抖阴社区

Chapter 20

25.1K 486 61
                                    

Continuation....

~

Aly: Guys ano bang problema nyo?! Bat ba ayaw nyo kong papasukin sa kwarto namin?!.

Nakita ko na napalunok yung iba sa kanila, para silang kinakabahan.

Ano bang problema ng mga to!? Ang weird nila. Tama ba naman'g pigilan akong pumasok sa sarili kong kwarto!?

Hinawi ko yung mga nakaharang kong team mate at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa tapat ng pintuan namin.

Pipihitin ko na sana yung door knob nang may humawak sa kamay ko at pinigilan ito.

Nilingon ko kung sino yun at isang nag aalala at kabadong Mae ang nakita ko.

Mae: Ly... Wag ka ng tumuloy.

Binitawan ko yung door knob at tuluyan na akong humarap sa kanilang lahat.

Aly: Ano bang nangyayari sa inyo? Kung pigilan nyo akong pumasok sa kwarto namin, parang hindi na ako makakalabas ng buhay.

Napansin ko na nagkatinginan sila at kita ko rin ang pag aalala sa mukha nila.

Hinintay kong may magsalita pero mahigit isang minuto na yata ang nakalipas pero wala man lang ni isa ang kumibo. Kaya mabilis akong humarap sa pintuan at pinihit ko yung door knob.

Pagbukas ko ng pinto ay natigilan ako, nakita ko si Ella, Jirah at Aeriel na nakaupo sa kama ni Den. Si Dennise naman ay nakaupo din sa kama nya, nakapatong yung dalawang braso nya sa tuhod nya at mugto ang mga mata nya.

Natigilan din silang apat nung makita nila ako.

Bigla nalang may humila sa akin palabas at nangtingnan ko ay nakahawak na si Marge sa balikat ko.

Marge: Ate Ly, labas ka muna.

Hinihila nya ako pero mas malakas ako kay na natili akong nakatayo malapit sa pinto.

Mae: Alyssa halika muna dito. (Pamimilit nya sa akin.)

Aeriel: Ly, please. Lumabas ka muna.

Marge: Ly tara na....

"HINDI!"

Ang sigaw kong iyon ang nagpatahimik sa kanilang lahat, naramdaman ko rin na lumuwag ang pagka hawak ni Marge sa akin.

Humakbang ako papasok sa kwarto, mga apat hanggang limang hakbang ang layo mula sa kama kung saan nakaupo sila Den. Tiningnan ko sila ng seryoso.

Aly: Ano bang nangyayari? Ano bang meron? At saka bakit mugto yung mata mo? Dennise.

Pagsabi ko noon ay bigla nalang tumayo si Den at nanakbo sya papalapit sa akin pero ang sumunod nyang ginawa ang mas ikina bigla ko. Pinaghahampas nya ako sa dibdib gamit ang dalawang kamay nya. Dahil na rin siguro sa pagkabigla ay hindi na nagawa pang umawat ng mga kasama namin.

Den: NOW YOUR ASKING! IT'S BECAUSE OF YOU! YOU NUMB! (Sigaw nya habang patuloy sa paghampas sa akin.) DUMB ASS! YOU F*CKING TWO TIMER!

Pinilit kong pigilan ang mga kamay mya at nang magawakan ko ang mga ito ay agad ko syang niyakap.

Hindi ako tanga, at mas lalong hindi ako manhid para hindi ko maintindihan kung anung gusto nyang iparating.

Pinipilit nyang pumalag sa akin pero hindi ko sya pinakawalan, mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Tumayo na sina Ella at pilit syang kinukuha sa akin pero pinigilan ko sya.

Aly: Guys, lumabas muna kayo.

I LOVED YOU FIRST by ColtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon