抖阴社区

Chapter 14 Where's the Other Half?

5.6K 432 98
                                        

"I would give everything I own, give up my life, my heart, my home. And I would give everything I own, just to have you..."


Vanessa POV


"Saka lang ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo pag lumuhod ka sa harap ko." Hamon niya.

"Shit." Bulong kong mura na ikinaangat ng gilid ng kanyang labi. Na para bang alam niyang hindi ko 'yon kayang gawin.

Bahagya akong nakaramdam ng pagkataranta ng pumihit na siya patalikod. Jesus Christ!

I'm going to kill someone after this. Inis na bulong ko sa sarili.

"Bryleigh!" Sigaw ko. Lihim akong nagpapasalamat ng tumigil siya sa tuluyang paglabas ng kuwarto. "Marry me!"

At bago pa ako makapag-isip ay napaluhod na ako. Buti na lang at kami lang dalawa ang nandito sa loob ng kuwarto. Theo will surely laugh at me if she sees me kneeling in front of somebody, completely stripping down my pride. Oh, I would love to retract my last sentence. Not completely, actually.

Mabagal siyang pumihit paharap sa direksyon ko at gano'n na lamang ang kanyang pagkagulat ng makita akong nakaluhod.


Earlier...

"I tried to talk her out about the agreement but..." She theatrically paused. Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Theo mula sa kabilang linya. "She already made up her mind."

Kababanaagan ng sobrang kawalan ng pag-asa ang tinig niya dahil sa naging pag-uusap daw nila ni Blaire Arevalo-Karlsson.

"I don't know..." Pagpapatuloy niya sa napakalungkot na tinig. Ngayon ko lang siya naringgan ng ganito kalungkot na boses. "Maybe I'll close the island, runaway or something. I don't know. I'm thinking about my ancestors' legacy and so on..." Saka napabuga ng hangin.

I was speechless for a moment. Nag-iisip... then I gave up.

"I'll ask Bryleigh to marry me... to end this once and for all." Pasya ko.

Dinig ko ang pagsinghap niya. "Are you sure?" Nasosorpresang tanong niya.

"Yes." Sagot ko.

"Thank God!" Para itong nakahinga ng maluwag sa sinabi ko.

"But -" Pambibitin ko. "In one condition."

"Yes, yes! Whatever it is!" Excited nitong tugon.

"One month." Bigkas ko. "Magsasama lang kami ng isang buwan then hihiwalayan ko na siya pagkatapos."

Hindi ito agad nakakibo. "Sigurado ka ba diyan, Vanessa?" May pag-aalinlangang tanong niya.

"Yes, Theodore."

"Be sure, Van." She sighed once again. "You might end up a cry wolf."

"Just come and bring your damn ass here." Sabi ko. "And for the record," I added. "I'm not doing this for you, Theo, I'm doing this for my sister."


"Bakit?" Parang wala sa sariling bigkas ni Bryle. "Bakit mo 'to ginagawa?" Tanong niya habang nakatitig kami sa isa't isa. "I mean, it's so obvious naman e..." Napailing-iling siya. "You don't love me. And probably, you don't even like me."

Siguro nga tama ang kaibigan niya. Hindi ko nakita kung gaano siya nasaktan noon sa ginawa ko. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaluhod at nilapitan siya. Akma ko sana siyang hahawakan sa pisngi pero mabilis siyang umatras na para bang biglang natakot.

Saving the Goddes of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon