抖阴社区

                                    

8 am na nung magising ako, at wala na rin akong kasama sa kwarto pagka gising ko. Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko si Maddie at Bea na nag a-almusal.

Den: Good morning!

"Good morning!" -Bati nila sa akin.

Nilapitan ko sila Bea na nasa dining table, agad kong napansin ang isang tasa na nay nakadikit na sticky note. Malaki yung pagkakasulat ng pangalan ko sa sticky note kaya tinanggal ko ito at binasa.

DENNISE

  GOOD MORNING!

I made you some coffee pero dahil hindi ko alam kung anung oras ka magigising, hindi kona nilagyan ng hot water para hindi lumamig agad. Enjoy your coffee :)

                                                                                                                            -Aly

Kinuha kona yung cup at saka ako nagpunta sa kitchen para kumuha ng hot water. Dun kona rin nilabas yung ngiti at kilig na kanina ko pa pinipigilang ilabas.

After kong itimpla yung kape na ginawa ni Aly ay bumalik na rin ako sa dining table,

umupo ako sa tabi ni Maddie at kaharap namin si Bea. Sinabayan kona silang kumain.

Bea: So?... How's the coffee?... (Nakangiting tanong nya sa akin.)

Den: Good. (Sagot ko matapos humigop ng kape.)

Maddie: Does it lingers your soul and touch your heart?...

Napatingin naman ako kay Maddie.

Den: WHAT?!

Maddie: In tagalog, kinilig kaba?

Bea: Oo nga ate Den. K.T.B (Kilig To the Bones) ba?

Den: Tigil tigilan nyo nga ako!.

Bea: Grabe ka naman ate, ang aga-aga,  ang sungit sungit.

Den: Eh kayo naman kasing dalawa, ke aga-aga, ang kulit kulit.

Maddie: Haaaay.... Bilisan nyo na nga lang kumain para mahugasan ko na yang kinakainan nyo. At para makalabas na tayo.

Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako.

Den: Wait lang guys, maliligo lang ako.

"WHAT!?" -Sabay nilang sigaw.

Den: Problema nyo?

Bea: Seryoso, maliligo kapa?

Den: Oo. Kakagising ko palang kaya hindi pa ako nakakaligo.

Maddie: Mauuna nalang kami.

Den: Hintayin nyo na ako.

Maddie: Eh ate, natapos ko ng hugas yung mga pinagkainan, sure akong hindi ka parin tapos maligo.

Bea: Ginagawa mo naman kasing fiting room yung banyo after mong makaligo.

Den: Grabe naman kayo, hindi kaya.

Maddie: Ate, sumunod kana lang sa amin.

Den: Sige na nga. Enjoy kayo dun.

Bea: Kita nalang tayo sa hotdog stand.

Den: Dun nanaman kayo tatambay?

Maddie: Eh ang cute tingnan nila ate Ella.

Den: Sige na. Maliligo na ako.

Pumunta na nga ako sa kwarto namin para makaligo. Pagka labas ko mula sa banyo ay agad kong napansin si Alyssa na natutulog habang nakahiga sa kama ko at may isang malaking teddy bear sa tabi nya. Yun yung teddy bear na gusto kong makuha sa game booth.

Nilapitan ko si Ly at umupo ako sa tabi nya. Hinawakan ko yung teddy bear. It's a big yellow bear.

"Bakit na kay Aly to?"  -Tanong ko sa sarili ko.

"Hmmm..." -Ungol ni Ly.

Gumalaw sya at humarap sa akin pero tulog pa rin sya. Bakit ba parang pagod na pagod sya, eh 10 am palang naman. Di kaya pinagod sya ni Laura?

URGHHH!..... BAKIT KO BA NAISIP YUN!?

Para ko na rin'g ininis yung sarili ko. Kasi naman, badtrip yung picture nila ni Laura kagabi, at nag trending pa yung #LauLy. #AlyDen kasi dapat yun eh.

Naramdaman kong gumalaw ulit si Ly kaya napatingin ako sa kanya, gising na pala sya at nakatingin sya sa akin. Bumangon sya at umupo sa kama ko.

Aly: Good morning.

Den: Good morning. Bakit dyan ka sa kama ko natulog?

Bigla nalang nya akong hinila at niyakap tapos ay isiniksik nya yung mukha nya sa leeg ko, nakiliti pa ako dahil parang inaamoy nya yung leeg ko.

Den: Alyssa nakikiliti ako.

Bahagya syang lumayo sa akin, magkaharap na kami ngayon.

Aly: I can't help it. I miss your scent.

Den: Yung amoy ko lang? (Pagtatampo ko sa kanya.)

Muli nya akong niyakap at isiniksik nanaman nya yung mukha nya sa leeg ko.

Aly: I miss you.

Bigla nalang nyang dinampian ng mga mumunting halik yung neck ko, na naging dahilan para makiliti ako.

Den: Ly nakikiliti ako.

Lumayo ulit sya sa akin tapos ay nginitian nya ako.

Aly: Do you like it?

Awtomatikong napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Ly. Anung ibig nyang sabihin dun?

Den: What!?

Aly: The bear. I mean.

Den: Bear? (Napatingin ako sa teddy bear.)

Aly: It's yours.

Den: Mine?

Aly: Yes, It's yours. (Bigla nalang lumungkot yung expression ng mukha nya.) Why? Don't you like it?

Den: Of course I like it! (Mabilis kong sagot kaya muli syang napangiti.) Pero paano mo nalaman na yan yung gusto ko?

Aly: Nakita ko kasi na tinitingnan mo yan kahapon. Hindi ko naman agad makuha kasi nakaposas tayo kaya binalikan ko kagabi kaso sarado na sila. So, I wake up early kanina para puntahan yan sa game booth.

Den: Thank you... Tell me, how can I repay you for this?

Aly: A kiss will do.

Hinalikan ko naman sya sa lips pero sandali lang. Nginitian lang nya ako matapos yun. Tumayo na ako at hinila ko sya patayo.

Den: Tara, punta na tayo sa fair.

Aly: Uhm... Hindi pwede eh...

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

Den: Huh?! Bakit?

Yumuko sya at napakamot sa likod ng taenga nya.

Aly: May usapan kasi kami ni Laura. (Mahina nyang sabi.)

Pagalit kong binitawan yung kamay.

"MAG SAMA KAYO NG LAURA MO!" -Galit kong sigaw sa kanya.

Mabilis kong kinuha yung bag ko mula sa study table ko at saka lumabas ng kwarto namin, nilakasan ko talaga yung pagsasara ng pinto.

BADTRIP SYA! 

Papakiligin nya ako tapos bigla nyang sasabihin sa akin na hindi nya ko pwedeng samahan dahil sasama sya kay Laura.

~~~~

I LOVED YOU FIRST by ColtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon