抖阴社区

Chapter 2

23 2 0
                                        

Chapter 2

Tatiana

Ang ganda ng Japan. Buti pumayag ang mga magulang ko na magtravel muna bago ang napagkasunduan. Ikakasal na kasi ako sa kababata kong si Philip.





Masaya naman kami sa naging desisyon ng mga magulang namin. Matagal na kaming magkakilala ni Philip. Simula pagkabata pa lang.






Isa siya sa mga tanging tao na nakakakilala sa akin ng tunay... ng tunay kong pagkatao. Napahuntong hininga ako. Nakakalungkot dahil hindi siya sumama sa akin dito. Hindi niya tuloy maa-appreciate yung nakikita ko ngayon.






Kinakabahan ako dahil naisipan kong tumakas kay Alecia pagkarating namin sa Japan kanina. Akala ko susundan niya ako kaya kung saan saan ako nagsusuot. Tapos pagtalikod ko, wala pala siya kaya ang tahimik.







Siya lang naman ang laging pumipigil sa akin kapag nagliligalig ako. I was isolated because of my status. Kaya hindi ko maintindihan yung word na 'Friendship' until Alecia came. She was of my age.







Pag nasa formal events kami, she is with me, wearing gowns and stuff but if informal events like this, she is my friend and companion.









Napabuntong hininga ako. Kanina pa ako rito sa park. Halos napicturan ko na lahat. Camera lang ang dala ko. Hindi ako pinagamit ng cellphone dahil si Alecia ang nagsisilbing cellphone ko.





Tahimik lang akong nag iikot rito. Napahinto ako nang mapadaan ako sa napakagandang cherry blossom tree. Ang ganda niya. Parang ang tagal na ng puno na ito. Sobra siyang namumulaklak.







Inihanda ko ang camera ko sa harap ng cherry blossom tree saka pinindot ang camera. Chineck ko yung camera ko at hindi ko nakuhaan. Nagbiblink naman yung camera.






Sinubukan ko ulit. "Wala talaga."





Bakit nagbiblink nga pala to? Tinry ko ulit pero ayaw talaga. Napatitig na lang ako sa puno. Pwede bang magwish dito? Freedom. Napangiti ako kasi ang ganda titigan ng punong ito.






Parang ako lang. It blooms magnificently but it always stay as to where it is. Napatawa na lang ako sa naiisip ko. Narinig kong may nagsalita sa likod ko.







Napalingon ako sa kanya. Nahaharangan ko pala siya. Tiningnan ko ang camera niya at mukhang professional siya. Napangiti na lang ako. He looked carefree.







I wish I could have that too. Natapos ako sa pag-iisip at kinausap siya. Ang pogi niya... No!







Hindi na ako nagtaka nang nagsungit siya sa akin. Sa expression niya pa lang, hindi talaga mahilig makisalamuha. Sa tinagal tagal kong nagsilbi sa publiko simula ng bata pa ako, alam ko na ang ekspresyon ng taong mahilig makisalamuha sa tao at yung hindi.







Nagpaliwanag ako sa kanya kung bakit ko siya hinarangan. Ipinakita ko ang camera ko. Lowbat pala ang camera ko.




.....


Sumimsim ako sa mainit na kape na inihanda sa akin ng lolo ni Nicolas. Ngumiti na lang ako bilang pasasalamat. Napakasarap ng kape at nakakapanibago. Hindi ako masyadong umiinom ng kape. Puro tea ang iniinom namin sa... aming tahanan.





May halong tamis at pait ang kape. Halatang purong puro ito. Napalibot ang tingin ko sa coffee shop. Katamtaman lang ang laki nito pero punung puno ang loob ng masasaya at ibat ibang tao. I am glad I visited Japan.





Invisible StringWhere stories live. Discover now