"Carlos enough!! Your mission is done. You don't have to explain all of your plan...kumagat naman siya sa pain mo kaya 'wag mo na siyang kausapin"
A-anong misyon? Anong plano? Anong sinasabi ni Cielo? Anong pain?
Naguguluhan ako, hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko. Magang-maga na ang mga mata ko kakaiyak. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari, kung ano ba ang sinasabi ni Cielo.
"A-anong ibig mong s-sabihin Cielo?" nanginginig kong sambit at napalapit naman sa akin si Cielo at nag crossed-arms.
"Gusto mo ba talagang malaman? Ok sige... itong si Carlos, matagal ka na niyang minamanmanan, he knows your past life on your old school, he is the one who posted the pictures on the bulletin boards and he knows---" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang sumingit si Carlos.
"Cielo! Stop! 'wag mo siyang sabihan ng mga kasinungalingan mo!"
Nakatulala lang ako sa sahig at patuloy dumadaloy ang mga luha ko sa pisngi ko. Naguguluhan pa rin ako hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko.
"Why? Bakit hindi ba totoo? Na kinakaibigan mo lang s'ya dahil sa dare at ang plano ay mafall siya sayo!!" SAY WHAT? Medyo kumunot ang noo ko rito, parang hindi naman makatotoohanan 'to.
"Tumigil ka na!"
"Bakit natatakot ka ba na malaman niya?!"
"Sinabing tumigil ka na!"
"Bakit, hindi ba totoo? Pinaglalaruan mo lang naman talaga siya! Ah! Meron pa! Alagad ka rin kasi ni Victor na isa sa mga naglaro sa kan--"
"TAMA NA!! TUMIGIL NA KAYO!... Please lang..." sigaw ko sa kanila nang marinig ko ang pangalang Victor at napaupo na lang ako sa lupa habang umiiyak. Akmang itatayo sana ako ni Carlos pero hinawi ko ang braso niya.
Sa mga oras na iyon, sobrang sakit na ng dibdib ko, ng puso ko. Bakit ba kulob kelang napapalapit na ako kay Carlos saka mangyayari ito? Bakit? Bakit, anong kinalaman niya kay Victor? Anong kinalaman niya sa lalaking nang-harass sa'kin noon? Pinaglalaruan lang ba talaga ako ni Carlos?
Humagulgol lang ako doon nang humagulgol. Hindi ko matanggap na pinaglalaruan lang ako ni Carlos. Nilinlang niya ako, niloko, sinaktan. Hindi na dapat ako nagtiwala sa kaniya. Akala ko pa naman siya na ang kaibigan na iintindi sa nararamdaman ko.
"You better find a new and true friend, Gianna" huling sambit ni Cielo bago sila umalis ng mga alipores niya. Hinila na rin niya si Carlos palalayo. Ulol pala 'tong babae na 'to eh, feeling motivational speaker.
Naiwan akong mag-isa roon habang umiiyak. Natigil lang ako dahil may sapatos na tumambad sa harapan ko. Tiningala ko kung sino ang nasa harapan ko at naistatwa ako nang makita ko kung sino ang nakatayo ngayon.
Si Klein.
Naupo siya sa harapan ko at tinitigan ako sa mata. Iniwas ko ang tingin ko pero hinawi niya ang gulo-gulo kong buhok na nakaharang sa mukha ko. Inilagay niya iyon sa likod ng tenga ko. Natulala lang ako sa kanya dahil sa ginagawa niya.

BINABASA MO ANG
Secrets Of The Truth
FantasyRevelation of secrets that has been hidden in days, weeks, months, and years. Tahimik at walang imik ang ugali ni Lei, ngunit nabago ito nang magkakilala sila ni Carlos. Naging magkaibigan ang dalawa ngunit hindi ito naging madali sa kanila. Nagkar...