11 parts Ongoing Sa Westvale High, hindi uso ang pagiging invisible-lalo na kapag ikaw si Caleb Donovan. Captain ng basketball team, campus heartthrob, at certified chick magnet. Kaya naman nagulat ang buong school nang bigla siyang pumorma kay Aerin Gustavo, ang tahimik at laging nasa sulok na girl na walang pakialam sa popularity. Sa unang tingin, parang fairytale ang prince charming na nahulog sa simpleng babae.
Pero hindi alam ni Aerin, laro lang pala lahat. Isang pustahan. Isang game kung saan ang premyo ay ang puso niya. At nung nalaman niya ang totoo, parang may bumagsak na mundo sa kanya. Pero imbes na umiyak o mag-walk out, ngumiti lang siya... at nagdesisyong makipaglaro rin. Akala ni Caleb siya pa rin ang may hawak ng laro ang hindi niya alam, unti-unti na siyang nahuhulog sa babaeng akala niya'y madali lang paikutin.
Ngayon, habang patuloy ang palabas nilang dalawa, isa lang ang tanong..... anong mangyayari kapag hindi na umaarte si Caleb at totoo na pala ang nararamdaman niya? At kapag dumating ang araw na kailangang sabihin ang totoo, pipiliin ba ni Aerin ang pagmamahal... o ipapaalala niya kay Caleb kung paano masakit ang maloko?