Love Me or Hate Me.
YOU'RE STILL MINE and I'M YOUR HUSBAND.
-Bright Dhylan
AUTHOR NOTE:
This is My First BL I'll make! I hope you can still support me!
Khop khun khap!
WARNING: Ang mga Pangalan, Lugar, Tao o Pangyayari ay walang kinalaman sa totoon...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
BRIGHT POV
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon sa mga kaibigan ko pero ang alam ko lang nagi-guilty ako sa nangyari kay Win.
Hindi dapat siya ang nandoon kun'di ako mismo. Napaka-gago ko.
I just realized a minutes ago na wala naman talagang ginagawa sa'kin si Win na masama pero binibigyan ko lang ng malisya ang pagtulong niya sa mga kababaihan. Nabulag ako sa inis ko kay Win sapagkat siya pa lang na estudyante ang lumaban sa'kin pabalik.
"Sigurado ka d'yan, Bro? Hindi ka pa magaling" napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang kaibigan ko na si Man.
Tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa pulsuhan ko para alam nilang nagsasabi ako ng seryoso.
"Magaling na 'ko. Ang importante ngayon si Win. May kasalanan rin ako kaya gano'n ang kalagayaan niya. Please help me. I want to go there" pagpupumilit ko.
Kahit kita ko sa mga kaibigan ko ang alanganin pero hindi pa rin nila ako napigilan kaya nakarating kami kung nasaan si Win.
"Doc, I donate blood to him" saad ko sa Doctor na naka-assign kay Win bago ko itinuon ang tingin sa loob ng ward kung saan kita ko ang walang malay na binata.
Nang makita ko si Win sa gano'ng kalagayan ay mas lalo akong nakonsensya.
"AB Blood Type?" Doc asked.
"Fill-up this form" dugtong ni Doc nang makita nito ang pagtango ko bilang sagot sa una nitong tanong.
Madali ko lang sinagutan ang form bago ako dinala kung saan naka-assign si Win.
Mas nakakaawa pala kapag makita mo siya ng malapitan.
'He's not deserved this pain.'
'I'm sorry. I'm really sorry, Win' I murmured.
"Ready?" Doctor asked.
Tumango lang ako habang inaasikaso na nila ang kagamitan na gagamitin sa pagkuha ng dugo, "3 bags, it's really okay?"
"No worries po, Doc" I assured the Doctor.
Ilang minuto rin ang itinagal namin bago natapos ang session.
"I will call you if he's getting better. But now, you need to go back on your ward dahil hindi ka pa rin magaling" umiling ito bago nag-utos sa mga nurse na dapat gawin.
Bumalik nga ako uli sa ward ko at nagpahinga dahil naiwan nga pala ang kaibigan ko sa Emergency Room kung saan nandoon ang kaibigan ni Win.
'Wala bang magulang si Win at hindi man lang pumunta?' tanong ko sa isip.
"Okay na, Bro?" napatingin ako ng pinto ng marinig ko si Mike kasabay no'n ang dalawa ko pang kaibigan.
"I'm not feel better. Pero gusto kong malaman agad kung okay na ba si Win sa dugong naisalin sa kan'ya" saad ko.