And that was it. I never knew I was able to be okay just because of him.
Scratching the back of my forehead while roaming all over my sight around the field, inaliw ko ang aking sarili at para maiwasan ang makaramdam ng inip habang nakatayo mag-isa sa field ngunit hindi malapit sa sinag ng araw dahil masyadong sensitive ang mata ko dito.
Iniwan niya ako matapos niyang sabihin kung gaano ako ka-worth it sa puso niya. Alam ko naman 'yon 'e! Matapos no'n, ayon! Bigla nalang siya naglaho!
Hindi na ako nito binalikan. Pero! Nag-text ito sa akin!
Kinamusta lang ako. Tinanong kung naka-uwi ba ako o kailangan pa ba niyang ihatid ako, o nakakain na 'rin ba ako. Sabi ko naman, 'wag na. Ayaw ko naman siyang gawing driver 'no!
Hindi dahil mabait ang isang tao kagaya niya, kailangan mo nang i-grab ang opportunity na 'yon. May sarili silang buhay. We cannot and would not control their life. And right now, and the very end of our relationship, I don't want that. I don't want to control him. Hindi dahil wala kaming label. Kung hindi mahalaga na siya sa 'kin. With or without label.
And besides, gusto ko na ganito lang kami. Kaunting harutan, kakiligan, hanggang sa mauumay na kami sa sariling mga mukha namin. As if, mauumay ako sa gwapo niyang mukha, hindi ba?!
Nahinto lang ang paglilingon ko sa buong paligid nang tumunog ang cellphone ko.
May'pa sounds pa itong, 'Mahal kita, pero. . .' dahilan para mapapatingin sa akin ang mga schoolmate ko at palihiman akong tinatawanan.
Ningitian ko naman sila at nag-foward at backward habang kinakaway ang hintuturo at binubulong sa harapan nila ang kasunod ng kantang iyon kasabay ng pagsasayaw.
Sa tingin ba nila kapag tinatawanan nila ako, magagalit ako? Well, nah-ah-ah. I feel authentic today. Masaya ako.
Kung sana marami lang ang kaibigan ko, inuutusan ko na silang samahan ako dito sa field at magsayaw ng magsayaw sa harapan ng lahat ng tao habang nagdadala ng maraming pulang balloons na hugis peras at puso, at ang malaking kartolina kung nasaan ang nakasulat kamay.
'Mahal kita, Peter, pero ang label. . .'
Naiisip ko pa lang ang mga ideyang iyon, natutuwa na ako. Marami naman akong arts materials sa bahay kaya hindi na problema iyon. At kung sa sounds system naman ang usapan, may mga kakilala naman akong miyembro ng Music club para hingan ko ng microphone at malaking speaker.
'Yung sanang matutulak ko kasi lilibot pa ako sa buong bahagi ng school habang kinakanta 'yon. With them at my back, sinusunod ang mga dance steps kung maganda!
Gusto ko 'rin may'pa beat box o 'yung mga kantang kino-konekta sa isa't-isa para maganda. Tapos 'yun dance step sana na may pa twerk-twerk para maganda sa mga beats na tumutunog sa speaker.
May idagdag na sana ako sa mga suggestions ko nang tumunog na naman uli ang cellphone ko.
Ngayon ay ibang tunog na naman. Simple lang naman ang music na nilagay ko. Pa-tut-tut-tut lang. Kagaya ng mukha ni Jewel, simple lang.
Mahina akong natawa at kinakalikot ang cellphone.
Simple lang naman ang iti-next ni Jewel sa akin. Tinatanong kung nasaan na daw ako. Sabi ko naman nasa school na. Gusto ko kasing maging maaga ngayon dahil may plano pa ako.
Dumadaungong naman ang reply sa 'kin ng kaibigan ko, minumura ako kung bakit hindi ko 'daw siya hinintay.
'Tse! Ayaw ko naman ma-late 'no! Para nga'ng ang salitang late, nasa gitna na nang pangalan niya.

BINABASA MO ANG
Emotions Of His Heart
RomanceHis Series #1 | Emotions of His Heart | Hermione, a senior high school student of UC main campus, once believe that the key to every happiness is to always have control over your emotions, but how could we control ours when seeing the person we love...