Laura: *Sigh* May iniisip lang ako.
Aly: Ano naman yun?
Laura: It's something personal.
Aly: About Love?.
Umiwas sya ng tingin sa akin at bumuntong hininga, sandali lang yun dahil agad din syang nagbalik ng tingin sa akin.
Laura: Hindi ako mahal ng mahal ko eh... (Simple at mahinahon lang ang pagkakasabi nya nun pero halata ang lungkot sa boses nya.)
Aly: How sure you were? At sino naman'g tanga na hindi ka kayang mahalin?
Laura: Bakit? Mahal mo ba ako?
~
< Dennise P.O.V >
Ella: Oh besh, si Aly?
Mae: Oo nga, bat ikaw lang?. Saka bakit mukhang byernes santo yang mukha mo?
Yun agad ang bungad sa akin ni Mae at Ella nung dumating ako sa dorm. Sila lang dalawa ang nadatnan ko dito sa sala.
Den: Nasaan yung iba?
Mae: Knock out na. Pagod eh....
Ella: Ayos ka din eh, noh? Tinanong ka namin pero tanong lang din yung ibinalik mo sa amin. (Sabi nya sa akin.)
Mae: Nasaan ba si Aly?
Den: Sinundan si Laura.
Ella: Sinundan si Laura?... (Taka nyang tanong.)
Den: Magkasama sila ni Laura.
Mae: Huh?! Bakit?
Den: Ewan ko. Wag nyo na nga'ng itanong yun. Sige na, matutulog na ako. (Pagpapaalam ko sa kanila.)
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagpalit ng damit tapos ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama ko.
"Akala ko okay na.... Akala ko lang pala." -Sabi ko habang nakatingin sa kisame.
Pumikit na ako para matulog pero kahit anung gawin ko ay hindi ako makaramdam ng antok. Dumilat nalang ako at saka bumangon, kinuha ko sa ibabaw ng side table yung cellphone ko saka nag open ng twitter.
Scroll
.
.
.
Scroll
.
.
.
Scroll
UGHHHHH! BADTRIP!
May nag tweet ng picture ni Aly at Laura na magkayakap. At kakakuha lang nung picture na yun. Paano ko nalaman? Kung ano kasi yung damit na suot nila ngayon ay iyon din yung suot nila sa picture, at may caption din na "Fresh shot."
Badtrip talaga! Iniwan nya agad ako matapos kaming tanggalan ng posas kanina para lang sundan si Laura.
In- off ko na yung cellphone ko at ipinatong ito sa side table. Masyado akong badtrip ngayon kaya ayaw ko ng makakita pa ng ibang post about kay Laura at Alyssa.
Pumikit nalang ulit ako at ipinatong ko yung kaliwang braso ko sa ibabaw ng mga mata ko. Ilang sandali pa ay narinig kong tumunog yung pinto, pumasok na yata si Ella.
~
Second day na ng fair ngayon kaya maagang gumising yung iba sa team mates ko para pumunta sa booth nila.

BINABASA MO ANG
I LOVED YOU FIRST by Colt
FanfictionRe-publishing this story due to the request of the previous owner's followers
Chapter 18
Magsimula sa umpisa