A/N: This is the last chapter before the epilogue. Please bear with me 'til the end. Thank you so much! 🙏
"Zosia."
Napakurap kurap ako nang makita si Priam na sa harap ko at nagtataka ang hitsurang nakatingin sa akin. Inaalis niya ang maputik na hand gloves niya habang pinagmamasdan akong tulala.
"Is there... something wrong? You don't...look good," marahang tanong niya.
Napalunok ako kasabay ng pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. Naalarma naman siya at nagtangkang lumapit pero itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.
"D-Don't. Don't come near me." My lips trembled.
"Zosia, what's going on? Are you okay?" Sinubukan niya akong hawakan pero umatras ako at tinabig ang kamay niya.
"I said don't!" biglang sigaw ko.
Napaawang ang bibig niya sa biglaang pagsigaw ko. My heart hurt and at the same time my anger boiled upon remembering the reason why I ended up with that accident.
"Zosia..." marahang pagtawag niya.
"N-Naaalala ko na," nanginig ang boses ko sa unang salita pa lang. "N-Naaalala ko na kung bakit ako naaksidente noong gabing 'yon, Priam!"
He didn't give a reaction and was only gazing at me intently.
"Y-You...y-you cheated on me!" Dinuro ko siya.
Ganoon pa rin ang reaksyon niya. Hindi man lang nagbago 'yon. At hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko.
"What do you mean I cheated on you?" kalmado ngunit seryosong tanong niya.
"Don't deny it! Someone sent me a video and I saw you flirting with another woman! You cheated on me, Priam! Kaya ako naaksidente!" tumaas ang boses ko.
"That's not true-"
"Liar! Alam kong ikaw 'yon! Likod mo pa lang kilala ko na so don't fucking deny it!" pumiyok na ang boses ko at humikbi.
Bumuhos ang luha ko habang nakatitig sa kanya. My heart hurt so much. Paano niya nagawa sa akin 'yon?
Matagal niya akong tinitigan at matagal din bago siya sumagot. He was watching me burst out in a calm way.
"Yes that was me but I didn't cheat on you. I never cheated on you, Zosia!" mariing sabi niya.
"Sinungaling ka!" sigaw ko ulit. "If you never did that then why the hell were you at that bar flirting with a woman wherein you told me you were working late?! Sige nga!"
Pumikit sya nang mariin at binasa ang labi.
"Biglaan ang nangyari. Nagkayayaan at hindi ako nakatanggi. I tried to call you but my phone died-"
"Lies and excuses, Priam!" I cut him off. "Nagkakayaan at hindi ka nakatanggi? Kaya ba nang nilandi ka ng babaeng 'yon hindi ka rin nakatanggi? What happened next? Nagsex kayo-"
"Jesus! Zosia!" umalingawngaw ang sigaw ni Priam sa buong rancho.
Napabaling agad ang malalayong trabahante sa amin dahil malakas niyang pagsigaw.
"What the hell are you talking about?! Hindi ko magagawa 'yan!" Halos mapigtas ang ugat sa leeg niya.
"God knows no matter how difficult you are to handle, I would never do such thing!" dagdag niya.
My mouth slightly opened with what he said.
"Paano mo ako nagagawang paratangan ng mga ganitong klaseng bagay, Zosia?" Lumandas ang sakit sa mga mata niya. "Hindi ba sapat ang pagmamahal ko sa'yo para pagkatiwalaan mo ako?"

BINABASA MO ANG
One Single Memory
RomanceFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...