[Zevi's Pov]
“Ano na naman Alicia? Kabibigay ko lang ha?”
“Ate, kinulang po kasi--”
“Kinulang o kinuha na naman ng hinayupak mong ama!?” Inis na tanong ko habang katawag ko si Alicia.
“Ate naman, huwag ka namang ganiyan kay papa.” Sabi niya.
“Paanong hindi? Bakit kasi hinahayaan mo, eh pinang-iinom din naman niya, hindi ka na natauhan, anong akala mo? Pinupulot ko ang pera?”
“Ate, kailangan ko lang talaga, sige naman na oh, pang search ko lang kahit singkwenta lang.” Ungot niya.
“Iyan kasi ang mali mo eh, linggo, linggo pinapadlahan kita ng isang libo, bakit hindi ka marunong magtabi? Ha? Saan mo ba iginagasto maliban sa kinukuha ng walang kwenta mong ama!? Alicia, hindi lang ikaw ang pinaglalaanan ko dito ha, pinambibili ko pa ng gamot ni kuya Alfie, kung ginusto mo sanang sumama sa akin, eh 'di sana hindi ako nahihirapan kapapadala kapapadala sa'yo!” Sermon ko sa nakababatang kapatid namin ni kuya Alfie.
“Ate.” Sambit niya at narinig ko ang pagsinghot niya.
“Ayaw ko naman pong iwan sina papa at sina lola dito.”
“Isa pa 'yan, sina lola, ang yaman yaman, napakaluwang ng bukirin ni hindi ka mabigyan ng allowance o pangload lang? O sadyang gastador ka lang?” I asked.
“Bahala ka nga, para singkwenta lang, dami dami mong sinasabi!” Sigaw niya at pinatayan ako ng tawag.
She's not our sister biologically.
Step to be exact, pero dahil kinalakhan niya kaming ate at kuya niya ay itinuring namin siyang tunay na kapatid.
Ako ang huling anak ni mama, dahil namatay na daw pagkatapos akong ipinanganak.
Ang saklap!
I sighed at napakamot na lang sa ulo ko, siya pa may ganang magalit, palibhasa spoiled.
I dialed lola Aciana's number.
“Buti napatawag ka?” Bungad niya agad.
Napairap naman ako sa kawalan.
“Magpapadala ako ng pera, pakibigay kay Alicia, kay Alicia ho mapupunta ha? Hindi sa inyo o sa kaniyang ama--”
“Kailan mo balak--”
“Ano ba lola, hinding hindi ko gagawin ang sinasabi niyo! Maawa naman kayo sa pamilya ko.”
“Bakit? Hindi mo ba kami pamil--”
Agad ko na siyang pinatayan, wala ding kwenta kung makikipagtalo pa ako sa kanina.

BINABASA MO ANG
A TALE OF MISCHIEVOUS ALLIES [SERIES #3] ●COMPLETED●? Under Minor Editing
Teen FictionBOOK 3 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fiction, Romance-Comedy He had envisioned a perfect future- he thought the only unchecked on his list was standing at the altar, gazing upon his bride as she walked towards him. He believed his me...