抖阴社区

??CHAPTER 3??

6.4K 224 15
                                    

AXERYLLE VIOLET POV:

Ang daldal nilang dalawa pati pagtulog ko kanina naistorbo nila hindi ba nila pwedeng hintayin na magising ako?

Pakatingin ako sa bintana at kita ko ang maliwag na buwan kaya bumaba ako ng kama at dumungaw sa bintana.

Habang pinagmamasdan ang buwan ay may napansin ako sa baba. May nakita akong apat na lalake at may tatlo pang lalake pero yung tatlong lalake ay tatakbo sana sila ng tumakbo din ang apat kaya naabutan nila ito.

Nakita ko ang pagbubugbug nila sa tatlo at sinaksak pa nila ito hindi ko makita ng mabuti ang kanilang mukha ngunit sa tulong ng liwanag ng buwan ay nakikita ko ang kanilang ginagawa.

Hindi na ako magugulat sa kanilang ginagawa dahil Mafia's Academy ito at maraming mafia na pwedeng pumatay loob ng akademya.

Napansin ko ang isa kanila na tumingin sa gawi ko na binigyan ko lang na poker face na para bang wala akong pake-alam sa ginagawa nila sa tatlo.

Lumayo sa bintana at hinawi ang kurtina saka humiga sa kama para matulog dahil kulang pa ako sa tulog kagagawan ng dalawang takas sa mental.

Bukas ko na lang babasahin ang rules ng academy para walang mag-iisturbo ng buhay ko at ayaw kong masangkot sa mga gulo na ginagawa ng iba.

Weird man dahil dito ako pumasok pero mas mabuti na din dito dahil malayo ito sa syudad kaya ok na ako dito.

-----------------MORNING-------------

4:56 AM

Pagkagising ko napa-unat agad ako ng katawan at bumaba ng kama saka kinuha ang gamit kong panligo at lumabas ng kwarto.

Remember katabi ng kitchen ang CR ng so kailangan talagang lumabas ng kwarto.

Napatingin ako sa dalawang kwarto at alam kong tulog pa sila. Well, mga 7:00 AM pa naman ang start ng class.

Dumiretsyo ako sa CR at tinanggal ang mask ko bago maligo ginamit ko ang hot water dahil malamig ngayong umaga.

Pagkatapos ko maligo ay nagpunas muna ako bago suotin ulit ang mask saka nagluto ako ng nakatapis lang minadali ko na lang ang pagluluto baka makita pa ako ng dalawang madaldal na nakatapis lang mukhang manyak pa naman ang isa sa kanila.

Bumalik ako sa kwarto ko at sinuot ang uniform na binigay sa akin ng dean.

Napatingin ako sa salamin na katabi lamang ng mini cabinet ko at medyo maikli ang palda pero ok na naman hindi naman ako maarte dahil nakacycling naman ako.

Nagpatuyo ako ng buhok at nilugay ko lang ito lagi naman itong nakalugay hindi ko tinatalian kahit mainit pa ang panahon and medyo curly yung dulo ng buhok ko.

Lumabas ako ng kwarto dala-dala ang bag at cellphone pero nakita ko yung kwarto ng dalawa kaya kumatok ako ng dalawang beses sa bawat pinto bago pumunta sa may sala.

Pinatong ko muna ang bag ko sa couch saka dumiretsyo sa kusina para maunang kumain..

Bahala sila kung hindi sila magigising basta kumatok naman ako sa kwarto nila.

Kumain ako ng breakfast at hinugasan na din ang pinagkainan ko pagkatapos ay pumunta ako sa sala at umupo sa may couch.

Tiningnan ko yung Oras sa cellphone ko at 5:47 na. Hindi parin sila nagigising tsk mga tulog mantika.

I don't know but mukhang spoiled ang dalawang to.

Habang wala pa at malayo pa ang oras ay nagbabasa ako about sa rules para naman may advantage ako sa academy nato. Gusto ko lang na tahimik na pag-aaral dito, yun lang at wala ng iba.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon