KASALUKUYAN...
"Anak ko!" palahaw ng isa sa dalawang pumasok sa kwarto ni Augustus, agad ay napalingon si Ave at Clemente ng may naramdaman silang presenysa sa likod nila
"M-my lady!" bulalas ni Clemente
"Call inspector Kane Holmes, Ave, calm yourself. I need you to do that." ani ng babae
"But my s-"
"I know. I'll sort this out. Trust me." ani ng babae - ang detective
Makalipas naman ang dalawapung minuto ay nakarating na si Kane kasama sina Miguel at Angelo sa mansyon ni Augustus at naabutan nila si Ave na balisa at di makali habang ang butler namang si Clemente ay sinalubong sila at binigyan ng mga puting gwantes.
Napa-angat ang kilay ni Kane dahil dito - "The young lady told me to give you those." saad ni Clemente at yumuko
"Naku, inspector, pinaghanda ka na pala ni detec-" saad ni Angelo ng samaan sya ng tingin nito
"Mr Miguel Olley went upstairs already, inspector." saad ni Clemente at agad na umakyat ang dalawa patungo sa study ni Augustus kung saan sya natagpuan. Nakita ni Kane na may sinasabi si Miguel sa babaeng detective at nailing ito, napakamot sa likod ng ulo niya si Miguel at sabay silang napatingin kay Kane at Angelo.
"Detective," pagtawag ni Angelo sa kanya
"Officer, Inspector," bati ng detective at lumapit sa kanila, medyo napa-atras si Kane at napataas ang kilay ng detective
"This is the room we saw last night, Mr Holmes."
Wala namang imik si Kane at lumampas ng lakad sa detective at ininspeksyon ang silid. Hahawakan nya na sana ang bangkay ng pigilan sya ng detective.
"Don't. Officer, kindly bring here a pail." anya sabay baling kay Angelo
"Pail?"
"Timba, officer, timba." saad ng babaeng detective at agad lumabas, "Bakit?" tanong ni Kane.
"Later, you'll know. Sa ngayon, hayaan mo lang ang bangkay." saad nito sa kanya
Napansin naman ni Kane ang tila marka sa parte ng sahig na hindi inabot ng carpet. Maging ang pagiging maayos ng buong silid. Habang sinisipat naman ni Miguel ang bangkay ay nagawi ang mata nya sa gilid ng bintana dahil may tila marka doon na para bang may kumuskos dito.
"Tingin mo inspector nagpakamatay sya?" tanong ni Miguel kay Kane
"Sapat bang dahilan para magpakamatay ang pag-aaway nila ng aktress na si Letesia kagabi?" saad ni Kane sa sarili
"Huh?"
"Wala. Ang ibig kong sabihin ay maari, pero bakit nya papatayin ang sarili nya gayong maayos naman ang dula kagabi?" saad ni Kane
"Detective!" saad ni Angelo sabay abot ng timba sa babaeng detective
Agad na kinuha ng babaeng detective ang timba at pinalapit si Miguel sa tapat ng bangkay habang sya ay nakatungtong sa isang silya, "Kahit anong mangyari ay itapat mo sa baba nya ang timba."
"O-okay, detective." saad ni Miguel na medyo naguguluhan
Naroon sa bukana ng silid si Ave kasama si Clemente at isa pang katulong. Ibinuka ng babaeng detective ang bibig ng bangkay ni Augustus at umagos mula sa bibig nito ang laway na tila ba inipon nya sa di malamang dahilan, kasabay ng umagos na laway sa bibig ng biktima ay isang papel na nakarolyo ang nahulog mula sa bibig nito. Napa-iwas ang ulo ni Miguel dahil sa iba na ang amoy nito at hindi nya kinaya ang nasaksihan.

BINABASA MO ANG
Mysteriously Deducted I Lady Detective Series Book 1 [Completed]
Mystery / Thriller[Formerly a Lavender Deterctive Series] Crimes are unavoidable. Every second, minute, hour and day. Kane Holmes is a known young Inspector at London Central Police. A handsome officer that is destined to capture suspects who disobey and break the...