抖阴社区

Chapter 13: Decretum

84 13 4
                                    

Chapter 13 - Decretum


Lumilipad ang isip ko habang nakatingin sa litrato ng violin keychain.


"Ipsissima verba."


Nagulat ako sa sinambit ng katabi. Medyo kumunot ang noo ko nang nilingon ko siya.


"Ipsissima verba. Isa itong Latin legal term na ang ibig sabihin ay 'the very words.' Based sa documents na nakalahad tungkol sa 'suicide' ni Mia, I smell something very fishy," dagdag pa niya.



"Paano mo naman nasiguro iyun?"


"Simple lang," humarap ngayon sa akin si Segeir bago magpatuloy.


 "Ayon sa documents, bandang nine ng gabi nilang natagpuan ang bangkay ng biktima na may hiwa sa pulso."



"So ano naman ang sinabi sa autopsy reports," biglang singit ko.



Sumandal siya bago nagsalita. "According sa autopsy reports, namatay siya due to poisoning. Sabi rin dito, may na-intake or presumably na nakapag-intake ang biktima ng mercury – which is very odd. This might be accidentally, pero kung ang naintake ng biktima ay organic mercury from fishes, which could cause also her death, maaring nadala ito sa sobrang pag-intake," aniya.


Kumunot ang noo ko. That's odd.


"Teka, parang imposible naman iyang deductions mo. Maaring diretsong nilulon ng biktima ang mercury na-dissolved dahil sa molecular content nito sa autopsy. Pwede rin na ang mercury ay yung galing mismo sa thermometer."



Kinuha ko yung data mula kay Segeir at maiging pinag-aralan ito.


"Ano naman ang alibi ng magulang niya," saad niya.


"Weird. Sabi rito sa reports, kumakain nang sabay ang mag-asawa nang nangyari iyun. Dito pa lang, may mali na. Di ba nga, narinig ko siyang umiiyak at sabi rin ng biktima, may ibang babae ang tatay niya," ani ko. "Thus, this alibi might be partly true."


"Ibig mong sabihin, yung tatay might be the suspect for murdering his own child," bulalas ni Segeir with matching tayo pa.


Binatukan ko siya dahil sa exaggerated niyang reaction.


"Hindi yun ang ibig sabihin ko. Maari naman ang killer mismo ay kung sino pa ang malapit sa loob ng biktima. Look, ang alibi ng magulang ay sabay silang kumain nang bandang seven ng gabi. Pero natagpuan ang bangkay nang bandang nine.


But according to the autopsy reports, namatay si Mia bandang alas seis. The killer has more than an hour to do such bago maghapunan ang mag-asawa."


"Who was their visitor, then? Ang mahihinuha ko ay posibleng may third man na nandito sa bahay nila ng maganap ang krimen like I said before?"

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon