抖阴社区

Chapter 22

134 7 0
                                        

Chapter 22

Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ni Knight, pansin ko kaagad ang karangyaan ng Hotel Escobar, maganda ang hotel ng mga Mondragon, pero masasabi kong, mas lalong angat ang hotel ng mga Escobar.

"Tikom mo bibig mo, baka kumawala ang laway mo." Rinig kong pukaw sa akin ni Knight kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Well, tunay namang mayaman yang mapapangasawa mo, kaya sige humanga ka lang."

"Ano ba yang mga pinagsasasabi mo, laksan mo kaya ang boses mo, baka sakaling marinig ko. Ano ka bubuyog? Bulong ng bulong."

Tinawanan lang n'ya ako sa mga sinabi ko sakanyan. Para na s'yang baliw, halos hawakan na ang tyan sa pagtawa.

"Ang taray mo ngayon, meron ka ba?" Tawa pa rin s'ya ng tawa, nakakaasar na talaga ang lalaki na ito, kung hindi ko lang kaibigan ko, tatadyakan ko na ito eh, kahit nakagown ako.

"Tama na titigil na ako, pasok na tayo naghihintay na sila."

Naglakad kami papasok ng loob ng function hall ng hotel, kung maganda ang labas, mas doble ang ganda sa loob. Hindi ko maiwasang hindi humanga, naisip ko tuloy, ano nga bang laban ko sa babaeng mapapangasawa ni Matthew, kung ganito s'ya kayaman.

Dinala ako ni Knight sa pwesto nina mama at papa, pero hindi ko na napansin si tita Lucilla.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, makikita sa mga bisita, na lahat may kaya, mayayaman at may maiipagmalaki.

Tahimik lang akong nagmamasid, ng biglang namatay ang ilaw, tapos ilang saglit lang nakita ko na may stage pala sa harapan na medyo malayo sa pwesto namin at doon lang may maliwanag na ilaw, ang ang maliwanag na ilaw kanina sa paligid ay naging dim light na lang.

Lumapit sa stage ang isang gwapo at hindi katandaang lalaki, parang kasing edad lang ni papa Alfonso.

"Good evening everyone, masaya akong andito kayong lahat, para sa engagement party ng akin anak. Matagal din na panahon kaming nawalay kaya ngayon, gusto kung ibigay ang mga bagay na nararapat sakanya. Nagpapasalamat din ako sa lalaking tumayong ama ng aking anak, at napalaki n'ya ito ng maayos. Pero hindi ko na muna sasabihin kong sino s'ya. Request kasi nila surprise daw kasi."

Nagtawanan pa ang mga bisita, dahil sa sinabi ng siguro tatay ng may party ngayon. Napabuntong hininga na lang ako. Ang saklap naman nila, halos nasa harapan pa ako, para ba makita ko kung gaano kasaya si Matthew kasama ng babaeng pakakasalan n'ya.

Tinawag din si papa sa stage, hay napabuga na lang ako ng hangin, wala naman akong magagawa eh, kundi ang maging masaya para sa kanila.

"Magandang gabi sa inyong lahat, masaya ako, bilang ama na sa dami ng pinagdaanan ng aking anak, ay magiging masaya na s'ya ngayon. Masasabi kong sa lahat ng kanyang pinagdaanan, deserve n'ya ang maging masaya. Masakit at malungkot man, ang pinagdaanan mo anak, masaya akong ngayong araw na ito alam kong hindi ka na malulungkot."

Matapos magsalita ni papa, nagpalakpakan ang mga bisita, ng magsalita ulit si Mr. Escobar.

"Bakit ganun kayong mga bisita namin? Nung ako nagsalita seryoso naman ako tinawanan n'yo, ng si Mondragon, pumalakpak kayo. Haist."

Lalong nagtawanan ang mga bisita, na sa tingin ko naman, ay kapamilya din ng mga Escobar, at Mondragon.

"Tss. Tama na ang drama oldies, bumaba ka na, ako na lang magsasalita dito."

"Haist." Yon na lang ang naging sagot ni Mr. Escobar sa lalaking nagsalita, nagulat ako kasi, si Knight na ngayon ang nagsasalita.

Napatingin na lang ako kay Knight at pansin ko ang pagkindat n'ya sa akin, at nagsimula ng magsalita.

"Good evening everyone, narinig naman po natin ang sinabi ng ating dalawang oldies na tatay ng mga couple. I'm Knight Ice Escobar, and this engagement party ay para sa dalawang tao na mahal na mahal nila ang isa't, pero pinigilan ng tadhana. Pero dahil sa mapaglaro din na tadhana na yan, sabi nga, sila pa rin ang para sa isa't isa. Please welcome, my kuya Matthew Rey Escobar. "

Nagtayuan ang mga bisita at nagpalakpakan, nagulat ako sa aking narinig, kailan pa naging Escobar si Matthew? Napansin ni mama at papa na medyo naguguluhan ako. Kaya hinawakan nila ako sa kamay at ngumiti.

"Anak mahal na mahal kita, ganun din ng papa mo, sana maging masaya ka na. Ayaw ko ng nalulungkot ka." Sabi ni mama at ngumiti naman sa akin si papa at sinabing mahal na mahal niya ako. Nang magsalita si Matthew.

"Baby, siguro naguguluhan ka, pero kahit noong una kong nalaman, nagulat din ako, pero masaya akong, hindi pala kita kapatid. Akala ko, alak na lang ang kasama ki habang buhay, pero sabi nga kung tayo, tayo kaya ito, pinaghiwalay naman tayo ng tadhana, pero binalik pa rin tayo sa isa't isa."

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, mabuti na lang waterproof yong make-up na ginamit nila sa akin kanina kung hindi para na akong panda. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Knight.

"Tito, tita kunin ko na itong prinsesa n'yo ha, ako na maghahatid sa prinsipe n'ya."

(Tapos humarap sa akin si Knight at hinawakan ang kamay ko para maalalayan n'ya akong makatayo.)

"At ikaw naman, please say yes kay kuya ha, ayaw ko na ng ampon sa bar ko, ginawa na n'yang bahay yon sa loob ng apat na taon."

Napangit ako sa sinabi ni Knight, hindi ko akalain, na dadating pa yong pagkakataon, na magiging masaya ako kasama ni Matthew.

Naglalakad kami ni Knight papuntang stage, habang inaalalayan ako, nakikita ko na lahat ng tao, ay nakatingin sa akin.

Nakarating na kami sa gitna ng stage, at iniwan ako doon ni Knight, tapos nilapitan n'ya si Matthew.

"So kuya, nagawa ko na part ko ha, dapat mapa oo mo na yan, ayaw ko ng tambay sa bar ko."

Matapos n'yang sabihin yon, nakita ko na lang ang pag-iling ni Matthew at narinig ko ang pagtawa ni Knight bago bumaba ng stage.

Ilang saglit na katahimikan, ang namayani sa aming dalawa. Hindi ko pa rin mapigilan ang hindi maiyak, pero ngayon gawa na ito ng sobrang saya at hindi gawa ng sobrang kalungkutan.

Naglakad na si Matthew papalapit sa akin, ilang segundo ko ding tinitigan ang kanyang mukha, wala pa ding pinagbago, masaya akong nasa harapan ko na ngayon ang lalaking una at huli kong mamahalin, wala ng hadlang kahit pa ang tadhana.

Hinawakan ni Matthew ang kamay ko, at dahan dahan s'yang lumuhod, lalo ko ng hindi napigilan ang aking pagluha.

"Thalia, baby alam kong sobrang bilis, pero kung tutuusin sa tagal ng panahon na magkalayo tayo, ayaw ko ng mag-aksaya pa ng panahon, para hindi ka makasama. Baby, will you marry me?"

Naramdaman ko na lang ang malamig na singsing na sinuot n'ya sa kamay ko. Nang marinig kong magsalita si Knight.

"Kuya advance lang, wala pang sagot, inunahan mo na." Maktol na sabi ni Knight pero sa tingin ko naman, masayang masaya sa nangyayari.

"Para, sure na mag yes, gusto mo ba ng tambay sa bar mo?" Sagot ni Matthew na ikinaungos lang ni Knight.

"Princess mag yes ka na, baka malugi na ang bar ko, sapat na ang apat na taon, na gawing bahay ni Matthew ang VIP room ko."

Narinig ko ang tawanan ng mga bisita, sa usapan ng dalawa. Kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at tumingin ako sa mga mata ni Matthew, at tumango.

"Yes Matt, pumapayag akong magpakasal sayo."

Napuno ng palakpakan ang buong paligid. Ramdam ko din na masayang silang lahat, pata sa amin ni Matthew.

Lumapit na rin si mama at papa, nakita ko din si Mr. Escobar kasama si tita Lucilla.

Ramdam ko ang pagmamahal nila sa amin ni Matthew. Niyakap ako ni tita Lucilla.

"Hija, masaya ako para sa inyo ni Matthew, mahalin n'yo ang isa't isa." Yumakap at humalik din ako kay tita Lucilla.

Lumapit at niyakap din ako ni Mr. Escobar.

"Hija, sana maging masaya kayo ng anak ko, Marcus Escobar, pero tawagin mo na lang akong daddy." Ngumiti na lang ako at tumango kay daddy.

Hindi ko pa alam ang tunay na nangyari pero masaya akong, pwede ko ng makasama si Matthew habang buhay.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon