抖阴社区

Wakas

94 6 4
                                        

Kattleya Isabelle's

"Congratulations, Mrs. Manjarez. Welcome to DVSE Family" napangiti ako sa sinabi ni Mam Marciana --isa sa founder at owner ng Del Valle School of Excellence, my Alma Mater.

Katatapos ko lang magdemo kanina at ang gaganda ng comment nilang magkakapatid sa akin. Ngayong araw rin na ito, natanggap ako bilang isang guro sa paaralang tumulong sa akin para makamit ko ang kinalalagyan ko ngayon.

"Thank you, Ma'am Marciana. Pinapangako ko pong gagawin ko ang lahat at pagbubutihin ko ang trabaho" ngumiti lang siya at tinapik ang balikat ko bago lumabas ng classroom na ginamit ko para sa demo. Nangingiting inayos ko ang mga IM's na ginamit ko kanina. Hindi ako makapaniwalang makakabalik ako sa paaralang ito bilang isang ganap na guro na.

Noong isang linggo ay grumaduate na ako sa kolehiyo. Hindi ko akalaing makakaya ko ang apat na taong torture sa college at kasabay pa noon ang pagtatrabaho ko sa gabi.

After kong makagraduate ay nagpasa agad ako ng curriculum vitae sa mga schools para subukan ang field na napili ko. At ang swerte ko nga na ang Del Valle ng unang tumawag sa akin.

Sa ngayon, habang hindi pa nagbubukas ang school year at nagrereview ako para sa nalalapit na board exam para makuha ang lisensya ko. Syempre, ang mga guardian angels kong teacher ay nag offer ng tulong. Lalo na si Sir JP na tinambakan ako ng mga reviewers para daw sa Prof.Ed.

"Congratulations, Kat!" Napangiti ako nung sabay sabay na pumasok sina Arianne, Therese at Myka. Tuwang-tuwang silang niyakap ako. Nakakatuwang isipin na yung mga teachers ko noon, colleagues ko na ngayon.

"Thank you sa tips, guys" sila kasi talaga ang nagbriefing sa akin about sa interview at sa demo na gagawin ko ngayon. Hanga ako sa mga ito, hindi na talaga sila umalis sa school na ito kahit na mga lisensyado sila. Yung mga asawa lang nila ang nasa public school pero sila, masaya na daw dito.

"Sus. Alam naman naming magaling ka. Hello, sa amin ka na kaya lumaki" hirit pa ni Arianne kaya napailing na lang ako. Hindi man literal na 'pinalaki' nila ako ay parang ganoon na rin yun. Sila kasi talaga ang tumutok sa akin noon kaya naging madali para sa akin ang lahat.

"Thank you talaga ha. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko matutupad itong pangarap ko" naiiyak na sabi ko. Nangingiting umakbay naman sa akin si Myka at tinapik tapik ang balikat ko.

"Ano ka ba. Masaya kaming nakatulong saka ikaw naman yung nagtyaga e" sagot pa nya.

"Oo nga. Kahit naman 24/7 ka namin tutukan sa pag-aaral, kung ayaw mo talagang matuto o kung wala kang dedikasyon ay wala rin kaming magagawa. It's all you, Kat. At karangalan namin ang maging parte ng journey mo" sabi pa ni Therese.

"Tsk. Napakadadrama talaga kahit kailan" umiikot ang matang sabi ni Arianne kaya nagtawanan na lang kami at nag-grouphug.

Tinulungan din nila akong magligpit ng mga gamit ko bago ako hilahin papunta sa faculty room at ipakilala sa iba pang mga teachers.

Wala ng klase ngayon dahil bakasyon na ng mga bata pero narito pa sila dahil may mga checking of forms pa daw.

Dahil mukhang busy pa sila ay nagpaalam na rin ako. Sa brigada na lang kasi ako pinagrereport ni Mam Marciana para daw may oras ako para magreview. Mababait talaga ang mga tao dito.

"Hi Ma'am" awtomatikong napangiti ako nung nakita ko si Michael na naghihintay sa akin sa may labas ng gate. Patakbong lumapit ako sa kanya at yumapos sa leeg nya. Agad naman siyang umuklo at idinampi ang labi sa akin.

Nasa third year college pa lang ako noong kinasal kami ni Michael. Sabi ko nga sa kanya noon na pagkagraduate ko na lang pero hindi na daw siya makakapaghintay. Sa sobrang excited nga nya noon ay siya na ang nag-asikaso ng lahat dahil hindi naman ako makatulong. Kasagsagan ng mga projects noon kasabay pa ng research. Akala ko nga, hindi na ako makakalusot sa third year e.

PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon