AUDREY'S POV
Bata pa lamang ako ay naiinggit na ako sa mga kaklase ko na hinatid-sundo ng kanilang mga magulang.
Palagi kong iniisip kung bakit gano'n sina Mama at Papa. Konting pagkakamali ay pinapagalitan na nila ako ngunit kapag sila si ate at kuya ang nagkakamali ay parang wala lang.
Sinunod ko ang lahat ng sinabi nila noon para lang bigyan nila ako ng kahit katiting na pagmamahal lamang ngunit kahit anong gawin ko ay wala pa rin.
Yes, I craved for my parents love and care pero hindi nila ibinigay ‘yon.
Sapagkat kay Emman ko ito nahanap ang isang pagmamahal at pag-aalaga na hindi nila kayang ibigay. Sinuway ko ang gusto nila dahil naghahanap ako ng pagmamahal at pag-aalaga.
Pinapangako ko sa sarili ko na kapag may anak na ako ay ibibigay ko ang lahat ng pagmamahal ko sa kanila kahit wala ng matira sa akin ay okay lang dahil ayokong matulad sila sa akin. Ayokong maranasan nilang manghingi ng pagmamahal. At mas lalong ayokong maranasan nila na sa ibang tao lang nila mararamdaman ang pagmamahal.
Minsan iniisip ko kung ano nga ba ang wala ako na meron sila ate at kuya. At ngayon ay alam ko na. Isa lang pala akong ampon. Si kuya at ate ay totoong anak at ‘yon ang wala ako na meron sila.
Sabi ni mama na napulot daw ako ni lola sa palengke at inampon. Nang mawala si lola ay iniwan niya ako sa kamay ng mga taong kinikilala kong magulang ngayon.
“Matagal mo na ba itong alam, kuya?” lumuluha kong tanong.
Umiling siya. “Hindi. Ngayon lang ” sagot ni kuya.
“Ngayong alam mo na, ano pang tinutunga-tunganga mo riyan?”
Hindi ko pinansin ang sinabi ni ate. Nakatingin lamang ako kina mama at papa na ngayo'y walang ganang nakatingin sa akin.
“Ma, Pa, kahit konting pagmamahal ba ay nararamdaman niyo sa akin? Kahit konting awa man lang?” naiiyak na tanong ko.
”Wala akong pagmamahal sa'yo noon pa man nang iniwan ka sa akin ni mama”
Napalunok ako sa sagot ni mama Amor. Ang sakit dahil kahit hindi niya ako totoong anak ay itinuring ko pa rin siya na aking totoong ina kahit sa kabila pa ng sakit na ginawa niya sa‘kin.
“Pero minahal kita, ma, noon pa man. Kayo ni papa” lumuluhang sabi ko.
Kita kong umiwas ng tingin si papa.“W-wala ako pakialam!” sigaw ni mama.
“Pa, 'di ba gusto mo akong maging guro noon? Pa‘no kung...kung naabot ko na ang gusto niyo?” pinunasan ko agad ang luhang tumulo.
Napalingon si papa sa akin.
“Bunso, tara na”
Tiningnan ko si kuya na lumapit sa akin. Umiling ako.
“Ano pa ba ang iniinarte mo riyan, Audrey, ha?” sabat ni ate pero nanatili lang akong nakatingin kina mama at papa.
“Ma, Pa, kung susundin ko ba ang gusto niyo ay mamahalin niyo na ba ako?” tanong ko ulit sa kanila.
“Nakapagtapos na po ako, kaya ko na pong ibigay ang gusto niyo” nakangiting sabi ko.“Bunso, tara na” hinawakan ni kuya ang kamay ko.
“Ma, Pa, kaya ko pong gawin ang lahat basta mahalin niyo lang ako” umiiyak kong pakiusap.
Mahal ko sila kahit hindi nila ako mahal. Mahal ko sila kahit hindi nila ako totoong anak.
“Mahal na mahal ko kayo, ma, pa”

BINABASA MO ANG
Make Me Love You (COMPLETED)
RomanceOne mistake is enough. This is the line that Audrey keep on remembering after she got pregnant by her boyfriend at the age of 19 and was abandoned by her family. She thought that her boyfriend would accept her pregnancy but it was opposite to her ex...