kapalit-magmo-model siya rito habang suot ang isang Pikachu pajama suit. Medyo na-weirduhan siya sa kapalit nito ngunit mas pipiliin niya iyon kaysa ang pagkababae niya ang hilingin nitong kapalit. Ang buong akala ni Madelyn ay hanggang doon lang ang pagkikita nila ngunit nagkamali siya dahil isang araw ay bigla itong sumulpot sa diner na pinagtatrabahuan niya. Siguro may plano ang tadhana dahil hindi come and go ang binata sa buhay niya. Sa halip ay naging hero niya ito nang malagay sa panganib ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay namalayan na lang niyang nahuhulog siya, she was dangerously falling in love with the underground fighter. Ngunit paano kung ang dahilan ng muling pag-aagaw buhay ng kapatid niya ay kagagawan na naman nito? AUTHOR'S NOTE: Hello, guys. Ito po ang kauna-unahang MS ko na ni-return po ng PHR. Haha. Maraming factors kung bakit na-return ang MS pero dun ako natawa sa feedback na parang hindi daw dito sa Pilipinas ang setting ng story. Haha. Puro English novels kasi ang binabasa ko lately kaya ayon, English novel-inspired tuloy ang kinalabasan ng story. Haha. Tanggap ko naman na na-return siya pero hindi ko mapigilang manghinayang. I enjoyed writing the story at naisip ko, sayang naman kung itatago ko lang ito sa hard drive ko. Kaya 'eto, naisip kong i-publish na lang sa 抖阴社区. Sana mag-enjoy rin kayo sa love story nina Keith at Madelyn. Huwag rin po kayong mahiyang mag-comment. Nagpapa-inspire kasi 'yon sa akin. Thankies! Xoxo!
I'M BORN AS ERYNDOR 3 : THE LOST QUEEN | UNEDITED by itsmarresemonika
49 parts Ongoing Mature
TITLE : I'M BORN AS AN ERYNDOR BOOK THREE : THE LOST QUEEN WRITTEN BY MARRESE MONIKA ** Hindi inaasahan ang pagbabalik ni Rini sa dating mundo. Pero sa mga oras na ito ay kasama na niya ang kaniyang mga kaibigan dahil sa isang misyon. Iyon ay hanapin ang dalawa pang mahihiwagang bato na napunta sa mundo ng mga mortal. Ang magiging susi upang maging permanenteng mabubuhay ang nakakatandang kapatid, lalo na ang pinuno ng mga diyos at diyosa ng mundong ilalim. Pero saan nila ito mahahagilap? Hindi naman inaasahan na nakikilala at mabibigyan sila ng tulong sa pamamagitan ng mag-asawang Ramael at Bethany Black, sa pamamagitan nila ay mas mapapadali para sa kanila na mahanap ang mga importanteng bagay. Nakuha nila ang impormasyon na napunta ang isa sa isang black market at nakahanda nang i-auction ito. Samantala ang isa naman ay napunta sa isang sikat na artista. Ngunit mas mahihirapan pa sila na mabawi ang mga ito. Sa kanilang pagbabalik sa Thilawiel, maraming nangyari habang wala ang kanilang presensya. Mayroon ding isang hinding inaasahan na rebelasyon na kanilang malalaman lalo na tungkol sa mga diyos at diyosa ng mundong ibabaw at mundong ilalim. Magiging unos kaya ito ngayong kailangan nilang harapin ang Panginoon ng mga demonyo? Sino ang magiging traydor na labis nilang pinagkatiwalaan? At sino ang tinutukoy na nawawalang reyna mula sa isang lihim na Kaharian? ** PHOTO NOT MINE. THANK YOU.
You may also like
Slide 1 of 10
Barbara: Ikalabing Isang Prinsesa cover
"IGINUHIT NG TADHANA" (SKYLER AND MARTHA ROMANCE) cover
Dangerously In Love [COMPLETED] cover
Philippines: Year 2303 - A Game of War cover
I'M BORN AS ERYNDOR 3 : THE LOST QUEEN | UNEDITED cover
Binayaan: Hagupit ng Ganti  cover
Disturbed Serenity cover
The Forbidden Love  cover
A.R. Series- Being a Prince eerr, Princes?!! cover
Tonyo Chronicles: Ang Paglalakbay ng itinakda cover

Barbara: Ikalabing Isang Prinsesa

48 parts Complete

Barbara Estera, ikalabing isang prinsesa ng Imperyo ng Madangal. Siya ang pinakamababang dugong bughaw at siya din ang nagiisang babae na kasali sa paligsahan ng magmamna ng trono. Ayon sa numero, huli siya sa rango na may kakayanang mamuno ng emperyo, bukod sa takaw gulo ay hindi niya sineseryoso ang mga pagsusulit. Ngunit napatunayan niya na kung gugustuhin niya ay kaya niya manguna sa puwesto. Subalit nanatili siyang nasa dulo na para bang kasiyahan niyang pakabahin ang mga kakumpetensya niya at pagisipin ang mga ito kung kalian siya kikilos at aangkinin ang pinakamataas na posisyon. Ngunit pagkagising niya isang araw. Nagbago ang isip niya, bibitawan niya na ang karapatan niyang maging tagapagmana ng trono... pero kung kalian napagdesisyonan niya ng manahimik sa isang tabi, ay saka naman nagsimula ang mga tao sa palagid niya na guluhin siya! Kung alam lang nila ang tunay na katauhan ng dalaga, siguradong hindi nila ito iinisin ng sobra, dahil si Barbara ang magpapakita sa kanila na may impyerno sa lupa. Updating Schedule: Once to Twice month Cover: Santialeni