"Wow... yung kasi talaga pinaka nakakatakot eh. Buti naman nakinig ka sakin."
"Oo naman."
"Wait... does that mean??"
Nagkatinginan lang kaming dalawa at nag tilian.
Nakalimutan na naming nandiyan pala si stell at papasok sila ken at jah. So syempre na gulat sila.
"OMG OMG OMG"
"WAAHHH"
Tili naming dalawa nakatingin lang saamin yung tatlo at vine-videohan naman kami ken.Tumigil kami nang makarinig kami ng tawa.
At mas tumawa pa sila nang malakas, ganun din kami.
Pagkatapos namin tumawa kesa tumanong sila sinabihan ko kaagad na mag practice na kami kasi next week na friday na namin yon ipe-perform. Hindi naman na din sila nag reklamo.
Papa uwi na kami at hinatid na ni jah si josh sa dorm nila ken, naki third wheel naman si ken HAHAHA.
Anyways so kami naman ni stell yung sabay kaya lang.
"Dala ko motor ko." Sabi ko sakanya at naka tayo sa harap ng motor ko at naka titig sakanya.
"Hmm eh di i-angkas mo ako. Marunong ka namang mag drive diba?" Sabi niya.
Sumakay na nga ako at pinaandar yung makina ng motor. Sumakay na din siya.
Nagulat ako ng bigkang humawak siya sa bewang ko.
Ramdam ko naman na napangisi siya. At nag maneho na nga ako papunta sa bahay niya, hinatid ko na siya doon.
"Salamat." Sabi niya at sabay baba.
"Welcome." Sabi ko at nag ready nang umalis nang hawakan niya ang kamay ko.
"Mag ingat ka." Habol niya at tumango lang akong ngumiti.
Aalis na sana ako nang hindi niya binibitawan ang kamay ko.
Napatingin kang ako sakanya. "Uhm? Kamay ko stell." Sabi ko sakanya.
"Ah sorry." Sabi niya pero hindi niya pa din inaalis ang hawak niya. Kaya napa kunot ako ng noo ko.
Bumuntong hininga lang siya at inalis na din ang pagkaka hawak niya.
Aalis na sana ako nang biglang.
"Mag iingat ka papakasalan pa kita." Sabay ngisi at kaway saakin.
Napa hawak ako sa noo ko. Kung saan hinalikan niya ako.
Sinubukan ko munang kalimutan yun at mabilis na umuwi.
Kaya lang parang ayaw ko nalang umuwi, pagkarating ko sa bahay nag paalam ako kela mama na hindi muna ako doon matutulog sa bahay at kumuha ako ng ilang gamit at damit.
At saka pumunta kela josh.
Pagkadating ko saktong nanonood sila ng TV ni ken. Nagulat naman sila dahil hindi ako nag text sakanilang pupunta ako dito.
Tulala parin akong pumasok sa dorm nila. Naririnig ko ang tawa nila pero hindi yun sapat para magising ako sa reyalidad.
Nang maalala ko ulit ang ginawa ni stell kanina napa hawak ako sa noo ko.
At sumigaw.
"AAHHHHH!!!!!!!"
"WTF???!!!"
"PAULO?!?!"
Sabi naman nang dalawang halatang nagulat.
Tumili lang ako nang tumili habang si ken tawa ng tawang vine-videohan ako. Si josh naman tanong ng tanong anong nangyari habang tumatawa.
Kinwento ko na nga sakanila at.
"SANA ALL!!!!!!" sabay nilang sabi at napa ngiti lang talaga ako.
"I know right. Ako lang toh." Sabi ko sabay hair flip. Binatukan naman ako nung dalawa.
"Sus maka sana all ka josh parang hindi ka inano kanina ni ano ah." Sabi ni ken at ngumisi kay josh.
"Oi ano yan ano yan." Sabi ko naman syempre curios din.
"Wala naman HAHAHA, ganito kasi."
Josh's POV
Nung papauwi na kami, nag ke kwentuhan lang kaming tatlo sa daan.
Nang maramdaman kong nilagay ni jah ang kamay niya sa hita ko. Napatingin lang ako sakanya at nakitang naka ngiti lang siya saakin.
Napalingon naman agad ako. Tapos mas lalo lang akong nahiya nang hawakan niya ang kamay ko.
Ramdam ko ang pagpigil ng tawa ni ken, at alam ko din na pini-picturan niya toh.
Mga ilang minuto ay naka rating na din kami at dali dali akong bumaba.
"S-salamat sa paghatid saamin, j-jah.." mahina kong sabi at hindi ako maka tingin sakanya.
"Oo nga jah salamat ha kahit naki third wheel lang talaga ako." Sabi ni ken at napatawa nalang kaming tatlo.
Nauna nang mag lakad si ken at susundan ko na sana siya nang hawakan ni jah ang kamay ko.
"Goodnight, wala bang goodnight kiss?" Sabi niya at naka ngiti parin.
Nagulat naman ako at napalaki ang mata ko. "Lah? Balakajan. Anong kiss kiss, wala wala." Sabi ko ata natawa naman siya ng bahagya.
Siguro mga dalawang minuto pa kaming nag titigan bago niya ako.
Hinalikan sa may mata.
Napahawak lang ako sa parte nayun at mas lumawak ang ngiti niya at muling nag sabi ng goodnight at pumunta na sa sasakyan niya.
Nawala lang ako sa pagka lutang ko nang marinig ko ang malakas na tawa ni ken at vine-videohan niya pala yun.
Kaya nag habulan kami papunta sa kwarto namin. Tawa lang siya ng tawa dahil mas nauna siya kesa saakin. Pinakita niya yung video.
Pau's POV
"Mukha kang tanga." Sabi ko sakanya at tumawa kami ng malakas ni ken. Siya naman bahagya lang dahil nahihiya pa siya.
"So?? Ano ba talaga kayong apat? More than friends less than lovers? Friends with bene-" Pinutol namin ang sinasabi ni ken.
"HOI" Sabay naming sabi ni josh.
"Walang ganyanan." Sabi naman niya at tinawanan kami ni ken.
"So ano nga? Mas nauna yung halik kesa sa label?" Nag joke pa siya.
"Sa noo/mata palang naman." Sabay naming sabi ni josh.
"Hay naku, seryoso ha. Tanungin niyo kasi sila kung ano ba talaga kayo. Oo nga mutual na yung feelings niyo pero."
Tumingin siya saaming dalawa ng seryoso.
"Hindi naman nila kayo nililigawan. Para bang magkaibigan parin kayo upgraded version nga lang. Walang namamagitan sa inyo."
Nagtinginan lang kami ni josh at napaisip.
"Baka masaktan lang kayo."
Sana pala nakinig nalang tayo...
••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••
A/N: Finally gumagalaw na yung story hehe, sorry busy sa acads mga pepol but enjoy.

BINABASA MO ANG
Into You (Pabstell X Joshtin)
FanfictionUniversity bestfriends; Pablo, Josh, Stell, Ken, and Justin. Pablo likes stell, but stell and ken are together. Josh likes justin, but justin and sharlene are together. They both decided to just keep it to themselves and watch from afar, but someth...