ONE APP. ONE CHANCE ENCOUNTER. TWO HEARTS DRAWN TOGETHER.
As if willed by fate, college students Elrond and Elora found themselves connected to each other through Alter-a rising dating app in their generation.
Elrond, the Civil Engineering student...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Elrond's POV
HINDI ko na alam kung ilang oras na ba ang lumipas nang pagtitig namin sa isa't isa matapos kong sabihin 'yon. Dahil sa katahimikan ay pakiramdam ko tuloy ay naririnig ko lang ay ang pagkalabog sa gitna ng dibdib ko.
Isang buwan... Medyo hindi pa rin ako makapaniwala na isang buwan na kaming nag-uusap na akala mo'y ang napakatagal na naming magkakilala. Ilang beses na rin kaming nagpalitan ng 'at the moment' pictures pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa tinataglay niyang mala-anghel na mukha. Hindi nakasasawang titigan.
Alam kong nasurpresa siya sa mga salitang binitawan ko na hindi ko rin alam kung saan ko nahugot at kusang lumabas sa bibig ko. Unti-unting muling sumilay sa kanyang mukha ang ngiti, napatingin siya sa ibaba saglit at muling tumingin sa akin—pinaghihiwalay man kami ng screen ay pakiramdam ko ang lapit-lapit lang niya.
"Thank you, Elrond," halos pabulong niyang sabi. Akmang bubuka ang bibig niya para magsalita ulit pero parang hindi niya mahanap ang mga tamang salita. "I'm... I'm..." Tumingin ulit siya sa ibaba. "Sorry, I'm speechless."
Umayos ako ng higa at medyo nilapit ko 'yung phone sa mukha ko. "Bakit? Akala mo ba puro joke lang ang laman ng utak ko?" Natawa siya nang sabihin ko 'yon.
"To be honest, I'm surprised," sabi niya sabay nagpakawala ng mahinhin na tawa.
Hindi ko mapigilang ngumiti. "I mean it, Elora."
Muling nagtama ang paningin namin at siya ang unang pumutol ng titig. "I appreciate it. Sobra. Umm... I think I need to go now. May mga dapat pa akong gawin for school."
"Sure. Good night, studious girl."
Matipid siyang ngumiti at kumaway pa. "Good night."
Nang maputol ang video call ay lumitaw sa screen ko ang isang box na may limang stars at caption na, How's your first video call experience? Sa tuwa ko'y kaagad kong pinindot 'yung five stars.
Bumangon ako bigla sa kama at pumunta sa harapan ng salamin. Tinitigan ko 'yung sarili ko hanggang sa unti-unting na-digest ng utak ko ang nangyari.
"Mother of holy caramel..." bulong ko sa sarili ko sabay napatakip ng bibig. "Nag-video call lang naman kami!" Patakbong pumunta ako sa kama at lumundag doon nang patalikod. Nakatihaya ako sa kisame habang nakadikit 'yung phone sa dibdib ko.
Sana lang ay walang butiking malaglag sa bibig ko dahil nakanganga pa rin ako hanggang ngayon. Medyo hindi lang ako makapaniwala na nangyari 'yon. Kahit naman kasi na palabiro ako'y nirerespeto ko 'yung personal space ni Elora. Nakilala ko siyang napaka-private na tao kaya noon pa man ay nahihiya na akong subukang yayain siyang makipag-video call.
Pero shet na malutong. Pakiramdam ko ay nagtagumpay ako sa isang imposibleng misyon. Sadyang maganda lang ang timing. Kaya nga tama talaga 'yung sinasabi nila na mas maganda 'yung hindi planado, mas memorable.