抖阴社区

?? CHAPTER 21??

Magsimula sa umpisa
                                    

Nabaling ang tingin ko sa harapan ko na may maraming pasugod sa akin kaya naging alerto ako at hinawakan ko ang edge ng lamesa saka ito binuhat at hinagis sa kanila ngunit apat ang natamaan sa kanila at the rest ay nagpatuloy sa pagsugod.

Sinasangga ko ang paparating nilang suntok at may isang lalaking malapit na maabot ang mask ko ng sinangga ko ito ng aking braso sabay pinaikot ang aking kamay sa braso nya at sinampas ang kanyang bandang dibdib kaya pahiga syang tumilapon.

Pinaikot ko naman ang kamay ng lalaking sumunod na sumugod at pinag-untog sa isang lalake na balak sipain ako.

May bigla namang sumakal sa leeg ko gamit ang braso ngunit hinawakan ko ang kan'yang kamay at pinaikot sabay subsub ko sa kaniya sa kamesa na katabi ko lang kanina.

Nakita ko naman ang isang fork kaya agad kong itong kinuha at tinutok sa kan'yang leeg.

"Kung ayaw mong iturok ko ito sa leeg mo at umagos ang marumi mong dugo sabihin mo sa mga kasamahan mo na tumigil sila." mahinang sabi ko sa kaniya.

Hindi ako nagbibiro na iturok ito sa kan'yang leeg ones na may maling hakbang s'yang ginawa.

"HA! HA! HA! sino ka para sundin ko?" nagsmirk ako kahit hindi niya nakikita.

Gusto n'ya palang mamatay ng maaga bakit hindi agad sinabi?. Diniinan ko ang pagkaturok ko sa leeg n'ya na ikinadaing nya ngunit umiiling-iling lang na parang nagmamatigas.

Nakita ko sa gilid ng aking mata na may pasugod na naman. Tsk! hindi na nadala. Ibinato ko ang hawak kong tinidor sa lalaking pasugod sa'kin at tumama ito sa kaniyang kaliwang balikat na ikinasigaw niya.

"AAHHHHH!" at ikinasinghap ng mga nanonood.

Binalik ko ang attention ko sa lalaking hawak ko ngayon at pinalitan ang hawak ko ng kutsilyo na galing din sa lamesa na pinagkunan ko ng tinidor.

"Ito mas sisiguraduhin ko na babaon ito sa leeg mo kung hindi kayo titigil. Wala ako sa mood para makipaglaro sa inyo." madiin kong sabi.

"Oo na! oo na! Bitawan mo na ako! Hoyy! kayo dyan umalis na tayo!" sigaw niya at lumalabas ba ang ugat sa kaniyang leeg dahil sa pagsigaw niya.

Agad ko naman s'yang binitawan ng inutusan na n'ya ang mga kasamahan niya at patakbo silang umalis ng cafeteria.

Tumingin naman ako sa pwesto nila at binigyan sila ng isang masamang tingin ngunit binigyan lang nila ako ng isang ngise na parang nagsisimula palang sila.

----------END OF FLASHBACK------

Tinulak-tulak ko siya gamit ang map na hawak ko dahilan nagkaroon ng dumi ang kaniyang damit o uniporme hanggang sa sinipa ko pataas ang isang stainless na balde at isang sipa pa ang ginawa ko para mapunta sa kan'ya at saktong tumaob ito sa kaniyang ulo.

Galit naman n'yang kinuha ang balde sa kan'yang ulo at pagalit itong binagsak.

"Sumusubra ka na!" sigaw n'ya na parang bakla.

Tinaasan ko s'ya ng kilay kahit na hindi niya ito nakikita. 'At ako pa ang sumusubra ah? Hindi na ba siya sumusubra sa lagay niya?'

"Ako si Livius Arden at sisiguraduhin ko na maghihirap ka talaga sa Hell Wall Academy!" madiin n'yang sabi at nag walk-out.

'Then... let's play.'

"Hala lagot ka ginalit mo si Livius." parang bata na pananakot sa akin ng isang lalaki na biglang sumulpot habang nakataas ang kaniyang daliri saka sinundan si Livius.

Vishnu Aniston, Tch!. Childish.

"Sorry." napatingin ako sa gilid ko at nandoon si Aisleir.

"For what?" I ask.

"Dahil hindi ko napigilan si Livius na tigilan ka sa pagpapahirap sa'yo." napabuntong hininga ako at napahawak sa akin sintido.

"Hayaan mo na and sino ka para mag-alala sa akin?" magsasalita na sana s'ya pero inunahan ko na.

"Sumunod ka na sa kanila 'wag mo na akong isturbohin at kausapin." sabi ko.

Umalis ako sa harapan niya para damputin ang balde na mabuti na lang ay stainless ito kaya hindi na basag. Napasin ko na may mga tubig na nakakalat sa kinatatayuan ko. Haist! dagdag trabaho talaga ang mga isip bata.

"Kung kailangan mo ang tulong ko... hanapin mo na lang ako sa Special Building."

Mahinahon na sabi na nasa likuran ko. Akala ko naka-alis na'to hindi ko na lang pinansin ang kaniyang sinabi at hindi na ako samagot.

Maya-maya lang ay umalis na s'ya saka ako umupo sa isa sa mga upuan.

Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa tirik ng araw. Kailangan kong matapos ito bago pa ako gabihin.

Someone is calling you please answer it~~~

Someone is calling you please answer it~~~

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking blazer at tiningnan kung sino tumatawag at nakita ko na si Aigen na naman.

Anong kailangan na naman ng unggoy na to? Sinagot ko na lang baka tungkol ito sa mga bata.

"MY LOVEESSS!!!" agad kong inilayo ang cellphone sa aking tainga.

Taena! nakakarindi talaga ang boses nito kahit kailan.

"Ano na naman ba? May ginagawa ako." inis kong sabi sa kaniya ng muli kong itinapat ang cellphone sa aking tainga.

Mainit na nga ulo ko pinapainit nya pa. Pag-ito hindi importante ang sasabihin n'ya hindi ko na dadagdagan ang allowance n'ya at s'ya na bahala maggastos ng mga kailangan ng mga bata.

"Anong kailangan mo?" tanong ko na may halong inis.

"Wala HAHAHA— tot-tot." sabi n'ya at pinatay ang tawag tiningnan ko ang cellphone ko at nakapatay na nga.

P*ta! sabi na eh.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon