*FLASHBACK*
Hinatid ako ni LA sa bahay namin, nung lumabas ako sa kotse nya ay natapilok ako pero mabuti nalang at nandoon sya kaya nasalo nya ako.
Matagal kaming nagkatitigan hanggang sa bigla nalang kaming nakarinig ng isang napakalakas na busina.
Nang lingunin ko ang direksyon na pinanggalingan ng busina ay laking gulat ko ng makita ako si Alyssa.
Nakasakay sya sa kotse nya pero kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya. Agad akong bumitaw kay LA at dali daling nanakbo papunta kay Ly pero bigla nalang nyang pinaandar ng mabilis yung kotse nya.
Den: ALYSSA!
Tinawag ko sya pero hindi man lang sya huminto. Na iyak nalang ako dahil sa ginawa, alam ko kasi noon na galit sya.
Naramdaman ko na may humawak sa braso ko.
LA: Den? Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?
Den: Umuwi kana.
LA: Huh? Bakit? Saka ano bang nangyayari? Bakit ka umiiyak? (Sunod sunod na tanong nya.)
Den: Basta umalis kana.
Tinalikuran ko na sya at naglakad ako papunta sa gate ng bahay namin.
LA: Si Alyssa ba yung iniiyakan mo?
Napalingon naman ako sa kanya nung tanungin nya ako.
LA: Sya nga. Totoo ba yung issue tungkol sa inyo?
Den: Mahal ko sya. (Yun lang ang naisagot ko sa kanya.)
LA: Kung totoo yung chismis tungkol sa inyo, bakit mo pa pinaabot sa ganito?
Den: Hindi mo ako na iintindihan.
LA: Kausapin mo sya agad, ayusin nyo to..Bye Dennise. (Sabi nya saka sumakay sa kotse at agad na umalis.)
~
Ilang beses kong tinawagan si Aly pero hindi nya sinasagot, pati yung mga teammates nya ay tinawagan ko na rin pero ayaw daw akong makausap ni Ly.

BINABASA MO ANG
I LOVED YOU FIRST by Colt
FanfictionRe-publishing this story due to the request of the previous owner's followers
Chapter 25
Magsimula sa umpisa