抖阴社区

Kabanata 6

53 5 0
                                        


Kabanata 6

Sadya



We left him hanging there alone: speechless. What makes him think that I'd accept that trash? Puno na ng putik ang face towel na 'yon, kaya bakit niya pa naisipang ibalik? Is he high or what?

My friends began nagging me as we started to walk away. Saying I was so mean to do such a thing to 'Reagan Cervantes.' Marina understands me in some way. They all do, they just adore Reagan.

Naalala ko ang gulat na mukha ni Chandni nang makita si Reagan. She was astonied when she saw him really close. I wonder if she likes Reagan? Wala naman iyon sa akin. Ang akin lang, h'wag na siya roon sa mga ganoong tao. Reagan loves to play with his whore at hindi naman ganoon si Chandni. Nagbo-boyfriend man, siniseryoso naman niya at pangmatagalan talaga iyon. Ang kaso, lagi siyang naloloko.

Mas marami ang mga estudyanteng nag-uuwian ngayon kaysa sa totoong oras ng uwian. Some of them were still there at the back of school. 'Yong iba, nag kakantahan pa at ang madalas na makita sa likod ng eskuwelahan ay 'yong mga magkasintahan.

Sa tapat ng gate, nakita kong maghihintay roon si Levi Esteban. Kanina ko lamang nalaman ang apelyido niya. I remembered his family name earlier. Kasosyo nina Papa ang mga magulang ni Levi sa negosyo namin sa Maynila at sa t'wing may itatayong negosyo, sila ang unang lalapitan nina Papa upang mas lumakas ang negosyo. His parents are great at handling business, kaya sila ang paborito ng mga magulang ko.

Marina waved her goodbye same with Grace. Napansin kong muli sa pangalawang pagkakataon ang longsleeve uniform ni Marina. She is the only one who wears it. Naalala ko noong mag-eenroll kami, pinapili kami kung ano ang mas magandang uniform at majority ang pumili noong hindi mahaba ang sleeves. Hindi ko alam kung paano napapayag ni Marina ang school principal namin na suotin niya ang pangalang opsyon na uniporme. I should ask her some time.

"Saoirse, Chandni..." si Levi, tila inabangan ang paglabas namin.

I smiled casually. Hindi siya pinansin ni Chandni. She just stands quietly beside me and entertained herself by watching the people surrounding us. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya kay Levi. Sila naman ang magkakilala noong una palang kaya hindi ko makuha kung bakit ganito umakto si Chandni sa tuwing nandiyan si Levi.

"Pasensya na kay Cervantes kanina sa gubat," aniya, hindi na inantay pa ang mga sasabihin ko.

Kunwari akong natawa at tiningnan si Chandni na nakasimangot lang. I was expecting she would laugh too, but she didn't. Napapahiya akong tumigil sa pagtawa.

"It is totally fine, Levi. Sa susunod sana... baka mas gusto nila sa pribadong lugar. If you know what I mean," I said awkwardly.

He cutely smiled. "Ah, oo. Sasabihan ko na lang mamaya. Naibalik ba 'yong panyo mo?"

Nagulat ako sa tanong niya. I didn't expect that! Siya ba ang nakahanap no'n at hindi si Reagan? Kung ganoon, pinaabot niya lang iyon?

I swallowed. "P-Pinaiwan ko na. Marumi na kasi 'yon. Marami naman sa bahay."

He nodded and looked behind me. "Nasa kanya pa pala."

Agad naman akong lumingon doon. Nakita namin si Reagan na mayroong kausap na babae habang hawak ang maruming panyo. Nang mapansin ng babae iyon, agad niyang tinago ang panyo sa kanyang bulsa. My brows furrowed. Did In't tell him to put it in the bin? He still kept it. It's dirty.

"Lalabhan ko na lang--"

"No!" agad na tanggi ko habang nakakunot ang noo. "I have plenty of towels in the house. I couldn't keep a dirty one. Just put it in the trash can, Levi. Anyway, thank you for approaching us. We still have things to do."

My Heart Gently Weeps (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon