抖阴社区

                                    

"Hello po," I smiled at Mrs. Lorenzo.

"Hi," ngumiti rin siya.

Umupo ako sa upuan sa tabi niya. "Kumusta na po kayo? Nagpapalakas po ba kayo?"

"Okay naman ako." she smiled at me.

"Nasaan po si Mr. Lorenzo?" nagpalinga-linga ako sa kwarto.

"Lumabas lang." she smiled a bit. "Alam mo ba, hija..." panimula niya. Umayos ako ng upo para makapagfocus sa kwento niya. Lagi niya akong kinukwentuhan kapag nandito ako. Looking forward ako sa ikukwento niya ngayon.

"Iyong asawa ko, ayaw ko roon dati." she chuckled a bit. Kahit nanghihina na siya ay mas gusto raw niya 'yung nagsasalita siya at may nakakausap kaya kapag libre ako, pumupunta talaga ako sa kaniya.

"Bakit naman po?" I asked her.

"Lagi akong binibiro, eh." sagot niya. "Noong kabataan namin, pakiwari ko ay mayabang siya." pagpapatuloy niya.

"Paano niyo po siya nagustuhan?"

"Nakilala ko siya," she smiled. Nagniningning pa 'yung mga mata niya. Ang cute. "Nalaman ko kung gaano siya kabuti, na panglabas niya lamang 'yung kung ano ko siya unang nakilala."

"Naroon siya noong mga panahon na kailangan ko ng makakapitan, kahit na hindi kami magkasundo madalas, hindi siya nagdadalawang isip na tulungan ako kapag kailangan ko." she continued. "Mahal na mahal ko 'yon. Hindi ko alam kung paano siya kapag nawala ako."

"Huwag po kayong magsalita ng ganiyan." I held her hand.

"Alam naman natin kung saan ako mauuwi, hija." she smiled sadly. "Ayaw ko siyang iwan." tears fell from her eyes.

"Kayo naman po, huwag niyo pong isipin 'yan."

"Mahal..." napalingon kami sa lalaki na kakapasok lang. May dala siyang mga pagkain. "Nurse, narito ka pala." Mr. Lorenzo smiled at me.

"Opo, una na rin po ako." I smiled a bit and stood up. "Tapos na po 'yung break time ko."

"Salamat sa pagbisita mo sa kaniya lagi, hija." he smiled.

"Wala po 'yon. Sige po." yumuko ako nang bahagya. Lumingon ako kay Mrs. Lorenzo. "Sige po," ngumiti ako pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto niya.

"Kailan i-di-discharge 'yung nasa Room 182?" biglang tanong ng isang nurse habang nandito kami sa Nurse Station.

"Baka raw next week," Jenny replied. Nakikinig na lang ako dahil Dad 'yon ni Gio. Bumagsak daw 'yung katawan kaya na-ospital. Ang hirap talaga intindihin ng mga tao, mas mahal kaya ang magagastos sa ospital kaysa sa suswelduhin sa isang araw na day off.

Noong mag breaktime ako ay umakyat ako ulit sa rooftop. Comfort place ko talaga 'to rito sa ospital. Pakiramdam ko ay narerelax ako kapag nandito ako. Idagdag pa 'yung mga city lights.

"Kailan kaya ako magiging enough for them?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa city lights. Gabi na kaya ang ganda noong view.

"You okay?" napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko. Pinatong niya 'yung dalawang siko niya sa railings at nakatingin lang siya sa kawalan, hindi niya ako tinignan.

"Oo, thank you ulit." tumingin din ako sa kawalan. "Sa kanina, naappreciate ko."

"Naappreciate ko rin 'yung cupcake." Gio chuckled.

"Che!" napairap ako pero napangiti rin ako.

"Shit things happen you know." he suddenly said. Napatingin tuloy ako sa kaniya. "It's clichè but..." he looked at me. "It's just a bad day, not a bad life."

Always, In All Ways (Change Series #4)Where stories live. Discover now