52 parts Ongoing Masaya, masaya ang buhay nila Solemn Coleen Salford at Kyle Derick Magnus bilang mag-asawa. Si Kyle, isang matagumpay na CEO, at si Solemn, isang babaeng matatag at puno ng pagmamahal, ay nagtagpo sa gitna ng unos ng kanilang nakaraan. Sa kabila ng mga sugat at sakit na kanilang naranasan, pinili nilang magmahalan at magsimula ng panibagong yugto ng kanilang buhay.
Ang kanilang pagmamahalan ay naging sandigan sa bawat pagsubok. Sa bawat araw na lumilipas, lalong tumitibay ang kanilang samahan. Hanggang sa dumating ang araw na biniyayaan sila ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang Kaleb Serein-Kaleb mula sa pangalan ni Kyle at Serein mula sa pangalan ni Solemn. Isang simbolo ng kanilang pagmamahalan at pag-asa sa hinaharap.
Ngunit sa gitna ng kasiyahan, isang trahedya ang yumanig sa kanilang mundo. Bigla na lamang nawala si Kyle, na parang bula. Walang paalam, walang bakas, at walang paliwanag. Ang dating masayang tahanan ay napalitan ng katahimikan at pangungulila. Si Solemn, na noo'y puno ng pag-asa, ay unti-unting nilamon ng kalungkutan at pagdududa.
Limang taon ang lumipas. Limang taon ng paghihintay, pag-asa, at pagdurusa. Sa kabila ng lahat, pinilit ni Solemn na maging matatag para sa kanilang anak na si Kaleb. Ngunit ang bawat araw na lumilipas ay lalong nagpapabigat sa kanyang damdamin. Hanggang sa dumating ang araw na nagpasya siyang iwan ang Pilipinas at magsimula ng panibagong buhay sa France, kasama si Kaleb.
Sa kanyang pag-alis, dala ni Solemn ang mga alaala ng kanilang pagmamahalan-mga alaala na pilit niyang nililimot. Ngunit bago pa man siya makalipad patungong France, isang hindi inaasahang pangyayari ang pumigil sa kanya.
Isang mensahe.
Isang paalala na ang nakaraan ay hindi basta-basta mawawala.
At sa kabila ng lahat, isang pangakong binitiwan:
"I will always find you."