抖阴社区

Kabanata 4

44K 1.1K 257
                                        

SHAN                

HAWAK niya ang kamay ko nang pumasok kami sa isang restaurant. Minsan pa siyang lumilingon-lingon sa akin sabay ngingiti at animo kinikilig.

"Damn. I. . . I just couldn't believe it," aniya nang makaupo na kami. Sa istilo niya ay parang hindi pa rin siya makapaniwala na um-oo na ako sa kaniya.                                  

"G–Gusto mo bang bawiin ko?" inosente kong tanong sa kaniya. Hindi ko kasi mabasa ang ekspresyon niya. Mabilis naman siyang umiling sa akin saka ako nginitian.

"I feel so lucky being your boyfriend," aniya direkta sa mga mata ko at nakaramdam ako ng hiya.

"Hindi naman ako ispesyal—"

"But you are to me, Shan. You are the most special woman for me," putol niya sa akin at hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. "Hindi lang talaga ako makapaniwala na matapos ang mahigit isang buwan na ipakilala ko sa 'yo ang sarili ko, ito ka at tinanggap na ang pagmamahal ko."

Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "You showed me enough. Siguro para sa marami ang bilis ng mga nangyari, but for me I was given enough time to know your real intention towards me," sagot ko sa kaniya at sobrang laking pasalamat ko na hindi na ako nauutal pa. I feel like getting more and more and more comfortable around him.

Dumating ang mga order namin at napalingon ako sa waiter. "Hi, Shan!" bati nito sa akin na mukhang nagulat din na narito ako ngayon.

"H–Hello, Martyn," utal na wika ko. Kaibigan siya ni kuya Seph at nanginginig ako sa mga oras na ito. Paano kung sabihin niya sa kuya ko?

"Huy, sis, kain na! Baka lumamig ang julam nateyn, bahala ka diyan! Marami pa tayis aayusin na sa research," nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Zeev ng gay lingo. Marahil ay naintindihan niya ang kinaroroonan kong sitwasyon.

"A–Ah oo," wika ko saka ko pa sinundan nang awkward na tawa. "Kain na muna kami, Martyn," paalam ko sa kaibigan ni kuya at tumango naman ito bago umalis.

Magandang kumakain si Zeev nang magsalita akong muli. "Thank you sa ginawa mo," nakangiting wika ko sa kaniya kaya't napahinto siya sa pagkain.

"I don't really want to hide, but I am doing this for you. You're still eighteen years old and I don't want people to throw stones at you for falling in love at a young age," nakangiting sagot din niya sa akin. "I felt the tension kaya nagpanggap na lang ako," dagdag pa niya.

"Hindi ko gustong itago ka, Zeev—"

"I know, love. You don't have to feel guilty at all. I wanted this. I chose this," aniya at muling ibanaling ang tuon niya sa pagkain.

Itinuon ko na lang din ang pansin ko sa pagkain ko kahit pa nakakaramdam ako nang hiya sa kaniya. Kasasagot ko pa lamang sa kaniya ngunit ito kami at kailangan kong itago siya.

The most painful part of this relationship is, I want to tell the whole wide world that I finally found the man I love, but I can't. . . hindi puwede. Just like what Zeev told me, people would only mock me for feeling this love at this age.

Natapos namin ang pagkain at muli na kaming sumakay ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan kami tutungo dahil hindi kami kapwa kumikibo sa biyahe.

Narating namin ang tulay kung saan tanaw na tanaw ang mga bahay. Minsan talaga napapaisip ako kung siya ba talaga ang taga-rito sa amin sa Pampanga o ako. Mas marami pa siyang nalalaman na mga lugar kaysa sa akin.

"G–Galit ka ba sa akin, Zeev?" tanong ko sa kaniya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumikibo. Nakahawak lamang siya sa railings ng tulay at nakatanaw sa umaagos na tubig ng ilog.

WRS: When She Gratified the Sinner [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon