抖阴社区

Chapter 11

510 9 0
                                    


" Stop this bullshit! Nicole!"

Sigaw ko sa kaniya nang pilit niya pa rin akong binablackmail. Sasabihin niya daw sa parents ko na nabuntis ko siya.

" Cha, Diretsahin mo ko, Hindi mo ba talaga ako gusto?, kahit konti lang, wala ka bang nararamdan para sakin"

I sigh. Pigil na pigil lang ako sa babaeng to eh, konti nalang sasapakin ko na to!

" Tangina! Hindi pa ba obvious!? Nicole?! Si Vivian ang gusto ko, mula pagkabata siya lang ang gusto ko! I'll do anything to find her! Kaya pwede ba? Wag ka nang manggulo. Hahanapin ko ang mahal ko"

" Mahal din naman kita. Mahal na mahal"

"Kung mahal mo ko, hahayaan mokong maging masaya!"

" Wag mokong sigawan!"

" Sige Cha. Tangna, lalayo na ko sayo! But if one day, pag balik ko at hindi kayo nagkatuluyan, Gagawin ko lahat, maging akin ka lang, Umalis kana bago pa magbago ang isip ko"

Naawa naman ako sa itsura niya, Mabilis kase na tumulo ang luha niya habang pasigaw na sumagot sa akin.

"Nicole, I'm sorry"

"Just, Go home cha. I love you but I'm letting you go."

I sigh, agad ko na siyang tinalikuran at umuwe
_________

"Si dhen, Aya, tulog na ba?"

Tanong ko kay Aya, nang asa condo ako.

"Oo, Ano nangyare?

Yung pagpunta ko kay Nicole ang tinutukoy niya.

"Ayos na Aya. Lalayo na daw siya"

" Wala akong tiwala kay Nicole, Cha. Baka bukas lang andito na naman yan"

I just shrugged my shoulder

" Tignan natin."

I know. Kung ano man ang nangyare samin ni Nicole tapos na yun.Naayos ko na ang gusot ko sa kaibigan mo Vivian.

Yung sayo nalang, Yung satin. I miss you. Asan kana ba Vivi? 

" Si vivian ba ang iniisip mo?"

"Manghuhula ka ba Aya?"

"Ewan ko sayo Cha, Halata naman"

Oo nga halata na sa mukha ko ang lungkot.

"Hays. Hahanapin ko siya Aya."

"Goodluck sa pagtatagu-taguan niyo, Bahalaka na dyan. Matutulog na ko"

Tumango lang ako at patuloy na iniisip kung pano na ang lahat? Vivian mahahanap pa kaya kita?
______________


Vivian

" Hanggang kailan ka magtatago dito sa bahay ko, Vi?"

Tanong niya sakin habang inaayos ang heels niya at ako naman ay prenteng nakahiga sa sofa at nanonood nang TV. Andito ako sa bahay ni Rhi, dito ako tumira para pagtaguan si Cha. Do you know why? Mas mabuting magpamiss muna ako diba? Babalik din naman ako, but not now."

"Hanggat gusto ko! You better shut your big mouth rhi, at wag moko pakeelaman!"

"Tsk. Ewan ko sayo Vivian. Manong umuwe kana don at magpabuntis ka ulit kay Cha at gumawa kayo nang panibagong baby."

Whut!? Seriously? Tell me guys , This crazy woman.Napaka~~~aist. Kadiriii!

"You and your dirty mind, Ewww. Babalik ako sa condo ni Cha, sa araw na gusto ko! At sana itikom yang bibig mo, at baka di kita matantya. Tsk."

"You know what Vi? Wala naman masama kung magsesex kayo ulit kase kasal naman kayo"

Abat, talagang etong babae nato, Tsk. Walang preno ang bunganga, Sinamaan ko siya nang tingin at inirapan.

"Pag hindi ka tumigil rhian! Mapapatay na talaga kita! Arghhhhg! You're crazy!"

" Sabe ko nga tatahimik na ko."

"Buti naman.Kailangan pa takutin"

" Pero Vhi, Hindi ka ba nasarapan nung ginawa niyo yun?"

Talagang hindi titigil tong baliw nato.

" Pag ako hindi nakapagtimpi sayo, Manghihiram ka nang mukha sa aso!"

" Ang sungit mo, Bahala ka na nga dyan at may date pa ko, bye"

See? Siraulo siya pero ewan ko ba naman ano nagustuhan ni glaiza dyan duhh. Baliw talaga si Rhi.Madalian siyang tumayo at umalis sa sarili niyang bahay. Tsk, date? Wala naman forever! Nakakabuwiset talaga yang si rhi, Kung may mapagtataguan lang akong iba eh, Si Nicole?oh that bitch was MIA. Mula nung umalis ako sa condo ni Cha.

At kung iniisip niyo kung bakit hindi ako mahanap ni Cha knowing na kaibigan niya si glai na gf ni rhi, Well, kasabwat namin siya. Kaya kahit pumupunta siya minsan dito, at nakikita niya ako hindi niya naman ako isinusumbong kay Cha. Kaya wala kaming problema kung dito muna ako nagiistay.

And I will stay here hanggat gusto ko! Ayokong magpakita kay Cha because I'm still mad at her!

But I admit, I really miss her and I miss dhen too .

'Hmpft babalik din ako Cha pero magdusa ka muna!'

__________________________

Cha

Mula nang diko na makita si Vivian parang nawalan na ko nang gana sa lahat. Di na rin ako makatulog ng maayos. Andito ako ngayon sa kusina nagkakape, nang lumabas sa guestroom si Aya.

Pupungas pa siya ng mata at lumapit sakin,

" Nagising lang ako Cha, Dika na naman makatulog?" Sabe niya at kinuha ang thermos at nagsalin din sa tasa at nagtimpla ng kape.

"Hindi nga ako makatulog Aya, hanggang ngayon, lagi ko pa rin siyang iniisip" Napabuntong hininga ako at humigop ng kape.
Isang buwan na, isang buwan ko nang siya di mahanap, pinuntahan ko na si rhian, wala din siya dun. Ang sabe ni rhian, hindi niya daw alam kung nasan din ang kaibigan niya, pati si Glaiza, di rin alam kung saan mahahanap si Vivi. And Nicole? Ewan, naglaho ng parang bula, umaasa ako na baka pumunta sa kaniya si Vivian kaya lang wala na din siya sa tinitirahan niya.

Umupo siya sa tapat kong upuan at nilapag din sa mesa ang kape niya

" Hindi mo naman, maiiwasan na di siya isipin Cha. Pero sana naman, alagaan mo sarili mo. "

" Hays Aya, napapaisip lang ako. Kung mali nga ba na sisihin ko siya sa pagkawala ng anak namin" Ewan ko kung tama pa bang hanapin ko siya o sumuko nalang ako pero mahal ko kase siya

Napailing si Aya sakin.

"Cha, maling mali. Pareho naman hindi inasahan na mawalan ng anak. Sa tingin mo ba? Si Vivian hindi nasasaktan sa nangyare sa anak niyo?"

I sigh at hinahalo ko lang kape ko gamit ang kutsara, pinanood ko kung pano umiikot yun

" Hays Cha. Si Vivian, nasasaktan din yun, Ina siya Cha, siya nagdadala ng bata, alam mo na dapat yun pero sinisi mo pa siya, Cha maling mali ka dun. Tapos anong ginawa mo nung kailangan ka niya? Kailangan niya ng karamay?"

Ano nga ba? Napayuko ako


" Nasaan ka cha? Nasaan ka nung panahon na nagdurusa si Vivian? Hindi ba tumatakas ka? Sarili mo ang sinasalba mo nung panahon na yun Cha"

" Sarili mo lang. Cha, hindi mo naalala na dapat dalawa kayo, iniwan mo siya Cha, Sinaktan mo siya sa panahon na mas kailangan ka niya"

"At dinagdagan mo pa yung kasalanan mo at mga pagkakamali sa kaniya"

"Hindi mo dapat ginamit ang isang tao para makalimutan ang mahal mo, Ang puso, hinding hindi yan makakalimot"

" Kung sa tingin mo tama na sisihin mo siya, Tignan mo ang nangyare ngayon? Ang epekto ng padalos dalos na desisyon at maling pang unawa sa sitwasyon, Cha, Walang kasalanan si Vivian lahat ng nangyare, sa totoo lang ikaw pa ang nagkamali"

"Kaya kung sakaliman na bumalik siya, Sana natuto kana at hindi na maulit"

"At sana nga manahimik na si Nicole, cha " sunod sunod niyang salita at sermon sakin, sa salitang binitiwan niya para akong sinampal ng katotohan, na ako talaga yung gago at may mali, kaya napaluha ako kase tama siya...

Masasabe ko na si Aya talaga yung taong matalino at may mabuting kalooban, Hindi ako nagkamali sa pagtulog sa kaniya.

"Tama ka Aya, tama ka, sana mapatawad ako ni Vivian, Sana mahanap ko na siya." Sabe ko Kay Aya, humigop siya sa kape niya at tumayo na. Nilagay niya sa lababo pinagkapehan niya at saka muling lumapit sakin, tinapik niya balikat ko

"Tumahan ka, ayusin mo ang sarili mo, di magugustuhan ni Vivian kung ganyan ka, pagsikapan mo siyang mahanap o mabalik sa piling mo at sana pag bumalik siya karapat dapat kana para sa kaniya "

Dina ko nakasagot nang bumalik na siya sa kwarto nila ni dhen.

'Aya, you're always be my love guru'

Parang bang siya yung nagtuturo sakin palagi pag naliligaw ako.

At tama siya sa lahat ng pinapayo niya kaya gagawin ko ang lahat para mahanap si Vivian.

At isa lang alam kong nakakatulong sakin.

No other than her twin sister,
Vivienne Cheng.

______

Vivian


" Oh bat tulala ka? Miss mo na si Cha? " Tanong sakin ni rhi. Andito ako ngayon sala nakapangalumbaba. Nagiisip-isip lang. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nung nagtago ako kay Cha at sinara ko rin yung coffe shop ko dahil alam kong pupuntahan ako ni Cha, para lang akong presong nabubulok ngayon sa bahay ni rhi, eh malakas pa naman mambuwiset tong kaibigan ko nato.
I rolled my eyes oh her then I sigh and answer her

"Maybe, I really missed her " sagot ko sa kaniya.

'Miss ko na nga siya, miss na miss'

"Bat dika bumalik na? Magpakita? Pagusapan niyo ng maayos" sabe niya at umupo sa tabi ko. I look at her na parang sinusuri ko siyang mabuti

" Ikaw ba talaga yan? " Nagtaka naman siya na tumingin sakin.

"Bakit anong akala mo sakin sinasaniban huh?" Tsk. Bat kase ang seryoso magsalita. She's not like that before duh, madalas siyang walang kwenta kausap.


" Gaga! You're not like that. And naninibago lang siguro ko dahil ang seryoso mo"


"Hayaan mo na ko, minsan lang to, so. Ano nga plan mo? Magtago nalang? Para ka tuloy wanted na di makalabas dito sa bahay ko"



Pano nga ba? Kailangan ko na nga ba magpakita ulit Kay cha? Pano kung, galit pa din yun? Pero baka namimiss niya na din ako? Like how I've missed her right now.

I sigh

" I don't know rhi "

"Okay girl. Stay here as long as you want but make sure na Hindi ka mali sa desisyon mo at magkaroon ng good outcome tong pagtatago mo sa asawa mo at dika nahihirapan " and she stood up saka umalis at iniwan akong tulala.


What should I do? What is the right thing to do? ...

___________
End of Chapter.

???????? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon