Coleen's POV
Sasabihin koba sa kanila yung sikreto namin ni Amy? I think hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila ang tungkol sakin, hahanap ako ng panahon para ipag tapat sa kanila ang kalagayan ko.
*Incoming Call*
:Hello?
:Hello, love haha si Frances to...
:Wow love ah HAHAHAHA
:Okii nag usap usap kasi kami nina Jaydee na mag bakasyon tayo sa Batangas, tayo tayo kasama sina Amy? G kaba??
:Oo naman kelan ba?
:Sa makalawa, don't worry ako na bahala sa lahat.
:Okay sige sige...
:Bye, love you.
*end*
Aba hindi pa ako nakakapag I love you too pinatayan agad ako haha. Another gala na naman na kasama ko siya sana palaging ganito para nasabi ko na rin sa kanya ang mga dapat kong sabihin. Sabihin ko muna kayna Amy at ate Lara ang sinabi sakin ni Frances.
"Ate Laraaaaa, Amyyyyy nasan ba kayo?" sigaw ko habang hinahanap Sila, nasan kaya yung mga yon.
Pumunta ako sa kwarto namin para tingnan sila tsk nandito lang Pala.
"Kung ano man yang sasabihin mo wag mona sabihin alam na namin" pinangunahan na ako ni ate Lara."Kala moba ikaw lang Ang may jowang mag u-update Sayo?" dagdag pa nito habang nakatingin sakin, nag tataka naman ako sa sinabi nito.
"Ano bang pinag sasabi mo ate Lara---," "kayo na ni ate bre?!?!" sabay naming sigaw ni Amanda dito.
"Mga boang hindi pa kami" sagot naman ni ate Lara. "Pa?!?" Sabay ulit naming sabi ni Amy dahil gulat na gulat kami sa sinabi nito.
"So may pag asang maging kayo?" dagdag pa ni Amy na tanong Kay ate Lara.
Napatawa na lang ito ng malakas tuwang tuwa ah tuwang tuwa siguro sa naging reaksyon namin ni Amy. Ano kanyang kinain ng mga to at biglang umaamo ang mga mukha kapag Sina Jaydee at ate Brei ang pinag uusapan, lalakas talaga ng tama tsk ako din pala hay nako.
--
[D-Day]
7:30 na ng umaga nag handa na kami ng mga dadalhin namin para sa vacation naming mag kAkAiBiGaN kuno. Baka kasi biglang dumating na yung van na sasakyan namin papuntang Batangas.
Hindi ko pa kanyang sabihin kay Frances ang kalagayan ko dahil baka hindi niya kayanin. Wag ko na lang kaya sabihin wala din naman magagawa si Frances haysss.
Nasa byahe na kami nakatulog na pala sila kaya pala mga tahimik, nakatulog din si Frances inaalalayan ko lang yung ulo niya na nakapatong sa balikat ko asdfghjkl.
"Saan naba tayo, malayo paba? natatae na'ko" kahit kailan talaga apaka baby ni ate Lara HAHAHAHAH
"Guni guni mo lang yan" sabat naman ni ate Brei sabay inambaan ito ni ate Lara. Nagtawanan na lang lahat ng taon sa van, parang aso't pusa eh.
--
Andito na kami ang ganda naman dito Ang perfect ng rock formation dito siguradong mag eenjoy kami niyan at Oo nag enjoy n nga sila nag pipicturan na eh. Niyaya ko muna si ate Lara para ilagay ang mga gamit namin sa naka assign na room samin sumama nadin so Jaydee para mag buhat.
11:30am na nag pasya na kami na kumain grabe ang angas talaga dito may pa eat all you can. Saka na kami maliligo sa beach pag natapos na kami dito. Tumabi sakin si Frances Dami namang kinuhang pagkain nito, ah baka share kami haha.
--
Frances's POV
Niyaya ko si Coleen sa pool ansakit kasi sa mata ng tubig dun sa beach. Walang katao tao dito sa pool kaming dalawa lang ni Coleen.
Nag mamadaling lumangoy papunta sakin si Coleen.
"Tsk lawak lawak ng pool Coco dun ka nga" pag papalayo ko dito ngunit nahawakan niya agad ang kamay ko.
"F-Frances h-hindi k-ko aa-abot yung t-tiles" saad nito agad ko naman tong hinila papunta sakin.
"Ba't kasi dito naliligo sa pang matanda meron naman pambata doon" pang aasar ko sabay inirapan ako.
"Kahit baby ako pwede parin ako dito ah" naka pout na sabi nito argghh stop that Coco.
Habang alalay ko si gilid ng pool si Coco ay biglang dumating si Amy na may dalang towel.
"Hindi paba kayo nilalamig?" tanong ni Amy sakin. Umahon naman na si Coco at kinuha ang towel kay Amy, nag paalam naman ito samin mag bibihis na daw siya.
Umahon na rin ako at inabot sakin ni Amy ang isa niya pang dalang towel.
"Gusto mo ba siya?" tanong sakin ni Amy habang nakatingin kay Coco na nag lalakad.
"Amanda, I love her."
--
A/N:hmmmm...
