Chapter 31"Alis na 'ko, Mom." Saad ko sa kaniya, tumango naman siya at nginitian ako.
"Dad," tumango rin siya sa akin.
"Galingan mo, Idj ha! Good luck!" Napangiti ako sa sinabi ni Mom at agad tumango sa kaniya. Of course, I'm going to do my best, kailangan kong makasali sa top hindi pwedeng pumasa lang.
Nang makapag paalam ay agad na akong lumisan, It's 7 am and our schedule is 8:30 am, more than 1 hour akong nauna dahil gusto kong ma-relax.
Mas nakaka pressure ito kesa sa UPCAT tho kahit hindi naman ako makapasa ay may mga chances pa ako ngunit gusto ko ay makapasa agad ako. To think that I'm Cum Laude at hindi makapasok sa top ay hindi pu-pwede.
Phone, wallet and papers lamang ang dala ko. Balak kong mag coffee muna sa Starbucks bago ako dumeretsyo duon.
Kaya naman yuon nga ang ginawa ko, agad kong tinungo ang Starbucks at umorder ng Caffe Latte and Luxury Fruit Toast. I seated while waiting for my order.
I'm just scrolling on my social media account while waiting for my order when a couple crossed my sight.
Malayo sila sa table ko kaya hindi ko marinig ang mga pinag uuusapan nila ngunit alam agad na nag-aaway sila.
Nakatalikod sa akin ang babae kaya ang lalaki lamang ang nakita ko.
He's handsome, but definitely I'm more handsome.
Naka casual lamang sila, the man is wearing a polo shirt and a jeans, naka-sunglasses ito kaya hindi ko maaninag ang itsura.
Ang babae naman ay blonde ang buhok at hanggang bewang ang haba ng buhok, nagulat pa ako dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganun kahabang buhok na blonde.
Maputi rin ito kaya parang si snow white siya. Lumilitaw lalo ang kutis niya dahil naka-itim pa siya na top na kitang kita ang kaniyang hugis.
Napangiwi ako, maganda siya but not my type especially that she's in a relationship. No, no.
Mukang nag aaway talaga sila dahil salitang salita ang babae habang ang lalaki naman ay halatang nagtitimpi habang hinahayaan ang kasintahan na mag ingay.
"Idjren, please take your order. Thanks!"
Agad akong napatayo nang marinig ang pangalan ko. Naglakad ako patungo sa counter ngunit hindi inaasahang narinig ko ang iilang pag aaway ng magkasintahan dahil malapit sila sa counter.
"Shut up! I don't need your nonsense opinion! It's been a year, Bruce! Move on!" rinig kong saad ng babae. Binagalan ko ang paglalakad upang mas mapakinggan.
Mukang hindi narin nakapag timpi ang lalaki at nakipag sagutan na rin.
"I'm only doing this for us! Do you think they will allow us to do that? Ashia, wake up! We're both stuck to this! We cannot escape this!"
Hanggang duon lamang ang narinig ko dahil nakarating na ako sa counter. Agad kong kinuha ang inorder ko at muling bumalik sa aking upuan.
Nang muling madaanan ko sila ay tahimik na sila at walang nagsasalita. Hindi na pa ako naki-esyoso dahil hindi ko naman sila negosyo at hindi rin naman ako chismoso.
I just enjoy sipping to my coffee hanggang sa maubos ko ito, hindi ko na kinain pa 'yung breakfast ko sana. I'm going to eat that later.
Agad na akong dumeretsyo sa aming pag eexaman at nakitang ang dami na agad tao rito. I took a deep breath before going out to my car nang maipark ko na ito.
Hindi ko manlang nakita ang mga ka-batch mate ko sa UP sa dami ng tao rito. Umupo na lamang ako sa isang tabi saka natahimik.
Tangina kinakabahan ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
Halos 15 minutes na lamang pala ay magsisimula na ang exam nang makarating ako duon. Ni-hindi manlang ako nakapag dasal.
Agad na kaming tinawag at pumasok sa mga assigned rooms kung saan duon kami mag eexam. Umupo ako sa unang row ng upuan, by alphabetically ang aming ayos kaya't ako ay nasa unahan.
Hindi rin nagtagal ay kami ay nag simula na. May mga nagbabantay sa amin dito upang masiguradong hindi kami mangdadaya.
Napabuntong hininga ako nang hindi ko alam ang sagot sa isang tanong. Tangina ngayon pa talaga ako na-mental block.
Nilaktawan ko muna ito at sinagutan ang mga alam ko. Shine-shade namin by letters kaya madami akong dala ng pencil.
Ilang oras rin tumagal ang board exam bago kami tuluyang natapos. Nanginginig ang aking kamay nang makalabas ako ng classroom.
Tangina hindi ako sure sa mga sagot ko. Bahala na. Puta.
Naglalakad ako sa hallway nang may kumalabit sa aking likod, agad akong napalingon sa aking likuran at napangiti nang makita 'yung babaeng nangungulit sa akin sa UP.
"Hi, Idj!" Masayang bati nito sa akin, ngumuti ako sa kaniya pabalik.
"Hi,"
"Tapos ka na sa exam? Katatapos lang namin, nakakakaba yawa! Sana talaga makapasa ako, kahit hindi na ako makasali sa top basta makapasa lang para naman makapag trabaho na ako at hindi na maging palamunin sa bahay." Aniya at nagsimulang naglakad, ganun rin ang ginawa ko at tahimik na nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Alam mo ba nagsuot pa talaga ako ng red na panty para sure talagang makapasa ako sana gumana, pamahiin daw kasi 'yun sabi ni Nanay. Pag hindi talaga effective 'yan naka-ready na ang mga gamit ko, maghahanap na lang ako ng mauupahan."
Natawa ako sa sinabi niya, She really has a charming.
"E ikaw? Anong gawa mo?" tanong niya sa akin, nagkibit-balikat lamang ako.
"None, just reviewing, going to gym and such."
Napatango naman siya sa akin.
"Infaireness, ang ganda nga ng katawan mo! Finollow kita sa mga social media mo, follow back naman!" muli akong natawa sa kaniya. Hindi ko kasi alam na may nag fo-follow sa akin dahil naka mute sa akin ang mga notifications ng social media ko dahil ayaw ko ng tunog ng notifications kapag nag-aaral at nag-ggym ako. Istorbo.
"Sure," tanging nasabi ko sa kaniya.
"Sige, una na ako huh? May part time pa ako sa milk tea shop e, bye!" saad niya at tumalikod na sa akin, napataas kilay naman ako habang nakatitig sa likod niya.
Ngunit ang ipinagtataka ko ay bakit ako sumunod sa kaniya?

YOU ARE READING
Chandrettjīe: The Heart Of A Scientist
Science FictionEverybody can love freely, and I thought I am just the one of them. But suddenly one day, I need do to something for myself that cause my love to be hurt. ?:2021 Date Started: Sept, 26, 2021 Date Finished:--- A Sci-Fiction-Romance Novel. Illustrati...