"No, thank you."
Ngumiti na lang ako nang tipid at tinuloy na maglakad. Nararamdaman ko pa si Gio sa gilid ko na sumusunod pa rin. Tumigil ako para harapin siya ulit.
"Ano ba?!" I shouted, losing my patience. Huminto rin siya at bahagyang umatras.
"Hindi ako magsasalita, hayaan mo na lang akong ihatid ka." he calmly said.
I sighed heavily. "Bakit ang kulit mo?!"
"I just want you to feel that you're not alone, promise, hindi ako magsasalita." he insisted.
Tumingin ako sa sahig at bumuntong-hininga. Ang kulit ni Gio, nakakastress!
Binalik ko 'yung tingin ko sa kaniya.
"Fine,"
He smiled. "Let's go. Nandito 'yung kotse ko." inaya niya ako sa parking. Tumango ako at sumunod sa kaniya.
Huminto kami sa isang Ford Mustang Convertible na color black. "Pasok na." he smiled sincerely. Weird!
Pumasok na ako sa kotse niya. "Sana all," I joked.
Dahil top down 'to ay tinanggal niya 'yung bubong. For some reason, makulimlim kahit 9:30 na ng umaga. Pakiramdam ko ay uulan.
"You want air, 'di ba?" tanong niya. Ngumiti ako at tumango. Pinaandar na rin niya 'yung kotse niya.
Truth be told, tahimik lang siya buong byahe. Napakasarap huminga, idagdag pa 'tong hangin na yumayakap sa akin. Hindi ko napigilang sumigaw dahil wala namang tao rito sa dinadaanan namin.
"Tangina, nakakapagod!" I shouted at the window side. Napatingin pa si Gio sa akin at parang nagulat. "Nakakainis!"
"Huy, okay ka lang?" tanong ni Gio habang nakawak sa manibela.
"Ang hirap," I chuckled sarcastically. "Nakakapagod!" natawa ako.
"Go on, cry,"
"I don't cry. I'm not use to crying."
He suddenly nodded as if he just understood something. "That's why,"
"That's why what?"
"That's why nabibigatan ka," he stopped the car then I noticed that we're already here in front of the hospital.
Hindi ako nagsalita. I don't know how to respond to that.
"Anyway, you sure you okay?"
I nodded. "Oo, salamat at sorry ulit." ngumiti ako sa kaniya at binuksan 'yung box ng cupcake na binili ko sa bake shop ni Lian kanina. "Oh,"
"Pwede?" he asked, grinning.
"Oo, bago magbago 'yung isip ko." I rolled my eyes. Nilapit ko pa sa kaniya 'yung cupcake para makakuha siya. "Make it three."
Napalingon siya sa akin habang kumukuha. "Why three?" he smirked. "I like you?"
"The hell?!" I exaggerated. "Can't it be... I thank you?" I chuckled.
"Okay, okay." tumawa siya habang kinukuha 'yung tatlong cupcake, 6 kasi 'yung laman ng isang box. Nilagay niya sa gitna sa lagayan ng inumin 'yung dalawa tapos kinagatan na niya 'yung isa.
"Sige na," tumango ako sa kaniya bago lumabas. Kumaway pa siya sa akin, siraulo talaga!
Pagdating ko sa ospital ay ginawa ko na 'yung usual routine ko, kuntento naman kasi talaga ako sa ginagawa ko. Hindi naman ako materialistic para kailanganin ng malaking sweldo.
Nang magr-rounds na ako ay pumunta ako sa isang patient na malapit sa akin. Si Mrs. Lorenzo. Isa sa mga madalas kong bisitahin dito. Mayroon siyang breast cancer at nanghihina na siya. Nasa 50 years old na rin siya.

YOU ARE READING
Always, In All Ways (Change Series #4)
RomanceNatalia Eunice Verdadero doesn't know how to love. She's always focus on proving herself to her parents. She's never been in love in her entire life not until she met Karl Gio Xavier Vergara, a playboy law student. Unfortunately, Gio only wants to p...