抖阴社区

Memories #15

229 2 0
                                        


I didn't know that a beautiful scenery can be found in the eyes of a person. That is what I am seeing in his eyes right now. Yun ang nakikita ko sa mga mata niya na nakatingin sa'kin ngayon.

Hindi ko alam na sa mga mata niya mahahanap ko yung sarili ko. I just found myself looking at his eyes. I just found myself with him around. Nakikita ko sa mga mata niya yung sarili ko na kasama siya.

Dahil sa mga iniisip ko hindi na napigilan ng mga luha ko na tumulo sa mga mata ko and he saw it kaya mabilis siyang napatayo sa kama niya at hinawakan yung balikat ko and the worry is evident in his eyes.

"Hey, why are you crying?" He asked me pero ako nakatitig lang sa kanya.

Ngayon alam ko na. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pigilan ang sarili ko o itanggi sa sarili ko yung nararamdaman ko. Yung pakiramdam na akala ko hindi ko mararamdaman mukhang nararamdaman ko na sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Is it possible to fall like this so easily? O baka hindi lang talaga mahirap na mahulog sa isang taong katulad niya.

"Margot, may masakit ba sa'yo? Did something happen?" Tanong niya. Mablis naman akong umiling sa kanya at tumayo mula sa pagkakaluhod sa sahig at tumalikod sa kanya para punasan yung luha ko.

Why am I crying in front of him? Dahil lang sa narealize ko yung feelings ko sa kanya iiyak na ako sa harap niya.

"Sorry," I said at nagpanggap na tumatawa bago humarap sa kanya at nakita ko siyang nakatitig lang sa'kin. "Okay ka lang ba? Hindi ka kasi umattend ng Christmas party niyo kahapon kaya naisip ko na baka may sakit ka." He nod at me.

"Meron nga," he said at nag-alala naman agad ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya kaya lumapit ako sa kanya at chineck kung may lagnat ba siya o ano pero hindi naman siya mainit.

"Yes, I am okay now... I am better." He answered. Nakahinga naman ako ng maluwag pero napatingin ako sa kamay ko na hawak niya na ngayon at nagulat ako nang ilapit niya yun sa mukha niya at dalawang kamay niya na ngayon ang nakahawak sa kamay ko.

Nakatayo ako kaya nagmukhang nakayuko siya sa'kin habang hawak niya ng mahigpit yung kamay ko na itinakip niya sa mukha niya.

"Claine," Tawag ko sa kanya. I put my other hand on his hand hoping that it can comfort him.

"I don't want to hurt you, but I know if I take risk you will get hurt in the end." Hindi ko naman naintindihan pero nasasaktan ako.

"Alam mo, hindi ko naiitindihan mga sinasabi mo pero bakit nasasaktan ako?" Nakita ko namang nagbago yung emosyon sa mga mata niya.

Hindi ko na kinaya pa yung tingin niya sa'kin kaya kinuha ko na lang sa sahig yung binili kong regalo para kay Russell at mabilis na lumabas ng kwarto niya at nang makababa naman ako nakita ko si Tita Clara at Tita Celise na seryosong nag-uusap pero mabilis lang akong nagpaalan sa kanila at umalis na.

Naglakad na lang ako hanggang sa makalabas ako ng subdivision nila. Hindi ko alam na sa pagpunta ko lang pala sa bahay niya doon ko malalaman yung totoong nararamdaman ko. Hindi ko alam na dahil pala sa kanya magbabago yung pananaw ko sa lalaki.

The worse is everything that is coming out from his mouth starting to hurt me. Lahat ng mga salitang hindi ko maintindihan na lumalabas sa bibig niya nasasaktan ako.

Instead of going home nagtaxi ako papunta sa condo unit ni Andrea dahil siya lang talaga ang unang tao na pumasok sa isip ko na pwede kong takbuhan dahil sa nararamdaman ko. May nagsasabi sa'kin na si Andrea lang yung makakaintindi sa'kin ngayon. I know that my other friends can understand me pero may nagsasabi sa'kin na si Andrea yung takbuhan ko.

Faded MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon