抖阴社区

Story cover for If It's All I Ever Do by joemarancheta123
If It's All I Ever Do
  • Reads 75,335
  • Votes 387
  • Parts 5
  • Reads 75,335
  • Votes 387
  • Parts 5
Complete, First published Aug 30, 2015
Maraming akong hindi maintindihan sa buhay ko, maraming mga katanungang hindi ko mahanapan ng kasagutan. Kahit pa sa dami ng mga aralin sa school ay di kayang sagutin ang magulong pinagmulan ko. Dahil hindi ko kilala at buong maintindihang ang pinanggalingan ko, nawalan na din ng direksiyon ang aking pagkatao. Gusto kong magalit ang mundo sa akin, gusto kong isuko na lang ako ng mga taong nagpapahalaga sa aking kabutihan, ngunit bakit kahit anong gawin ko lagi akong inuunawa, nadadarang ako sa pagmamahal, natutupok nito ang kagustuhan kong lumayo sila sa akin. 
Ano ang kayang isakripisyo ng pagmamahal mo para magising ako sa katotohanang mali ako at tama ka, na ikaw ang para sa akin at hindi siya. Ayaw kong matulad sa mga taong nagpalaki sa akin, hindi ko gusto ang buhay ng kagaya nila ngunit paano... paano ba turuan ang damdamin kong hindi dapat ikaw ang aking mahalin!
-Romel

         Paano ka mababago ng pagmamahal ko? Saan ako dadalhin ng kagustuhan kong mabago ang mundong ginagalawan mo...
                       Makikita mo kaya ang kabutihan ng ginagawa ko para sa'yo o hihilain mo lang ako sa mundong gusto kong iwan mo...
                      MAHAL KITA... hindi ko isusuko ang pagmamahal na iyon kahit katangahan at kahibangan na para sa iba...kahit pa sobra na akong nasasaktan at pauli-ulit na ang pagluha ko'y ikaw ang dahilan... 
                     Maayos na sana ang buhay ko, matino na sana ang aking pagkasino ngunit nang minahal kita, naging magulo na ang dati ay kinainggitan ng maraming kabataan na narating ko, kasi ikaw daw ang mali sa buhay ko, ang tanging maling nakikita nila kaya napapariwara ako ngunit paano kita tatalikuran kung ang maling iyon ang pinakamahalagang ipinaglalaban ko, dahil ikaw...ikaw ang alam kong kulang na lang sa buhay ko!---- JINO
All Rights Reserved
Sign up to add If It's All I Ever Do to your library and receive updates
or
#900m2m
You may also like
STRAIGHT by joemarancheta123
5 parts Complete Mature
Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali't salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak... malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko. Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, barakada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa. NOTE: Read Everything I Have, Chakka at Nang Lumuhod si Father bago ito basahin dahil ang mga naunang nabanggit na nobela ay book 1, 2 and 3 ng nobelang ito.- Joemar Ancheta
Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) Completed by IamyourDestiny13
48 parts Complete
Sabi nila ang lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Lahat daw ay naaayon sa gusto ng puong may kapal. Pero papaano kung ang inakala mong taong nakatadhana sayo ay isa lamang pagsubok? Isang pagsubok kung saan magbabago ang pananaw mo pagdating sa larangan ng pag-ibig? Ang dating tuwid na paniniwala mo ay naging baluktok. Ang dating nagmamahal ng babae ay ngayon ay umiibig at humanga sa kapwa lalaki. Ano ang gagawin mo sa ngalan ng pag-ibig? Handa kabang ipaglaban ito o hahayaan nalang ang tadhanang maglapit sa inyo? Si Paul, labing pitong taong gulang at nangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng maayos na trabaho. Ngunit papaano kung ang kursong gusto niya ay hindi niya nakuha? Ano ang mangyayari sa pangarap niya? Papaano kung ang kursong ibinigay sa kanya ay ang kursong magbabago ng kanyang pagkatao? Ano ang gagawin niya? Susubukan niya ba ito o uurungan ang pagkakataon? Ito na kaya ang tadhanang sinasabi sa kanyang kapalaran? Ito na kaya ang umpisa ng kanyang pagbabago o ito na ang katapusan ng kanyang pangarap? Si Jasper, isang lalaking nangarap na maging isang mahusay na aktor at modelo pero magtutuloy tuloy pa rin kaya ang kanyang pangarap kapag nakita niya ang taong magpapatibok ng kanyang puso? Papaano babaguhin ng taong nagpatibok ng kanyang puso ang kanyang kapalaran? May pagasa kaya sila o mananahimik nalang at magpapanggap na walang nararamdaman sa isa't isa? At papaano kung ang taong inakala niyang magmamahal at hindi gagawa ng masama sa kanya ay pagtangkaan siya ng hindi maganda. Masisira kaya ang kanyang tiwala o mas lalo lang mahuhulog? Lalayo kaya siya o babaliwalain niya lang ito? Paano pagtatagpuin ng isang kurso ang dalawang pusong nangangarap ng matayog? Ito kaya ang kursong sisira sa kanila o ito ang tuluyang maglalapit sa kanilang dalawa? -At ito ay dahil sa "Ang Kursong hindi ko Inakala"
You may also like
Slide 1 of 10
Pawis at Katas (A Trilogy) cover
STRAIGHT cover
Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) Completed cover
Paano Ko Sasabihin cover
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED) cover
Ang Boyfriend Kong  Super Star cover
HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETE cover
Unforgettable: a love untold cover
A World Of Our Own (BoyxBoy) cover
Pare Mahal Mo Raw Ako?  cover

Pawis at Katas (A Trilogy)

13 parts Complete Mature

Kung si Magneto ay may kapangyarihan na ma attract ang mga bagay gawa sa bakal, ibang kapangyarihan yata ang taglay ko. Imbis na bagay ang ma attract sa akin, mga kalalakihan sa aming lugar at eskwelahan ang kaya kong paganahin. Ako si Vinz. Isang simpleng bata na walang alam sa makamundong pagnanasa. Pero ng tumuntong ako ng elementarya hanggang college, nagyari ang mga bagay na nagpamulat sa aking pagkatao. Ang istoryang ito ay hango sa totoong mga nangyari sa buhay ng isang tao, bagamat isang imahinasyon lamang ang mga lugar at mga pangalan ng tao, ang mga pangyayari ay tunay na nangyari at mga experiences. Ito ay puno ng mga foreplay at sex, kung ayaw niyo sa temang ito ay pwedeng isara, para lamang ito sa open minded person at mga mapagnasang isipan...hehe.. Anyways, this is my first story here in wattpad. Hope you enjoy this one and pasensya na if may mga typo error or wrong grammar, hindi po ako bihasa sa tagalog, cebuano po ako...hehe.. Again, this story is for mature readers, have fun!