抖阴社区

CHAPTER 8

636 47 34
                                        

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leigra's Pov]

"Anong nangyari sa muka mo Leighra?" Daddy asked.

"Nagkapasa daddy." Sagot ko, natawa naman si mommy.

Sinamaan ako ng tingin ni daddy pero yumuko ako para sumubo ng pagkain.

"I know, bakit nga nagkapasa?" Nilingon ko si daddy at mabilis lang na tumingin kay Harvey na nakayuko.

Malamang ay sinisisi niya ang sarili niya.

"Tumama ako sa pinto, medyo tatatanga ako kaya ayun, napalakas pala." Sagot ko.

"Be careful next time." Aniya kaya tumango nalang ako at sumubo sa pagkain.

Walang pasok ngayon at pinili naman ni mommy ang magpahinga, at si daddy ang papasok sa trabaho niya.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at naligo.

Nilinis ko na muna ang aking kwarto at inilagay ang mga Libro kong nobela sa aking munting book shelves at kinuha ang anti radiation na salamin ko.

I tied my hair in a messy bun and face my computer.

I start to encode my research and study it well.

Paulit ulit ko pa itong pinag aralan nang tumawag si Forah.

"Oh?" Pagsagot ko.

"Nawawala ang notebook ko para sa chapter 3 ng research,  nasa 'yo ba?" She asked.

"Sandali at titignan ko." Sabi ko naman at kinalkal ang bag ko at hinanap kung nandoon nga ba.

"Nasa akin nga." Sabi ko.

"Dadaan diyan si kuya Clint pakibigay naman kapag, ibinilin ko na din sa kaniya." Sabi niya.

"Sige." Sagot ko.

"Thanks." Aniya at pinatay ang tawag.

Ipibagpatuloy ko ang pag encode.

Hour had passed and someone knocked.

"Come in."

The door open that's why I averted my gaze to the person who knocked as he open it.

"Good morning Leighra, kunin ko nga notebook ni Forah." Sabi ni kuya Clint.

Ngumiti naman ako at ibinigay ang notebook ni Forah.

"Busy ka din pala gaya ni Forah." Aniya.

"Opo, defense na kasi kami sa friday kaya naman heto po nag eencode na kami para macheck pa ang gawa namin bago namin maifinalize." Sabi ko.

"Pagbutihin niyo kung ganoon, mauna na ako." Pamamaalam niya, ngumiti at tumango naman ako sa kaniya at ayun umalis na.

Muli kong hinarap ang computer ko at nagpatuloy sa pageencode.

Tumakbo ang oras, at oras na ng tanghalian. Hindi na ako bumaba at hinatiran ako ng pagkain.

While encoding at isinasabay ko ang pagkain hanggang maubos ko 'yon at uminom na ng tubig.

Itinabi ko muna ang tray at tinutukan ang ginagawa until finally, I finish it. I stretched my arms at nakangiting tumayo dala ang tray na pinaglagyan ng pagkain kanina.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]? (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon